Chapter 4: I Hate Him

32 2 0
                                    

Michy POV:

Nakatambay kami ni Danica sa field ngayon, kakatapos lang namin mag lunch. Ang sarap sa feeling ng hangin, tapos ang tahimik. Kami lang ni Danica ang maingay. May taglay pala 'tong kadaldalan. Sobra!

"Bukas pag pumasok si Faye, ipapakilala kita sa kanya. Classmate din natin sya. Im sure matutuwa yun. Sayang nga kasi may sakit siya ngayon."

"Excited na ko makilala sya." ^_^

Hindi naman pala masama ang pag transfer ko. Ang babait ng mga classmates ko, except si Mister yabang. Nakakainis lang sya. >_<

"So anong balak mo kay Keith?"

"Keith? Sinong nilalang naman yun?" Ang dami na kasi niyang nakwento simula pa kanina, di ko naman kilala yung mga pangalan na pinagsasabi niya. Haler! Newbie nga ako diba?

"Seriously? Hindi mo talaga kilala yung lalaking inaway mo dahil sa chair na yun?"

"Hindi, pero ang panget talaga ng ugali nun. Hindi ko pa sya nakikilala naiinis na ako sa kanya. Lalo na siguro pag nakilala ko sya. Nako! Eh wala kayang manners yun. Akala mo kung sinong gwapo. I hate him!"

"Eh gwapo naman talaga kasi."

Gwapo nga. Nalaglag nga panty ko eh, pati bra napunit.

Teka anong sabi ko?

Erase erase! Hindi sya gwapo, nakakainis siya. >_<

"Si Keith oh!"

Tiningnan ko yung tinuro na direksyon ni Danica. Si Mister yabang, nag lalakad papunta sa Room Building. Di nga maipagkakailang gwapong nilalang 'to, kahit malayo lumilitaw ang looks eh. So siya pala si Keith.

"Hindi mo ba alam na ikaw lang ang nag iisang babaeng bumangga sa kanya?"

Napatingin ako kay Danica. Ang seryoso niya.

"Lahat ng babae dito patay na patay sa kanya."

"Kahit ikaw?" Sabi niya lahat eh. Edi kasama siya dun. So pati mga teacher na babae? Ok OA na ako. Haha.

"Gwapo si Keith pero si Mathew ang crush ko." Ah yung classmate namin. Gwapo rin ang isang yun, mukhang mabait pa. Hindi katulad ni yabang na ang bad boy ng ichura.

"Alam mo kung bakit patay na patay sa kanya yung mga babae dito? Kasi mga abnormal sila. Weirdo! Eh ang panget kaya ng ugali nun. Tingnan mo nga unang pagkikita pa lang namin, hindi man lang nagpakita ng galang. Nakipag agawan pa ng upuan. Walang manners! HINDI SIYA GENTLEMAN! I SUPER HATE HIM!"

Keith POV:

Pupunta pa sana ako sa rooftop, kaso 12:50 pm na pala kaya derecho room na ko.

Paupo na ko ng makita ko yung sticker paper sa arm chair.

Michy De Guzman's Chair

Napakamot ako sa ulo ko, tss! Pag aari na nga pala 'to ni sticker girl. Umupo nlng ako sa kabilang chair. Pero hindi ko gusto ang ingay ng mga classmates ko.

"Manahimik kayo!" Ang iingay eh. Bakit ba lahat ng lugar dito maingay? Tumahimik naman sila pag tapos ko sumigaw. Good. Takot lang nila sa gwapo kong mukha.

Tahimik lang ako na nag babasa ng libro. Nasa kalagitnaan na ako ng kwento eh. Yung mga classmates ko tahimik lang din. Wala pa kaming teacher. 1:04 na.

"Excuse me."

Tiningnan ko sya ng masama tapos tinuloy ko yung pagbabasa. Psh istorbo!

"Ehem! Yung paa mo nakaharang." Si sticker girl, sino pa ba.

Tiningnan ko uli sya. This time nakataas na yung isang kilay niya.

"Di uso humakbang?" Tss. Arte.

"Aray." The hell! Sinipa niya ako para makadaan sya. Masakit ha.

Biglang pumasok yung teacher.

"Bakit mo sinipa yung paa ko?" Nilapit ko ng konti yung ulo ko sa kanya tapos bumubulong lang ako kasi diba may teacher nga.

"Nakaharang eh." Derecho lang sya sa pag susulat sa notebook niya.

Kundi lang babae 'to pinatulan ko na 'to. Buong araw na ako badtrip dahil sa kanya.

Rival Becomes LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon