Chapter 1

77 1 0
                                    

Chapter 1

"Hopeless but hoping.."

Para sakin talaga tong line na to. Tamang tama e. Sapul na sapul. Nakita ko to sa internet na minsan akong nagsesave ng pictures. Tumatagos sakin yung linya e.

"Ocean Alvarez!" nagulat ako sa malakas na hampas sa lamesa ko.

"Ay tagos!" Ay pucha. Tagos pa nasabi ko.

"Tagos? May tagos ka?" Sinamaan ko ng tingin si Ava. Bestfriend ko.

"E kung hindi ka nanggugulat no?" Umirap ako  at pinagpatuloy ang pagtitingin ng quotes sa google.

"Taraaaaay. Umiirap si ateng!" Bakit ko ba to naging bestfriend?

"Shut up Montero."

Mahilig ako sa ganito. Magdodownload ako ng pictures na may quotes. Para pag wala akong ginagawa, nagbabasa ako nito.

"Whatever Alvarez." ayos ng tawagan namin no? Ganito kami maglambingan. Last name ang tawagan.

"Ayan ka nanaman sa pagbabasa mo ng quotes sa picture."

"E bakit ba? Wala kaya akong magawa." Lunch break namin ngayon at nandito kami sa canteen ng St. Catherine. Senior na kami and it's our last year.

"Babalitaan nalang kita para may magawa ka" sumimangot ako.

"Anong magagawa ko dun?"

"Makikinig malamang." Umirap pa ang bruha.

"Tungkol saan nanaman yan? Napaka chismosa mo talaga kahit kailan."

"Oy hindi ah. Sadyang marami lang madaldal dito sa school kaya hindi maiwasang makarinig. Siyempre may tenga ako."

Defensive nito. Napaghahalataan tuloy.

"Napakadefensive mo." nginisian ko siya ng nakakaloko. Nagpout siya. Eww.

"Yuck. Wag ka ngang magpout diyan. Kadiri" ngumiwi ako sakanya.

"Ewan ko sayo. Wag na nga lang. Tungkol pa naman to sa Achilles na gustong gustong ni Alvarez."

Nabuhay naman dugo ko dun kaya agad kong tinabihan si Ava at hinawakan ang braso niya.

"Uy. Joke lang. Hindi ka na chismosa. Hindi ka na defensive. Ito naman di na mabiro." Nagpacute ako and flashed my most sweetest smile. Ngumiwi naman si Ava at tinanggal ang kamay ko sa braso niya. Tumawa ako.

"Oo na. Sige na. Bumalik ka na sa pwesto mo. Kinikilabutan ako sayo e. Basta kay Achilles gora ka. Tss... " ngumiti naman ako at bumalik sa pwesto ko sa harapan niya.

"Ano na?" Excited kong tanong.

"Saglit lang naman Alvarez. Hindi ka naman siguro excited ano?" Sarcastic niyang sabi pero i don't care. Ngumiti lang ako.

Basta si Achilles go ako e.

Sino si Achilles? Siya lang naman ang anak ng mga sikat na Ayala. Oo. You heard it right. Ayala siya. Isa siyang Ayala. Isang Ayala na imposibleng maabot ng isang katulad ko. Pero who knows right?

Nagsimula nang magkwento si Ava.

"Pumunta kasi ako sa faculty room kanina para ipass yung project ko tapos palabas na sana ako nung narinig ko yung 'Ayala'. At syempre alam ko naman na baliw na baliw ka sa Achilles Ayala na yon. Well, sino namang hindi. So yun nga nagstay ako dun a little longer para marinig ko pinaguusapan nila. At-"

"Mga teachers ba yung nag-uusap?" Putol ko sa kwento niya. Sinamaan niya ako ng tingin. Nagpeace sign naman ako. Hindi niya sinagot tanong ko at nagpatuloy nalang siya.

Never Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon