ika labing dalawa

354 9 3
                                    


Mapaglaro sadya ang tadhana
Hindi mo alam at hindi matantsa
Mag sandaling tayo'y mag kasama
Mawawala na lang ba na parang bula?

Pamagat:
Pagkabagabag

Filipinas 1884

Isang taon ang lumipas...

"Justina! Ayusin mo na ang mga bulaklak na pag dekorasyon!" Sigaw ng malambing na boses ng isang babae.

"Opo ina!!!" Sagod naman ng isa pang babae.

Rinig ko ito habang ako'y naka pikit minulat ko ang aking mga mata at tumambad sa akin ang kisame na puti.

"Nasaan ako?" Umupo ako sa akin kama mula sa pag kakahiga ko rito. Ang sakit at kumikirot ang aking ulo hudyat ng hawakan ko ito para masahiin.

Nakasuot ako ng puting pantulog ngayon may mangilan ngilan ding gamot at malinis na tela na nakababad sa tubig sa tabing lamesa ng aking kama.

Biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto at nakita ko ang isang magandang dalaga na may dala dalang mga bulaklak. Nagulat ito at nabitawan ang hawak nitong mga bulaklak.

"Diyos ko!! Leonora!! Gising ka na! Ina! Kuya! Ama!! Gising na si Leonora!" Sigaw nito at tumakbo papalapit sa akin.

Niyakap ako nito ng mahigpit at nabigla ako. Hindi ko alam ang aking gagawin sa mga oras na ito.

Naririnig ko naman ang mahina nitong paghikbi sa aking balikat.

"Saan na siya?" Sabi ng isa pang babae na patigil naman yung babaeng umakap sa akin at ngumiti dun sa lagpas limangpung gulang na babae. Maganda ito at morena.

"Leonora? Anak?" Sabi neto habang papalapit sa akin habang tumutulo ang mga luha nito. Agad niya akong sinalubong ng yakap.

"Alam mo ba na araw araw naming inaabangan ang iyong pag gising. Akala namin mawawala ka na sa amin, anak mabuti may awa ang Panginoon" sabi niya at kumawala na sa pagkakayakap at hinimas nito ang aking buhok.

Habang lumapit naman ang dalawang lalaki sa likod ng babae. Tinitigan ko naman silang dalawa.

"M-may problema ba anak? Bakit mo kami tinitingnan ng ganyan?" Sabi naman ng lalaking mukhang matanda narin. At ginulo ang aking buhok ng pabiro.

"S-sino po k-kayo?" Tanong ko naman. Nabigla ako sa mga reaksyon nila. Lalo na sa huling babaeng yumakap sa akin. "H-hindi mo kami n-nakikilala?" Sabi neto habang pinipigilan ang pag tulo ng kanyang mga luha.

Binigyan ko naman ito ng tatlong tango bilang pag sangayon.

Nag katinginan naman silang lahat.

"H-hindi... h-hindi... imposible... wag ka namang magbiro ng ganyan Leonora" sabi naman ng babae at tuluyan nang bumuhos ang luha nito.

"Patawad ngunit hindi po ako nag bibiro..." sabi ko naman dito.

"Kuya, ama, pagpahingahin niyo muna si ina. Ako na bahala dito." Sabi naman nung dalaga at inalalayan ang babaeng tumatawag sa aking...

Nuestra Promesa (Our Promise)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon