Crazy in love

187K 3.2K 456
                                    

Dedicated to Reih who answered Balayong trees :)

Helga's POV

Guilty.

I feel really guilty.

Bakit pa kasi ako pumayag na tanggapin ang trabahong ito. Meron naman akong pagpipilian. Pwede naman yung kliyente namin na nasa Greece o kaya sa US.

Akala ko kaya ko.

Ang hirap ng ganito.

Hindi bale dalawang linggo na lang naman at matatapos na ako dito. Kukuha na lang agad ako ng panibagong kliyente baka sakaling hindi ako naprapraning.

Napukaw ang atensyon ko nang kalabitin ako ni Joaquin. Andito kasi kami ngayon sa playroom. Bale kaming tatlo lang ng mga kambal ang nandito. Hindi ko alam kung nasaan si Kier. Nagpaalam siya sa mga bata kanina pero hindi niya sinabi kung saan siya pupunta.

Nakita kong inaabot sa akin ni Joaquin ang isang manipis na libro. Binasa ko ang harapan kung anong libro iyon.

Math.

At nang binuklat ko iyon ay puro pictures ng mga ibat-ibang bagay,pagkain at iba pa. Parang pictures ang ginamit nila instead of numericals para mag-solve.

Pinagmamasdan alng niya ako habang binubuklat ko iyong libro. Yung ibang pahina ay nasagutan na.

"Baby, gusto mo bang tulungan kitang sagutan ito?" tanong habang pinaharap ko sa kanya ang libro.

Tumango siya. At binuklat ang isang partikular na pahina at pinakita ito sa akin. Hindi pa iyon nasagutan.

"I dont know how to do this," turo niya sa picture ng tinapay na hinati sa apat. Subtraction kasi iyon. Hindi ko naman maintindihan sa batang ito kung bakit sa dinami-dami ng libro sa kwartong ito eh Math na libro pa ang napili niya.

"Nagpatulong ka na ba sa kuya mo?" malumanay na tanong ko.

Umiling siya.

"Okay. Come. Lets ask kuya Juancho," akay ko.

Kapag kasi silang dalawa ang nagtulungan,matututo silang pareho. Kumbaga teamwork.

Umupo si Joaquin sa tabi ni Juancho habang sa harapan naman nilang dalawa ako umupo. Nakaupo kami sa sahig at pambatang mesa ang gamit namin.

Abala si Juancho sa pagguhit. At nang silipin ko kung ano ang iginuguhit niya ay korteng eroplano iyon. Wala atang balak ang batang ito na sundan ang yapak ng ama.

Kinilabit ko si Juancho dahilan para mag-angat siya ng tingin sa akin. "Baby may itatanong si Joaquin sa iyo," sabi ko sabay nguso sa direksyon ni Joaquin. Liningon naman ni Juancho ang kapatid.

"What is it?" tanong niya.

"Heto oh. Alam mo ba sagutan ito?"tanong ni Joaquin at ipinakit ang pahina sa kuya niya.

Napakamot ito sa ulo. "Eh? Ano yan?"

Napangiwi ako. "I'll explain. Kung may tinapay ka tapos hinati mo ito sa apat. Ibinigay mo kay Joaquin yung isang hati. Ilan ang matitira?" tanong ko habang itinuturo yung mga larawan ng tinapay sa libro.

"Ayoko nga," pasupladong sagot ni Juancho at ipinagpatuloy ang iginuguhit.

Nagkatinginan kami ni Joaquin. "Anong ayaw mo?" tanong ni Joaquin. Oo nga. ANg layo naman kasi ng sagot niya sa tanong nito.

Nag-angat ulit siya ng mukha pero nakasimangot na.

"Ayaw ko ngang ibigay ang tinapay ko sa iyo. " sagot niya. Namimili na siya ngayon ng kulay sa crayons na nasa harapan niya.

Romancing the NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon