Its been days since sinabi sakin ni Ava about sa news. Pero wala namang pumapasok na Achilles Ayala. Sabi naman daw ng ibang faculty, totoo pero ewan ko ba.
Kailan niya balak pumasok? Malapit na mag first quarter exams. Makakahabol pa kaya siya?
Wow concerned ang lola niyo. Alam ko naman na matalino siya. Laging top yun sa school nila sa states e. Last year, he was their batch valedictorian! Talino men. Nahiya ako kaya nagsisipag ako magaral.
The day na naconfirmed ang news na lilipat siya dito, sobrang saya ko. Naging usap usapan iyon sa school. For the girls, it was a very good news. Of course sino ba naman ang hindi matutuwang malaman na ang isang Achilles Ayala ay mag-aaral sa school na pinapasukan mo?
Pero sabi nga nila, pag may good news, may bad news
And the bad news?
Pinsan ni Hunter si Achilles!
Imagine niyo? Magpinsan sila!
Bustamante and Ayala! Related!
Hindi ko talaga inakala. Pero kung titignan mo, medyo, Medyo lang ha! Medyo may hawig sila. As if naman na mahihigitan ni Hunter si Achilles.
Pano ko nalaman?
Napanuod ko sa T.V. Pinalabas kasi ang grand dinner night nila. Para daw sa pagbabalik ng pamilya Ayala sa Pilipinas. Syempre sikat kaya mapapalabas sa T.V. Nakita ko si Hunter doon. Kasama niyang nakaupo si Achilles sa isang table habang iniinterview yung CEO ng Ayala companies or better known as the father of Achilles Ayala. Magkamukhang magkamukha talaga sila. May hint of foreign features sa mukha. Parang pinag halong british, spanish at pinoy.
Bakit hindi ko man lang naisip na pwede pala sila maging related? Alam ko na related ang mga Ayala sa politician na si Axel Bustamante. But the fact na si Hunter ang anak niya at magpinsan nga sila ni Achilles? Huh.
Niresearch ko lahat noon pa simula nong magkagusto ako sa isang Achilles. Nalaman ko na related sila kay Axel Bustamante na sikat sa politics world pero ang hindi ko alam ay pati pala si Hunter. Ngayon lang naman kasi siya nakita sa T.V.
Hindi ako makagetover talaga.
Nakita ko pa si Hunter na pumasok sa school gamit ang yellow Camaro niya. Sila na mayaman!
"Alvarez!" Lumingon ako sa tawag. Sino pa bang tumatawag sakin ng Alvarez?
"O bakit Montero?" Nandito pa kami sa hallway. Mamaya pa magsisimula ang klase dahil maaga pa.
"You watched it right?" Kahit hindi niya sabihin alam ko tinutukoy niya.
"Yeah."
Shit.
The thought of them being cousins creeps me out. Paano kung magkaugali pala sila? paano kung playboy at womanizer din si Achilles?
Hindi malayo mangyari. With genes like that? Of course they will use that as an advantage!
"Grabe. Gulat ako dun ha. Ano na gagawin mo?" Naguluhan ako sa sinabi niya.
"Anong gagawin ko? Wala. Bakit?" Umirap siya at hinila ako paalis.
"Saan tayo pupunta?"
"Sa garden. Maguusap tayo ng masinsinan!" Natawa ako sakanya at nagpahila nalang. Nababaliw na ata 'to.
Nang makarating kami sa garden, halos mauntog ako sa likod ni Ava dahil bigla siyang tumigil.
"Oh my god." Patakbo na sana siya pero nakita na kami ni Hunter.
Naramdaman ko ang pamamawis ng kamay ni Ava sa wrist ko. Now what's her problem?
"Watched me last night?" Sabi ng damuho makalapit samin. Nasa likod niya lang si Anton. Isa rin tong habulin ng babae e. Pero hindi katulad ng isang to na papalit palit.

BINABASA MO ANG
Never Too Late
Teen Fiction"Mahal ko siya kahit anong gawin ko. Siya at siya parin. Sakanya parin ako bumabalik"