Meet the Falcon's part 3

35.4K 665 12
                                    

Helga's POV

Heto na naman kami ni Patty naglalaro sa buhanginan. Buong umaga kami naghahabulan dito, o kaya naglalaro ng bahay-bahayan. I honestly enjoyed it pero kung kasama ni Kier ang kambal dito sa isla, gusto ko na sila makita. Ano na kayang itsura nila? Ano kayang ginagawa nila ngayon?

Kaya lang sabi ng mag-asawa na Monreau, dito muna kami kasi nga parang may meeting sila na magpipinsan. Narinig ko lang sa usapan nilang mag-asawa. Dito lang din kami sa casitas nag-agahan. Nasabi ko na rin sa kanila na talagang  hindi ko nahanap ang cellphone ko kagabi. Hindi ko sinabing pwede nila akong kontakin sa cellphone ni Kier dahil baka magtaka sila. 

May susundo na lang daw sa amin para dalhin kami sa villa kung saan kami maglu-lunch. Iyon siguro ang tinutukoy ni Kier kagabi na may lunch nga ang buong pamilya sa villa nina Romeo Falcon.

Napasubo ako sa pag-aaya ng date kay Kier. Hanggang ngayon wala akong maisip na pwedeng gawin. First time ko siyang ayain mag-date. Dapat pala hinayaan ko na lang na siya mag-isip para sa date namin. Problemado tuloy ako.

"Tara na, Patty. Palitan ko yang damit mo sobrang pawis ka na."

Tumalima naman siya at agad na sumunod sa akin. She was saying something to her toys pero hindi ko maintidihan. Sobrang init ngayon. Gusto ko nga sana mag-swimming kaya lang wala sa mood itong alaga ko. Natulog lang ang ginawa at pagkagising ay dumiretso sa buhanginan.

Naabutan namin ang telepono dito sa casitas na tumutunog. Agad ko iyon sinagot.

"This is Helga." bungad ko.

"Hi, this is Leticia, Helga."

"Oh, Mrs. Moreau kayo po pala."

"Yes. Hindi mo kasi sinasagot ang tawag ko sa cellphone ni Kier. Sabi niya na sa'yo daw ang cellphone niya."

Grabe, pinagkalat niya talaga!

"Ah... eh pinahiram niya po sa akin. Nasa labas kasi kami Patty naglalaro."

"Ok. Pasuotin mo or magdala ka ng swimsuit ni Patty dahil baka maligo sila sa pool ng mga pinsan niya. And also towels. You can also bring yours. Lerma have planned activities and that includes getting wet."

"Po? Eh bakit po ako kasama?" Tanong ko kahit kating-kati na ako maligo sa dagat o pool. Naka-swimsuit na nga ako.

"Most requested," natatawang sabi niya.

"Po?"

"Basta Helga, iyan ang utos ko. Ako na bahala kay Patty mamaya kapag may gagawin kayo."

Binabayaran ba ako dito para mag-alaga o magbakasyon? Oh well. Who am I to complain, right? Sana dumami ang ganitong amo. Though lahat ng naging amo ko ganito din sila sa akin. Masyado silang maluwag to the point na feeling ko hindi na ako nagtatrabaho.

"Okay, Mrs. Monreau."

She ended the call. Tinawag ko na ulit si Patty para magbihis.

Sinuotan ko muna siya ng one piece pink speedo. Then, pinatungan ko ito ng white backsless dress. Magdadala na lang ako ng cardigan at pampalit niya kung sakaling lamigin siya. Pagkatapos, dinala ko siya sa kwarto para ako naman ang magpalit ng damit.

I decided to just wear a yellow ruffled mini sundress to matched my yellow printed two piece swimsuit that was bought by Kier for me four years ago. I like the look of yellow or any light colors on me now coz it defines my tan skin tone. Hanggang ngayon kasi sunog pa rin ang balat ko sa sobrang pagbababad sa mga beaches sa Cape Town.

Isinuksok ko ang gamit namin ni Patty sa iisang tote bag. Nagdala na rin ako ng sunscreen. I checked Kier's cellphone, ang daming missed calls ni River. I'm pretty sure that was from Kier. 

Romancing the NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon