Chapter 3

41 0 0
                                        

"Trust the one

Who's been where you are wishing all it was

Was sticks and stones

Those words cut deep but they don't mean you're all alone

And you're not invisible

Hear me out,

There's so much more to life than what you're feeling now

Someday you'll look back on all these days

And all this pain is gonna be invisible"

Loner mode ako ngayon dito sa soccer field. Place of confort ko ito dito sa school.

Tuwing busy si Ava at wala akong ginagawa, pumupunta ako dito at makikinig ng music. Tulad ngayon, naging favorite ko na ang Invisible by Hunter Hayes.

Badtrip lang ata kapangalan ng bwiset na yun ang singer.

Inulit ko iyong kanta. Nakapikit lang akong nakikinig.

" And all this pain is gonna be invisible..."

Ang peaceful talaga dito. Nakakare-

"Nice voice." napadilat ako.

Sino iyon?

Lumingon ako sa likod ko at unexpected kong nakita si Anton. Si Anton De Vera. Tinanggal ko earphones ko at lumapit siya sakin.

"Mind if I sit down?" Umiling ako. Tahimik siyang umupo sa tabi ko.

O-kay? What's with him?

"Lagi ka dito?" Tanong niya pero nakatingin parin sa field.

"Oo." Wala naman na akong narinig sakanya.

Nawiweirduhan na ko sakanya. Anong meron? Close ba kami nito? Bakit siya nandito?

May balak kaya siyang masama at nagbabaitbaitan lang muna para makuha loob ko? Well sorry nalang dahil loyal ako kay Achilles.

Ay ano ba yan. Kung ano ano na tuloy naiisip ko. E bakit ba kasi siya nandito? Lumalabas pagiging assumera ko e.

Bakit naman kasi hindi ko tanungin diba?

Napansin niya ata na nagtataka akong nakatingin sakanya kaya natawa siya ng konti.

"Look, I'm not planning to do anything. Naisip ko lang na dumaan dito and unexpected kitang nakita. I guess nothing is wrong with that right?"

Okay. Medyo napahiya ako sa sarili ko.

"No. Not at all. Nagtaka lang ako." I smiled at nagsmile din siya. Plastik mo Ocean. Pwe.

Infairness makalaglag panty yung smile niya. Kaya pala madami ring babae ang naghahabol dito. Pero don't get me wrong. Wala akong gusto sakanya.

Tahimik lang kami doon. Walang nagsasalita. Gusto ko sana bumalik sa pakikinig ng music kaso baka nagsasalita pala ito at hindi ko marinig.

Is it me or is the atmosphere awkward?

Ako lang siguro. Mukhang relaxed naman siya. Magstart nalang kaya ako ng conversation? Bahala na!

"Sooo, free ba ang schedule mo at napadpad ang isang Anton De Vera dito?" Natawa siya sa tanong ko.

"What?" I innocently asked.

"Just Anton. Calling me by my whole name creeps me out." may bakas na amusement sa boses niya.

"Okay just Anton." Natawa siya ulit kaya natawa na rin ako.

"Are you always like this?" Out of the blue na tanong niya.

Never Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon