Arrivals 12

8K 212 8
                                    

Chapter 12

Nakaalis na si macky at wala akong ibang magawa kundi ang titigan ang litrato naming tatlo na kahit tulog si sheeva, binuksan ko ang laptop ko saka ko sinimulan ang pag tanggal ng account niya, tinanggal ko lahat ng connection sa kanya pero yung litrato namin yun ang iniwan ko, tuturuan ko na si sheeva na kalimutan ang daddy niya, bata pa siya kaya alam kong madali lang siyang makalimot, tinapon ko lahat ng magazine na tungkol sa kanya pero yung teddy bear ay inilagay ko sa loob ng kwarto sa tabi ng crib ni sheeva, ng matapos kong ligpitin lahat ay napahiga ako sa malaking kama na akala ko magiging kama naming dalawa kaso ako lang pala ang matutulog dito.

Napatingin ako sa kabuoang kwarto ko, hindi ko aakalaing ganito ang mangyayari sa buhay ko, boung buhay ko naniwala ako sa prince charming na mala fairy tale ang story kaso kabaliktaran sakin, napadapa ako sa kama ko at napahagulhul nalang,

"Makakalimutan rin kita" umiiyak kong sabi hanggang sa nakatulog ako,

Pag gising ko madilim ng boung lugar kaya binuksan ko ang ilaw at tulog pa si sheeva, kumain ako yung anong meron ko sa ref lang muna ang kinain ko dahil bukas pa ako mamimili,

Alam niyo yung lumaki akong mayaman pero hindi ko aakalaing makakaranas ako ng hirap pag bubukud na sa pamilya, ayoko rin namang umasa sa mga magulang ko dahil lahat ng kapatid ko hindi umaasa sa kanila mommy at daddy kaya nahihiya akong humingi ng tulong lalo pa at ako lang anak na naging sutil at nagkaanak pa na walang ama. Disappointed sakin si daddy pero hindi ko naman siya masisisi dahil kasalanan ko naman talaga.

Dumaan ang apat na buwan ay naging busy ako sakaka balat buto para buhayin ang anak ko, halos wala na akong tulog dahil sa sobrang daming order na gown kahit napupud-pud na ang kamay ko pero kailangan ko talagang mag buwis buhay para kay sheeva.

"Oy nabalitaan mo engaged na daw si Macky at yung si princess lalaine" napatigil ako sa pag dra-drawing dahil sa narinig ko sa customer ko.

"Oo nga eh, sobrang swerte ng prinsesang yun" napa ayos ako ng upo at kinuha ang cellphone ko at titignan sana ang balita pero naduwag ako, dahil nakita ko sa ads ang news.

Princess Lalaine is engaged to hot chief constable

Yan palang ang nabasa ko pero alam kong si macky yun, napatingin ako sa drawing ko.

Nag dra-drawing kasi ako ng dream wedding gown ko,

Pero napangiti nalang ako at tumayo na saka nag paalam na uuwi na ako, apat buwan ko na siyang pilit kalimutan pero hindi madaling gawin eh, kaya kung ano ano nalang ang ginagawa ko pang aaliw sa sarili ko, gabi gabi nalang akong umiiyak dahil si sheeva hinahanap siya pero wala akong magawa kundi ang sabayan ang iyak ng anak ko.

Nakarating ako sa paaralan ni sheeva at agad naman itong tumakbo sakin ng makita ako, kinarga ko na siya at bumalik na sa kotse, kumakanta si sheeva ng alien words niya at ng makarating sa bahay ay napansin kong may sobre sa mail box ko kaya kinuha ko ito. Saka na pumasok sa loob, binababa ko agad si sheeva dahil maglalaro ito kaya umupo ako sa sofa at tinigan ang laman nun ng makita kong may royal stamps ito,

Dahan dahan ko itong binuksan saka ako nanghina sa nabasa ko.

You are invited to a royal engagement party of Princess Lalaine Mckintry and Prince Macky Hendrickson Smith.

Binuksan ko ulit ang isang invitation card.

You are invited to a royal wedding of Princess Lalaine & Prince Macky Hendrickson Smith.

Napatitig nalang ako dito ng biglang tumunog ang cellphone ko kaya tinignan ko ito at unregistered number at nakalagay na United Kingdom nang gagaling ang tawag kaya napahinga ako ng malalim saka ito sinagot.

"Quin" ng marinig ko ang boses niya ay napatingin ako sa invitation card.

"Natanggap mo na ba ang invitation? "

"Oo" mahinang sagot ko..

"May private plane na darating susunduin kayo" hindi ako sumagot.

"Macky congratulations" sabi ko na may luha.

"Salamat pero nakokonsensya din kasi ako"

"Bakit naman? "

"Alam mong hindi ako prinsipe saka dumalo kasi kami sa royal meeting at nasa batas pala nila na pag ikinasal ang isang prinsesa sa isang ordinaryong tao kailangan niyang bitawan ang titulo niya bilang isang prinsesa" napangiti naman ako.

"Macky ang mahalaga mahal na mahal niyo ang isa't isa" hindi siya sumagot.

"Hayaan mo makakarating kami dyan" sabay baba ko ng tawag dahil ayoko ng mag kwento pa siya sakin.

Tumunog ulit ito pero tinanggal ko na ang battery ko at tumayo na saka ako pumunta sa kusina para magluto.

Binunton ko nalang ang ito sa pagluluto.

To be continue...

TheMirrorPrincess

Unexpected Arrivals (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon