Chapter 9
Quin
Dalawang buwan na ang nakakalipas pero hindi pa siya nagigising, maige ko nalang na pinupunasan ang mukha niya kung noon sobrang putla niya ngayun ay bumabalik na ang dating kulay niya at tinutubuan na rin siya ng bigote sa mukha niya at medyo humahaba na rin ang buhok niya, sabi ng doctor okay na siya wala ng problima dahil naghihilom na rin ang mga sugat niya sa katawan pero ang deperensya ay hindi pa siya nagigising.
"Papa" napatingin ako kay sheeva na kanina pa nakaupo sa tiyan ng daddy niya at nakayukong nakahiga dito, sabi ng doctor okay lang naman daw yun dahil bata pa si sheeva, tumungo si sheeva at hinaplos haplos ang bigote ni macky kaya napangiti ako.
"Anak" napalingon ako kay mommy at kasama niya si quinnie.
"Ate may dala kaming pagkain" ngumiti ako sa kanya saka ko nakita si laris sa likod niya na nakatingin kay macky, alam ko iniisip nila, sinasabi nila ang tanda na ni macky para sakin pero hindi naman kasi matanda ang bente otso sadyang malaki lang talaga ang katawan ni macky saka matured rin siya dahil sa trabaho niya.
"Lola" napangiti si mommy ng tawagin siyang lola ni sheeva.
"Hello apo kumusta ka na?" Ngumiti naman si sheeva at umupo ng maayos sa tiyan ng daddy niya habang hawak hawak ko ang kamay ni macky.
"Mommy marami naman pong pagkain bakit pa kay---
Napatigil ako sa pagsasalita ng maramdaman ko ang paghigpit ng hawak ng kamay ni macky sa kamay ko kaya agad akong napatingin sa kanya.
"Macky?" Agad kong pinindot ang emergency button at kinuha si sheeva saka dumating ang doctor.
"Gumalaw po ang kamay niya" sabi ko at agad nilang tinignan ai macky dahil sa nangyari nagising ang kakambal nitong si mackintosh na kanina pa natutulog sa sofa kasama ang daddy niya. Tumingin ako kay macky na dumidilat na.
"Macky naririnig mo ba ako? " tanong ng doctor sa kanya at hindi siya sumagot dahil parang nag a-adjust pa siya sa liwanag.
"Macky? " pumikit ulit siya saka dumilat at tumingin sa paligid.
"Nasaan ako? " agad niyang tanong pero mahina lang saka gusto niyang umupo kaso pinigilan siya ng doctor dahil mahina pa siya.
"Anak" umiiyak na sabi ni tita kaya napangiti ako, napapalibutan siya ngayun ng pamilya niya kaya hinigit ko sila mommy at quinnie palabas.
"Anak bakit? " pigil ni mommy sakin ng nasa labas na kami.
"Hayaan nalang po natin muna sila" hindi sumagot si mommy kaya tumingin ako kay quinnie..
"Umuwi nalang muna kayo kambal at ihatid mo si mommy ha" tumango naman siya.
"Mag ingat ka dito ha" tumango ako saka ako humalik sa pesnge ni mommy.
"Mag ingat ka rin dito" tumango ako saka na sila nagpaalam. Tumingin ako kay sheeva na kanina pa nakatingin sa pintuan ng kwarto ni macky kaya umupo muna ako sa gilid ng waiting area.
"Dito lang muna tayo baby" tumango naman siya sakin kaya niyakap ko nalang siya ng maayos nang mapatingin ako sa bracelet na sout ni sheeva, napakunot noo ako dahil ngayun ko ang ito napansin, tinignan ko ito ng maige at ito yung bracelet ko na nawala nung mga panahon na may nangyari samin ni macky.
"Quin" agad akong napatayo ng makita ko si victorio pero pinaupo niya ulit ako saka siya tumabi sakin..
"Napag alaman kong gising na siya bakit nasa labas kayo? " ngumiti ako sa kanya.
"Iniisip ko kasi victorio kung karapat dapat ba talaga ako kay macky, dahil sakin napahamak siya"
"Alam mo quin ginawa niya yun dahil mahal ka niya" tumingin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Unexpected Arrivals (18+)
Romance[Smith Brothers Series One] [COMPLETED] Macky is a well known officers, he fall in love with a girl name Quin, he knows the age gap they had so he forbid hisself for loving her and just move on and take over his career more and leave the place. Afte...