Chapter 4

28 0 0
                                    

Nagising ako mula sa sinag ng araw na tumatama sa bintana ko.

Shoot. Anong oras na ba?

Isang oras palang tulog ko. Talagang hindi ako pinatulog ng utak ko. Paulit ulit ba naman iplay ang sinabi ni Achilles kahapon?

Kainis! Gusto ko pang matulog pero hindi ko nanaman makuha antok ko.

Maybe I look like shit right now. Buti nalang at saturday ngayon. Walang pasok. I have the whole day! Wala naman akong plans ngayon kaya okay lang na hindi lumabas.

I was about to close my eyes again when my phong rang. I groaned. Isa lang naman ang kilala kong tatawag na ganitong kaaga. No other than..

"Alvarez!" Niloudspeak ko nalang at nilapag sa tabi ko. I need sleep. Please give me some sleep.

"Alvarez don't you sleep on me!"

Damn. What does she want? It's too early!

"Please Montero. Wala akong tulog. Mamaya ka na tumawag." nakadapa ako sa kama at nakaharap ang ulo ko sa kanan, kung nasaan ang phone ko.

"At bakit wala ka namang tulog aber? Anong ginawa mo magdamag? don't tell me..."

"I did not do anything last night. Pwede ba Montero. Ang dumi mo magisip." umirap ako kahit hindi niya nakikita. Kainis talaga to. Kung nandito lang siya babatukan ko talaga 'to.

"Wala pa akong sinasabi." Natatawa niyang sabi. I mentally rolled my eyes.

"Ibaba ko na 'to." I warned her.

"Alright alright. Masyadong maganda ang araw para masira!" humalakhak siya sa kabilang linya.

"Ano ba talaga kailangan mo? Spill it out."

"Okay ito na! Hot ka masyado! Labas tayo mamayang 3. O yan hapon na para makatulog ka pa."

Ano ba yan. Akala ko pa naman makakarelax ako magdamag. Hindi pala.

"Where to?"

"Sa MOA. Meet tayo sa starbucks. Okay? See ya!"

Loko to ah. Hindi man lang ako binigyan ng chance magsalita. Whatever. Matutulog na muna ako.

----

"Where are you?! I said 3 pm. 3 pm! I've been waiting here for almost an hour already!" aray. Ang sakit sa tenga nun ah? Nalayo ko tuloy ang phone sa tenga ko.

"Sorry. I overslept. Malapit na ako." Malapit naman na talaga ako. Ayan na o. Tapat na ng MOA.

Binaba ako ng grab driver sa harap ng mall. Naglalakad na ako ngayon pero ewan ko ba. Hindi ko alam kung anong nanyari. Naglalakad lang ako and the next thing I know..

I'm soaking wet!

Shet lang. May nakatapon sakin ng orange juice! Bwisit!

"Oh no." tinignan ko ang may sala at boom! isang babae. Magandang babae same as my age siguro or older. Nang makita niya ang nangyari saakin, agad siyang nagsorry at pinunasan ako.

"I'm sorry. I'm sorry. I didn't see where I was going. Oh my god. I'm so sorry." patuloy parin siya sa pag sorry habang ako? Gulat parin. Ikaw ba naman na biglaang matapunan ng juice diba?

"It's okay. I'm fine." pinupunasan ko na rin ang sarili ko. Okay lang naman talaga ako. Usually magagalit ako and bubugahan ko siya ng galit ko pero I just stayed calm. Ang weird.

Paano nga lang ako makikipagkita kay Ava na ganito ang itsura?

"No it's not. Come. We'll change your clothes." Hala. Seryoso si ate?

Never Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon