Ang lahat ng inaasahan ay magbabago
Ang memorya niya ay biglang mag lalaho
Ang ating isipan ay magugulo
At magpapalit ang ating mundoPamagat:
Ang itinakdaTapos na ang misa at ni isa sa amin ay walang umiimik habang nag lalakad papunta sa kalesa. Na daanan namin ang pamilya ni Alexandro na ngayon ay mag aabang para sa susunod na misa. Nanggigilid na rin ang aking mga luha dahil nakita ko ang bakas ng gulo kagabi sa mukha niya na nag tamo ng pasa. Pero ngumiti siya na parang sinasabi nito na ayos lang siya.
Lumagpas na kami habang umiiwas ako ng tingin dito. Di ko siya kayang tingnan na nasasaktan.
Unang sumakay si ina sa kalesa sumunod si ate at si kuya. At ngayon bago ako sumakay ay hinanap ko ulit siya ng tingin.
Umupo na ako at ikinupas ko ang aking pamaypay. Pasakay na si Ama ng biglang may isang baril ang pumutok. Puro hiyawan at kaguluhan ang nangyari sa paligid.
Bigla ulit may narinig kaming putok ng baril at natamaan ang isang matandang lalaki na bumibili ng mga kakanin para sa kanya pamilya. Umagos ang dugo sa lupa at nag takbuhan na ang mga tao at nag hiyawan.
"May mga rebelde! May mga rebledeng naka pasok sa loob ng ating pader!" Sabi ng isang pilipinong guardia sibil.
Biglang huminto ang mundo ko ng marinig ang mga katagang iyon.
Hindi kaya...
"Hindi... hindi pwede" sabi ko.
At bumaba sa kalesa at tininulak ko si ama papaloob.
"Leonora? Anong nangyayari?" Takang tanong ni ina. "P-patawad po p-patawad manong paunahin niyo na po sila ayos lang ako" at tumakbo na ako hindi ko alam kung saan ako pupunta kagulo ang mga tao sa paligid namin sinusubukan makatakas sa gulo. Magulo ang isip ko bigla akong nabangga at... "Nora? Bakit ka tumatakbo? Asaan ang pamilya mo? Bakit ka umiiyak?" Natatarantang tanong ni Alexandro.Napahawak ako sa braso neto dahil ng hihina na ang aking mga binti... batid kong malapit na ang takdang oras.
"Alexandro, ipangako mo sa akin... kailan man ay matatandaan mo ang aking ugali. Kung mag iba man ito hindi ako iyon... ipangako mo na akin lamang ang iyong pag ibig at ganun ka rin sa akin." Sabi ko habang naka hulod dahil sa panghihina ng aking katawan. "I-ipangako m-mo rin na lagi mong ipagsindi ako ng kandila dito sa simbahan ng San Agustin. L-lagi ko iyan hihintayin." Sabi ko. "Ano bang sinasabi mo? Bat tila para bang ika'y namamaalam na sa akin mahal ko" sabi neto at hinawakan ang magkabilang pisngi ko at pinunasan ang mga luha kong tuloy tuloy sa pag agos. "Basta ipangako mo ang mga iyon..." sabi ko. "Ipapangako ko iyon aking mahal." Sabi niya at hinalikan ang aking noo. At ramdam ko ang pagtulo ng luha niya.
"Ilayo mo ako dito dalhin mo ako sa atin bayan sa san martin." Sabi ko rito. Sumakay na kami sa isang kalesa at pinatakbo ito ni Alexandro. Tumigil kami sa Tondo para makapag pahinga ang kabayo at si Alexandro. Habanag ako ay nasa loob ng kalesa. Nakatulala sa kawalan iniisip kung nasaan na kaya sila ina ngayon, kung ano kayang nangyayari na sa tapat ng simbahan ng san agustin.
Habang naka sandal sa gilis ng kalesa ay inabutan ako ng tubig ni Alexandro. "Bat tila hindi ka umiimik simula kanina, mahal ko?" Sabi niya habang tinabihan ako.
"Malapit na nararamdam ko... lilisan na ako... di ko alam kung kailan ngunit batid ko na malapit na itong mangyari." Sabi ko habang tulala. Tumingin ako dito at hindi ko na napigilan ang pag buhos ng luha ko. "Sshh... tahan na. Nandito lang ako pangako hindi kita iiwan." Sabi neto at hinawakan ang kamay ko ng mahigpit. Bigla naman itong may kinuha sa bulsa nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/130256179-288-k532278.jpg)
BINABASA MO ANG
Nuestra Promesa (Our Promise)
Historical Fiction{Highest ranking: #14} Meet Leonora Mercado. Isang dilag na nagmula sa 1800s. Meet Mia Isabelle Salvador isang dalaga naman na nagmula sa modernong panahon. Dahil sa mapaglarong kapalaran ay ang mundo nila'y nag ka palit. Nagbago ang takbo ng kanila...