ika labing tatlo

591 20 6
                                    

Saya at lungkot ang dulot nito sa akin
Bagong pag ka tao ay nais kilalanin
Sa'yo mga mata ay aking kikilatisin
Bawat lungkot na nadarama ay aking titiisin

Pamagat:

Pagkakaiba

Filipinas 1884

Kinabahan si Leonora ng biglang may humila sakanyang lalaking hindi niya kilala. "bitawan mo ako!" sabi nito at kinagat niya ang kamay ng lalaking nakatakit sa bibig niya. "aray!" sigaw ng lalaki at na pabitaw ito sa pagkakatakip sa bibig ng dalaga. "Nora!" sigaw nito ng biglang tumakbo papalayo ang dalaga. walang nagawa ang binata at hinabol niya ito binuhat niya ito na para bang sakong naka pasan sakanyang balikat. "hoy! ibaba mo ako rito hindi kita kilala! saklolo! saklolo!" sigaw ng dalaga habang hinahampas nito ang likod ang binata. wala naman nakakakita sa kanila dahil naharangan agad ito ng binata sa bungad ng gubat malapit sa eskinitang pinag likuan nila.

"wag kang magalaw! baka mabitawan kita!!" reklamo naman gn binatang tila nahihirapan sa pag dala sa dalaga. "bat mo ba kasi ako hinila?! masamag tao ka ba?" tugon naman nito sa sinabi ng binata. napatigil ang binata sa sinabi ng dalaga. "h-hindi mo ba ako nakikilala?" tanong nito. biglang lumungkot ang mga matang kanina'y masaya. binababa naman niya ang dalaga "hindi mo ba talaga ako nakikilala?" hindi makapaniwalang sabi ng binata.

"dapat ba kitang kilalanin?" sabi naman ng dalaga

nakaramdam ng matinding lungkot at kirot ang binata sa sinabi ng dalaga. "paanong nangyaring nalimutan mo ako, mahal ko" sabi nito. napalingon naman sa kanya si Leonora ng banggitin nito ang salitang mahal ko

naalala nito ang sulat n ipinabibigay ng isang tauhan nila sa kanilang bahay.

"a-alexandro?" mahinang sabi nito habang nakayuko at biglang tumingin sa binata na ngayon ay hindi makapaniwala na nakalimutan siya ng dalagang kanyang kasintahan.

"ikaw ba yung binatang nag padala sa aking ng sulat kanina galing sa isang hardinero namin?" tanong muli ng dalaga. "hindi na mahalaga yun. talaga bang nakalimutan mo na ako leonora?" sabi ni Alexandro habang pinipigilan ang pag tulo ng kanyang mga luha.

"n-nawala ang lahat ng alaala k-ko simula nung magising ako..." sabi naman ng dalaga at tila nakokonsensya siya dahil hindi niya maalala ang ginoong kausap niya ngayon. "patawad kung hindi kita maalala ginoo sadyang naapektohan ata ang aking mga alaala nung mangyari ang kaguluhan sa harap ng simbahan ng san martin--" nabigla si Leonora nang bigla siyang yakapin ng mahigpit.

"Anong ginagawa mo? Baka may makakita sa atin baka kubg anong isipin nila!" Sabi ng dalaga at tila nilalayo siya sa pag kakayakap

"Kahit saglit lang, nag mamakaawa ako sa'yo..." sabi naman niya biglang nakaramdam ng lungkot ang dalaga sa kanyang sinabi.

"Akala ko ba h-hindi mo ako iiwan ngunit ngayon parang iniwan mo na lahat ng alaala natin sa nakaraan at nakalimutan mo na rin pati ako." Dagdag niya pa.

Hindi makasagot at hindi alam ng dalaga ang idadahilan rito.

Bumitaw si leonora sa pag kakayakap niya at tumungo. "Tama na, baka may makakita sa atin, baka kung anong isi---"

"alam ng karamihan na may relasyon tayo, Nora anong ikinababahala mo?" Sabi nito. Napa angat ang tingin ni Leonora rito.

"A-ako ba? Alam ko ba na may kasintahan ako? At ikaw ang kasintahan ko?" Paiyak na sabi ng dalaga.

"Ngunit, Alam kong ang tibok ng iyong puso ay sa akin parin" siguradong sagot pa ni alexandro.

"Paano ka nakakasigurado?" Matapang na tanong ng dalaga. Napatahimik naman si Alexandro at tila nagdadalamhati siya at yumuko.

Nuestra Promesa (Our Promise)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon