tila ating panahon ay sadyang mag kaiba,
hindi tulad ng dati na sariwa,
ngunit salamat sa iyong pinaranas,
kahit isa lamang itong palabaspamagat:
Unang karanasan sa bayang hindi mo kinagisnan
Filipinas 1883
iyak ng iyak si Donya Maria at ang nakakatanda niyang kapatid habang hawak hawak ang katawan ni Leonora. "i-ina dalhin na natin si L-leonora. ang d-dami nang dugong dumanak baka mawalan na siya ng dugo." sabi ni Ernesto. napatango nalang si Donya Maria at nahimatay dahil sa labis na sinapit ng kanyang bunsong anak. isinakay na sa kalesa sina donya Maria at si Leonora at agad pinatakbo ang kalesa sa pinaka malapit na bahay pagamutan. agad naman inasikaso ng mga babaeng nars(nurse) ang mag ina lalo na si Leonora agad naman tumawag ng doktor ang iba pang nars upang tingnan ng mabuti ang kalagayan ni Leonora.
agad naman rumospinde ang doktor at tining nan ang sugat ni Leonora at ang mga pulso nito. "lagyan niyo ng malinis na pantapal na may gamot upang matigil ang pagtulo ng dugo." sabi ng doktor sa alalay nitong nars. "kamusta po ang kalagayan ng aking kapatid?" tanong ni Ernesto dahil sa kanilang lahat siya lang ang kayang mag pakalma ng sitwasyon kahit nag aalala ito sa mga nangyayari. "sa ngayon mahina ang pulso ng pasyente. marami na rin ang nawalang dugo rito. nag karoon din ng sugat ang ulo neto saan ba ito na bagok?" tanong nito habang sinusuri pa ang ibang parte kung saan nag karoon ng sugat si Leonora.
habang sa kabilang banda naman ay nakatulala si Don Felipe na naka upo sa gilid ng kama ng kanyang asawa. tiningnan niya ito at duon na niya na ibuhos lahat ng paghihinagpis niya. "mahal, patawarin mo ako wala akong nagawa upang protektahan ng maigi ang ating pamilya. sana ako nalang ang nabaril at hindi si leonora." iyak neto sa kanyang walang malay na asawa. " ako dapat ang naka higa doon at nag aagaw buhay hindi ang anak ko. walang akong kwentang ama, maria... ang wala kong kwenta.." sabi neto at inuuntog ang kanyang sarili sa pader. umiyak lang to ng umiyak.
habang inooperahan si leonora upang tanggalin ang bala sa kanyang balikat ay mataimtim naman nag darasal ang kanyang ate justina at kuya ernesto sa isang parte kung saan pwede magdasal. hindi naman mapigilan ni justina ang pag iyak sa sinapit nilang karanasan agad naman silang pinuntahan ng doktor "kamusta po ang aming kapatid?" sabi nila. napabugtong hininga naman ang doktor. "masyadong seryoso ang kalagayan ng inyong kapatid. maaring magising pa siya o kaya hindi na at tuluyan na itong mawala. milagro nalang ang mag papagising dito, paumanhin, may aasikasuhin pa akong mga pasyente maiwan ko muna kayo" sabi neto at nag paalam na para asikasuhin ang iba pang mga pasyente na nasugatan din dahil sa nangyari. hindi na mapigilan ang lungkot at pagdadalamhati ng mga kapatid na Mercado at agad naman dumating ang kanilang ama upaang malaman ang kalagayan ng kanyang bunsong anak. "k-kamusta si Leonora? gigising na ba itong muli? kamusta ang lagay niya? ano sabi ng doktor?" sabi ng kanilang ama na pugtong pugto na ang mata kakaiyak
"s-sabi po ng doktor ay nasa kritikal na kalagayan ngayon si l-leonora a-at tanging m-milagro nalang ang mag papagising dito." sabi ni Justina na pinipigilan ang bawat pag hikbi sa mga kanyang sasabihin. napaluhod naman si Don Felipe sa balitang bumungad sa kanya. "kasalanan ko ito. hindi mag kakaganyan si Leonora kung hindi niya ako niligtas. napakawalang kwenta kong ama ni hindi ko man lang na protektahan ang aking bunsong anak.." sabi neto. agad nman niyakap ng dalawang anak niya "A-ama wala po k-kayong kasalanan sa ngayari" iyan nalang ang nasabi ni Justina habang pinapakalma ang kanyang ama.
"sino po ang kamag anak ni Donya Maria Mercado?" sabi ng isang nars dito. agad namang napatayo ang tatlo at hinarap ang nars "kami po bakit?" sabi naman ni Don Felipe. "gising na po ang pasyente." sabi ng nars at dali daling pumunta ang mag aama at binuksan ang kurtina. "nasaan si Leonora?" tanong nito at nangingilid ang luha. "nasa kabilang dulo po ng pagamutan-" naputol ang sasabihin ni Ernesto dahil agad itong nag salita "kailangan ko siyang makita" sabi neto at tumayo ng wala sa sarili. "ina, mas mabuti pong mag pahinga muna ka--" muling naputol ang sasabihin ni Ernesto. "hindi, kailangan ko siyang makita, hindi niyo akong naiintindihan! kailangan kong makita ang anak ko" sabi neto at umiyak na mg umiyak agad naman itong niyakap ni Don Felipe at pinakalma "ssshhh mahina ka pa Maria, mahal ko mag pahinga ka muna bago natin bisitahin si Leonora sa kabilang dulo.." sabi neto at hinimas himas ang buhok ng kanyang asawang nakayakap sakanya
BINABASA MO ANG
Nuestra Promesa (Our Promise)
Fiction Historique{Highest ranking: #14} Meet Leonora Mercado. Isang dilag na nagmula sa 1800s. Meet Mia Isabelle Salvador isang dalaga naman na nagmula sa modernong panahon. Dahil sa mapaglarong kapalaran ay ang mundo nila'y nag ka palit. Nagbago ang takbo ng kanila...