Wrong timing

29.1K 714 22
                                    

Helga's POV

Papalubog na ang araw. 

Natatakot ako. 

Isang oras nang nawawala si Juancho. Nakatulog na si Joaquin sa kakahintay sa kanyang kapatid. Napapaligiran ang buong bahay ng mga tauhan ni Kier at ng pamilya niya. Galing pa daw ang iba sa mansyon ng mga Falcon. Parito at paroon ako ng lakad. I keep biting my nails to keep me from having a nervous breakdown. Nararamdaman ko yung katawan ko na bibigay na. Pilit ko lang pinapakalma ang sarili para makapag-isip ng husto.

Nasa gate si Kier at may kinakausap. Hindi ko na mabilang kung ilang beses nila inikot ang buong village hoping that Juacho was stuck somewhere. Inuwi niya ako kanina dahil humahagulgol ako sa kalsada kakahanap kay Juancho. I was shivering. Yung mga tauhan naman ay isa-isang kumakatok sa mga kapit-bahay nina Kier baka sakaling nakikipaglaro lang ang bata sa kanila.

Si Anna ang kasama ko dito sa sala na kanina pa humihingi ng sorry at sinisisi ang kanyang sarili.

Kung mayroon man pwedeng sisihin, ako yun. 

This was all my fault. 

Kung binilisan ko lang ang pag-iisip. Kung sana sinabi ko na agad kay Kier ang totoo, wala sana kami sa sitwasyong ganito. I was selfish. Akala ko yung kambal ang iniisip ko noon, pero ang totoo natatakot ako para sa aking sarili. Natatakot akong mawala sila sa akin kaya mas pinili kong manahimik. 

And now I am paying my dues. This is my reality. I should accept my defeat. All I can do now is to pray.

Naulinigan kong papasok si Kier sa bahay. May kausap siya sa kanyang cellphone. Sinalubong ko siya. Nagtatanong ang aking mga mata. Niyakap lang niya ako. The way he hugged me, I can sense fear and disappointment.

Narinig kong nagpaalam ito sa kausap. I meet his gaze.

"Baby, stay here. We are going outside the village. May pinadala na akong tauhan doon pero susundan ko sila para tumulong maghanap kay Juancho."

Tumango ako. I looked around and I see Ana walking towards the kitchen. Kaming dalawa na lang ni Kier ang natitira dito sa sala. 

I took both of his hands and hold it tightly, as if my life depend on it. Nanginginig ang mga kamay ko sa nerbiyos, sa takot, sa pag-alala... halo-halo na, it was overwhelming.

"You're shivering, Baby. Tatawagin ko si Anna para ikuha ka ng tubig."

Umiling-iling ako. "Please, listen to me first before you go."

"What is happening? Tell me...if this is about Juancho. I will bring him home, Baby. Calm down. Mahahanap ko siya."

I bit my lips para pigilin ang sarili na humagulgol dahil baka hindi ko na masabi sa kanya.

"I know. I believe in you, Baby." sabi ko.

"Then tell me what is wrong?"

"I-i know..." pimikit ako bago nagsalitang muli. "who took Juancho."

"Wh-what? Who?" 

I opened my eyes. I can see confusion in his eyes.

"Mrs. Rama."

Kumunot ang noo niya. "You must be mistaken, Baby. Why would she do such a horrible thing?"

Nga-unahang bumagsak ang mga luha ko. Ang bigat-bigat sa dibdib sabihin sa kanya ang katotohanan. Binitiwan ko ang ang kanyang mga kamay. Kung gaano niya kabilis punasan ang luha sa aking pisngin ay ganun din kabilis akong umiwas sa mga dampi niya sa aking balat. The more he touches me, the more na napapanghinaan ako ng loob. 

Romancing the NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon