Rivals

183K 2.7K 131
                                    

Dedicated to Anjelie who answered salmon. Oh gosh! I almost forgot. T_T


Helga's POV

Nang makarating kami sa casitas ay pinaliguan ko agad ang mga bata. Nanlalagkit kasi kami dahil sa init at dahil sa amoy ng isda kanina sa palengke.Magtatanghalian kasi kami kasama ang buong angkan nila kaya kailangan fresh sila. Gusto ko sana na magkaroon pa ng mahabang oras para magbonding ang mga bata at si Kier. Kaya lang alam ko naman na hindi ko trabaho na alalahanin ang mga bagay-bagay na may kinalaman kay Kier.

Nakita kong nakaayos na ang dalawang mahabang mesa sa may garden ng villa ni Lola. Hindi rin masyadong mainit sa kinaroroonan ng mesa dahil natatakpan ang buong garden ng naglalakihang mga puno. Naroon na din at nakaupo ang mga ibang kamag-anak nina Kier.Naguusap-usap sila. Nagtatawanan. Mga simpleng bagay na ginagawa ng isang pamilya kapag nagkita-kita.

Nagtago sa may likuran ko si Joaquin habang nakatingin sa mga tao. Napansin kong ganyan ang ginagawa niya kapag madaming tao at hindi niya kilala. Naninibago lang siguro.

Iminuwestra kami ni kier palapit sa mesa. Tumahimik naman ang paligid at ang lahat ng atensyon ay nasa amin.

Alright.

Thats awkward.

Nahihiyang ngumiti ako sa kanila habang hila-hila ko si Joaquin. Lumawlaw na ata ang likuran ng damit ko mula sa pagkakahawak niya. Si Juancho naman ay nakahawak kay Kier. Juancho walked with confidence. Na para bang susugod sa gyera. Kumaway pa ito sa mga pinsan niya na kalaro niya nang unang araw namin dito.

Nang makalapit kami sa mesa ni Lola ay binati namin ito.Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Bumalik na sila sa paguusap-usap. Tinanguan lang din ako nina Romeo at Mateo na nasa kabilang mesa. Katabi ni Romeo ay ang asawa at mga anak niya. Ipinakilala ako ni Kier sa ibang relatives niya na hindi ko pa nakikilala.Nagtaka ako nang ipinakilala ako ni Kier ay hindi man lang niya binanggit na nanny ako ng mga bata.Sa dami nila, nahirapan akong kabisaduhin lahat ng pangalan nila lalo na at mahina pa naman ako sa mga ganon. 

Nang mapaupo ko si Joaquin, akmang hihilahin ko na upuan sa tabi niya nang may dalawang magkaibang kamay ang nauna sa akin na humawak sa tuktok ng uupuan ko. Nang mag-angat ako ng tingin at sumilip sa magkabilang gilid ko ay nagulat ako. Sina Kier at Clyde. How to deal with this? Nang tumingin ako kay Kier ay tumalikod lang ito at umupo na sa sariling upuan. Habang si Clyde na ang humila sa upuan ko. Nagpasalamat naman ako dito. Sa tabi ko siya umupo. Nasa harap ko naman nakaupo sina Kier at Juancho.Bale isang dosena kami na nakaupo dito sa mahabang mesa. Nahagilap ko naman na nakangisi lang sa akin sina Corbin at Cyrus na katabi ang asawa na si Lerma. Para saan naman?

Nagsimula na sila na kumain at mas lalo pang umingay ang paligid nang dahil sa kwentuhan ng mga nasa kabilang mesa. Samantalang sa mesa namin ay medyo tahimik. Nilagyan ko na ng pagkain si Joaquin. Si Kier naman na kasi ang bahala kay Juancho.

"Tita what do you want to eat?" tanong ni Joaquin habang nakatingin sa mga pagkain sa hapag. Hindi ko nga din alam kung ano ang pipiliin ko. Ang dami kasi. parang fiesta. Gusto ko tuloy tikman lahat.

Natigil lang pagmuni-muni ko nang may mga nagsalita.

"Taste this,"alok ni Clyde na nakahawak sa mangkok ng kare-kare.

"Here,"alok ni Kier sa mangkok ng salad.

"tita oh," alok ni Juancho sa isang pirasong tinapay. lihim akong napatawa. Nasa harapan kasi niya ang isang basket ng tinapay.

Sabay-sabay nilang sinabi iyon at idinukdok sa harapan ko ang mga mangkok at tinapay.

Narinig kong tumawa si Lola at pati na rin yung ibang nakaupo sa mesa namin. Wala sa tatlo ang gusto kong kainin kaya lang nahihiya naman ako na tanggihan sila. Kinuha kong una yung tinapay na alok ni Juancho.

Romancing the NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon