Chapter 11
Nanunuod kami ni sheeva ng balita ng biglang sumigaw si sheeva na tumakbo palapit sa tv at pilit abutin ang tv kung saan makikita niya ang daddy niya
"Papa papa papa" paulit ulit niyang sabi kaya nalungkot ako habang nakatingin sa anak kong nangungulila sa daddy niya.
Binasa ko ang nakalagay sa news headline dahil hindi ko alam kung para saan ang balitang to. Weeks na ang nakaraan na hindi ko nakikita si macky, dahil simula ng introducng girlfriend niya hindi ko na siya binisita pa.
Chief Constable Macky Smith is in relationship with Princess Lalaine for almost 1 year already
Napaupo ako sa sofa at nakatingin lang sa mukha ni macky na masayang naka hawak sa bewang ni lalaine, nanghina ako at halos pinipigilan ko ang paghinga ko,
Wala akong maintindihan sa pinagsasabi ng balita dahil sa nakatingin lang ako kay sheeva na pilit abotin si macky sa screen hanggang sa nawala ito kaya umiyak siya bigla, agad kong tinakbo si sheeva at inalo.
"Tama na anak... Iiwas nalang tayo kung maari" bulong ko sa anak ko at paulit ulit siyang hinalikan at kinarga, pinatulog ko nalang si sheeva at habang pinapatulog ko ang anak ko ay umiiyak akong niyayakap siya ng mahigpit.
Quin kaya mo to, wala tayong magagawa kung iiyak ka
Sabi ko sa sarili ko at umupo sa sofa ulit at doon ako napahagulhul.
Niyakap ko ng mabuti si sheeva ng may nag doorbell kaya napatigil ako sa kakaiyak, tumayo ako at tumingin sa monitor at nakita ko ang mukha ni macky, napatingin ako sa anak ko na pinagsasalamat kong tulog na, pinunasan ko ang pesnge ko saka ko ito binuksan saka ko nakita si Macky na may dalang malaking teddy bear.
"Hi?" nakangiti niyang sabi.
"Hi" bati ko rin sa kanya
"Pano mo nalaman?" Tanong ko at ngumiti siya sakin.
"Kay mackintosh" napatango nalang ako, naalala ko pumunta pala si mackintosh dito kasama ang asawa niya para dalawin si sheeva, dahil alam na nilang hindi maalala ni macky ang katutuhanan ay mas pinili kong sinabi sa kanilang panatilihing lihim ng tungkol kay sheeva.
"Ganun ba pasok ka" tumuloy naman siya.
"Pasensya ka na kung makalat kakatulog lang kasi ng anak ko" nakangiti kong sabi habang nililigpit ang laruan ni sheeva kahit karga ko ito.
"Okay lang" sabi niya at umupo sa sofa ng makita niya ang isang magazine na siya ang cover kaya kinuha niya ito. Latest news ito galing sa kanya pero binili ko lang ito para kay sheeva.
Umupo ako sa isahang sofa habang kalong ko pa ang anak ko.
"Ahh simula kasi ng niligtas mo si sheeva naging idol ka niya" sabi ko nalang kaya natuwa siya.
"Ganun ba, may pasalubong pa naman ako sa kanya kaso tulog na" ngumiti ako ng pilit dahil hindi ko alam kong anong itsura ko ngayun sa harap niya dahil sa totoo lang wala pa akong ligo dahil mas inuna ko pa si sheeva at naglaba pa ako ng mga labahan namin.
"Teka lang" papaalam ko sa kanya kaya tumango siya, pumasok ako sa kwarto at dahan dahan na inilagay si sheeva sa crib at tinitigan siya.
BINABASA MO ANG
Unexpected Arrivals (18+)
Romance[Smith Brothers Series One] [COMPLETED] Macky is a well known officers, he fall in love with a girl name Quin, he knows the age gap they had so he forbid hisself for loving her and just move on and take over his career more and leave the place. Afte...