"Woah."
Napasimangot ako kay Ava. Umagang umaga nabwibwisit ako.
"Anyare sayo teh?" nakadukdok ako ngayon sa lamesa. Monday nanaman at may pasok ulit. Kulang kulang ang tulog ko kaya antok na antok ako ngayon.
"Kulang ako sa tulog Montero. Wag mo kong bwisitin."
"Chill. Tinatanong lang kita. Ano ba kasi pinaggagawa mo noong weekend? Don't tell me hindi ka pa nakamove on doon kay Layla Ayala?"
Yun na nga. Hindi parin ako makamove on doon. Kayo ba naman na makilala ang kapatid ng only crush mo, makatulog ka kaya ng maayos? Tapos nakapunta ka pa ng bahay nila. Siyempre lagi kong naiisip yun.
"Basta. Tumahimik ka muna at matutulog ako saglit. God, my head hurts."
Tumahimik naman siya at naging abala sa pagkokopya. Mabuti naman. I won't be able to sleep kung maingay siya. Maaga pa naman at isang oras pa bago magsimula ang klase kaya okay lang na matulog muna.
Saktong malapit na akong makatulog ng may pumasok sa canteen na maiingay na babae.
Fudge. Paano ako makakatulog niyan?!
"Oh my god Jessa ikaw na! Ikaw na talaga!"
"Oo nga! You're soooo lucky! Nakakainggit ka!"
Nyeta. Ang ingay! Hindi ba nila alam na may natutulog?!
"Well, I guess its destiny."
Hindi ba sila tatahimik?!
"Sus. Destiny destiny. Walang ganon! Pero imagine mo? Nabihag mo ang puso ng isang Ayala? Grabe!"
"Nabihag? Lalim ng tagalog mo Chloe. Nosebleed!"
A-anong ibig nilang sabihin? Napaayos ako ng upo ng wala sa oras.
Tama ba ang rinig ko?
Nabihag? Isang Ayala?
Para akong nanlalamig. No. Hindi totoo yan. Bago pa lang siya dito, meron na agad?
"Ocean.." napatingin ako kay Ava at nakita ko siya na parang nag-aalala.
So totoo nga? Ang bilis naman ata?
Tumayo ako at lumabas ng canteen. Tinawag ako ni Ava pero hindi ako lumingon. Wala sa sariling naglalakad ako sa hallway.
Ano bang nangyayari sakin?
Bakit ako biglang umalis?
Bakit ganito pakiramdam ko?
Naisip ko ang mga narinig kanina. Imposible naman na meron agad. Wala pa siyang 2 weeks dito tapos meron na? Baka totoo nga yung sinasabi nila. Baka nga babaero din pala siya.
Dahil sa nakayuko akong naglalakad ay hindi sinasadyang may nabunggo ako.
"Sorry."
"Its oka- Ocean?"
Oh great. Bakit siya pa?
Hindi ko siya pinansin at tuloy tuloy ulit ako sa paglalakad. Ayokong may makakita sakin na ganito.
"Ocean! Wait!"
Not now Anton. Wag ngayon. Kaibigan mo si-
Timigil ako sa paglalakad ng may maisip. Kaibigan niya si Achilles. Close sila. Siguro alam niya ang totoo.
Naabutan niya ko na nakayuko parin. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat
"Ocean what's wrong? Bakit ka umiiyak?" I saw concern in his eyes.
![](https://img.wattpad.com/cover/18392450-288-k78281.jpg)
BINABASA MO ANG
Never Too Late
Teen Fiction"Mahal ko siya kahit anong gawin ko. Siya at siya parin. Sakanya parin ako bumabalik"