Maaga palang ay nandito na ako sa school. Wala pa si Ava kaya nagpunta muna ako sa soccer field. Halos wala pang tao dito kaya tahimik.
Ayaw ko muna makipag usap sa ibang tao. Gusto kong magisip. Hindi nanaman ako nakatulog ng maayos kagabi. Feel ko nga masyado ko ito pinoproblema e. And in the first place, wala ako sa lugar para masaktan. Kasi sino ba naman ako diba?
He doesn't even know me that much!
Kaya hindi ko alam kung bakit ko masyado dinidibdib ito. Ang OA ko na.
Nagambala ang tahimik kong pag-iisip ng may tumabi saakin.
"You're here early." hindi ko na kailangan lumingon dahil kilala ko na yung boses. Isa lang naman ang nakakasama ko dito lagi besides Ava.
"I feel stupid." Sabi ko. Napatingin siya sakin pero I kept facing the field.
"Why?"
"I feel stupid with what I feel. Feel ko masyado na akong OA para problemahin ang feelings ko for Achilles. Kasi hindi niya naman ako kilala. Parang ang stupid lang kasi, ano bang pakielam niya sa feelings ko diba? I'm just one of those girls na may gusto sakanya."
Hindi siya nagsalita ng ilang saglit. Tulad ko ay humarap na din siya sa field. Some of the varsity players are starting to practice.
"It's not stupid. Tao ka, so it's natural for you to like someone. And who cares if hindi ka niya kilala? You'll never know. Maybe someday you'll become more than just strangers." Napangisi ako at tumingin sakanya. Ganun din siya.
"Like what? Acquaintances?" His smile turned into a playful one.
"Kunware ka pa. I know you want more than that. Hindi mo na nilubos at ginawang lovers." Nag init ang mukha ko sa sinabi niya. He laughed and playfully and winked at me. Hindi ko na napigilan at hinampas na siya sa braso.
"Sobra ka naman!" He laughed more. Sumimangot na ako.
"Saya mo no?" I sarcastically said.
"Okay sorry hindi na." He stopped laughing pero nakangiti parin. Pabiro ko siyang inirapan.
"Pero kidding aside Cean, it's normal to like somebody. It's just up to us kung paninindigan natin yun and if we'll do something about it."
"Naisip ko na what if I told him about my feelings, baka maweirduhan siya. He'll think na ang creepy ko kasi ngayon niya lang ako nakita tapos aamin na agad ako. Ang weird nun diba?"
"Like I told you, you'll never know. Destiny plays well." He shrugged and looked at me meaningfully. Hindi ko nalang pinansin.
"Pero may Jessa na siya. Either way, I still don't have a chance."
"You think too much. If you're meant to be, it will happen." Ginulo niya ang buhok ko. Pasalamat siya hindi ako maarte. Napangiti nalang ako.
Right now, I'm thankful na nakilala ko si Anton. Sa unang tingin iisipin mong mahirap siya iapproach because of his serious aura pero once you get to know him, he's a totally different person. Lakas makahatak sana ng humor niya if only he looks more friendly.
"What are you smiling at?" Nahuli niya akong nakangiti.
Don't really judge a book by its cover.
"May sense ka din palang kausap. I thought you're all mighty and serious." Biro ko. Tumaas ang kilay niya.
"How about you? I thought you're all maarte and suplada." Nanunuya niyang sabi.
![](https://img.wattpad.com/cover/18392450-288-k78281.jpg)
BINABASA MO ANG
Never Too Late
Roman pour Adolescents"Mahal ko siya kahit anong gawin ko. Siya at siya parin. Sakanya parin ako bumabalik"