Not the right time

178K 2.6K 279
                                    

Dedicated to Prinsesa ng mga Mangga.. hehe kidding. She answered Salad. :)

Helga's POV

"Ako na ang magpapatulog sa mga bata."

Narinig kong sinabi ni Kier pagkatapos maglaro ng mga bata. Nagtatakbo na kasi yung dalawa patungo sa kwarto nila. Naiwan kami dito sa sala. Dito na kami kumain dahil na rin sa kagustuhan ng kambal. Ayaw daw nila akong maglakad pa. Gayong ang lapit lapit lang naman ng kusina. Sila na din ang naghugas ng pinggan. Hindi na nila ako pinagalaw sa kinauupuan ko. Pwera lang nang magshower ako at magpalit ng pantulog ko bago kami kumain kanina. Kaya ang sakit na ng tumbong ko. Dumikit na ata ito sa sofa. At kanina pa ako naiihi.

"Ako na. Kaya ko naman na eh." tutol ko.

"No. Ako na. You stay here at huwag kang gagalaw," mariing sabi niya at tinalikuran ako.

Such a bossy.

Tumayo ako at patalon-talon gamit ang isang paa ko na pumunta sa guest washroom na nasa tabi ng kusina. Humahawak ako sa pader paminsan-minsan para hindi ako matumba. Kanina pa kasi ako na naiihi kaya kahit ayaw niyang gumalaw ako ay hindi ko ginawa. Masakit na ang pantog ko. Hindi ko na kinaya.

Pabalik na sana ako ng biglang may sumigaw. "HELGA!!"

At dahil sa sobrang gulat ko nadulas ako at tumama ang pwetan ko sa semento. Napahiyaw ako sa sakit. Patalon-talon kasi ako kanina at hindi ako nakahawak sa pader.

"Oh shit,shit shit!!" narinig kong pagmumura ni Kier na siyang sumigaw kanina.

Agad naman niya akong dinaluhan at binuhat.At pagkatapos ay pinadapa niya ako sa may couch. Umalis siya saglit at pagbalik niya ay may dala-dala na siyang ice packs. Isinauli na niya kasi kanina yung mga ice packs na ginamit ko sa paa ko.

"ARAY!!! hu.hu...hu..hu *singhot* ang sakit," naiiyak na reklamo ko habang hinihimas ko yung pwetan ko.

"Youre too clumsy," komento niya sabay tapik sa kamay kong humihimas sa pwetan ko. Nilagay niya ang ice pack sa bandang pwetan ko.

"Nagulat lang naman ako sa sigaw mo."nakalabing dahilan ko. Totoo naman kasi. Kung makasigaw,dinaig pa ang nasunugan.

"Im sorry. Sabi ko kasi huwag kang gagalaw sa pwesto mo kanina. Matigas din ang ulo mo,"panenermon niya.

"Naiihi na kasi ako kanina,"sabi ko.

"Sana hinintay mo ako para naalalayan kita,"sabi niya. Here we go again. Makikipagdebate na naman. As usual,hindi ako mananalo.

 "Hindi ko na kasi kaya,"sagot ko.

"Ang sabihin mo may pagka-accident prone ka," sabi na naman niya.

Aba't. Magmula ata nung hinalikan ko siya, puro disgrasya na ang inaabot ko.

"kasalanan mo," bulong ko. I doubt kung narinig niya dahil nakalublob ang mukha ko sa unan habang bumubulong.

"May sinasabi ka?" tanong niya.

"wala boss,"pabalang na sagot ko.

Ilang minuto ang lumipas ng may maramadam akong humahaplos sa pwetan ko. Napalingon ako sa kanya.

"Wh-what are y-you doing?" nauutal kong tanong. Nag-iinit na din ang mga pisngi ko.

"Minamasahe itong pwet mo para mawala yung sakit," sagot niya sabay iwas ng tingin sa akin. Tinanggal na din niya ang kamay niya sa pwetan ko.

"Hindi mo naman na kailangang gawin iyon. Nakakahiya," sagot ko.

"Its nothing."sabi niya pero hindi pa rin siya nakatingin sa akin. Nakaupo na siya ngayon sa sahig. Nakasandal siya sa sofang kinahihigaan ko.

Romancing the NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon