Chapter 2: Chair

53 2 0
                                    

Kanina pa ako badtrip. Simula pa lang nung dinumog ako ng mga babae sa gate. Kulang na lang masira yung uniform ko at reypin nila ako. Nag commute lang kasi ako ngayon, kaya nung nakita ako sa gate ng school  ng mga babaeng baliw na baliw saken eh dinumog ako. Tss! Parang hindi nakakakita ng gwapong nilalang. *smirk*

Sinipa ko yung pinto ng room para bumukas. Sa badtrip ako eh! Tapos nakita ko na may nakaupo sa chair ko. Nakatitig sya sa gwapo kong mukha habang palapit ako sa kinauupuan niya.

Mitchy POV:

"Alis! Upuan ko yan."

Napa-nga nga ako bigla. Sinabi ko bang gwapo sya? Kalimutan nyo na po. Wala syang manners.

"Talaga? Wait ha." Tumayo ako at chineck yung chair.

"Anong ginagawa mo? Alis sabi dyan!" Umuusok na ang ilong at tenga niya.

Nakitingin na samin lahat ng classmate namin. Medyo nakakahiya kasi bago pa lang ako dito. Pero ipaglalaban ko ang karapatan ko! Laban Michy! Laban!

Huminga ako ng malalim.

"Ayon sa pagkakacheck ko dito sa upuan na sinasabi mong sayo, eh wala naman ako nakitang pangalan mo dito. It means hindi mo pag aari 'to." At tinaasan ko sya ng isang kilay. Chura neto!

Kinuha ko yung sticker paper  sa loob ng bag ko at sinulatan ko ng name ko, tapos dinikit ko sa chair.

"What the-!"

"Paano ba yan may name ko na yung chair? So, its my chair now. Kaya tsupii!"

Biglang pumasok sa room namin yung teacher ata.

"Good morning class! Maupo na ang lahat."

Nakaupo na kami lahat. Pero si mayabang andito pa din sa tabi ko, nakatayo at ang sama ng tingin sakin. Kung halimaw 'to, malamang sa malamang baka nakain niya na ko. Pero hindi mo ko madadala sa ganyan yabang!

"Mr. Rodriguez maupo ka na."

Umupo sya sa tabi ko. Edi wala din syang nagawa. Ako ang nagwagi. Whahaha!

Ichura ng seating arrangement namin:

Bintana - ako - Mister yabang

Ang ganda ng pwesto ko. Promiss! Nasa second floor kami kaya kitang kita ko yung baba. Yung mga student na naglalakad at nakaupo, yung mga puno at yung maliit na fish pond. Heaveen! ^__^

Si Danica, sa harap ni mister yabang nakaupo.

Nag didiscuss yung teacher sa harap tapos etong si yabang nag ge-games sa phone niya. Aba matinde! Hindi ba sya pag babawalan ng teacher?

"Hui. Bawal yan, baka mahuli ka ni ma'am." Kahit papaano naman mabait din ako noh. Kahit mayabang 'to.

Tiningnan niya ko ng wala-kang-pakielam-look

Mayabang na, masungit pa. Tss! -_-

Rival Becomes LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon