Michy POV:
MATH. Last subject na namin pero nakaka-stress sya ng bonggang bongga. I hate Math talaga.
"Get your seatwork notebook."
Tiningnan ko yung katabi ko. Aba matinde! Chill chill lang sya ha. Patulog tulog na lang. Kanina nag cecellphone ngayon naman natutulog. Tama yan para bagsak grade mo.
"Himbingan mo pa tulog mo. Hihi." Bulong ko. Haha. Tapos kinuha ko na yung notebook ko sa bag.
"De Guzman."
"S-sir?" Hala may kasalanan ba ako? Terror pa naman 'to. Huhu.
"Pakigising nga si Rodriguez, at pakisabing may seatwork na gagawin." Ha? Sino daw? Eto bang si yabang?
"P-po?"
"Pakigising yang katabi mo!"
"A-ah. Opo." Hindi ba natatakot 'tong si yabang kay sir at patulog tulog na lang.
"Huy." *kalabit kalabit*
"Huy." *kalabit kalabit uli*
"Oh?" Ang sama ng tingin niya ha. Napag utusan lang po.
"May seatwork daw sabi ni sir." Tapos tinuro ko si Sir. Ang sama ng tingin niya kay yabang. Paktay!
"Tss!" Yun lang sabi ni yabang tapos kinuha niya na yung notebook niya sa bag at nag sagot.
Walang bang kinatatakutan ang mayabang na 'to? Kahit terror teacher wala lang sa kanya.
Maya maya sinara na ni yabang yung notebook niya. Tapos na siya agad? Samantalang ako nasa kalahati pa lang. Ano klaseng solution naman kaya ang ginawa niya?
After 10 mins.
"Exchange your notebook."
Nag exchange kami ni yabang ng notebook, syempre kami seatmate eh.
Corrected by: Michy ^_^
*Check
*Check
*Check
*Check
*Check
Perfect 10?! 1-5 lang yung seatwork namin pero 2 points each number, at perfect sya? Di ba patulog tulog lang siya kanina? Ano kayang score ko?
"Oh!" Binalik na niya yung notebook ko. Binalik ko na rin yung kanya.
"Score ba tawag mo dyan?" 6/10 score ko, mali yung dalawa, so minus 4 agad. Ang baba. Ang yabang niya ha. Nakachamba lang siya eh, akala mo kung sinong matalino.
"Next time makinig ka pa ng mabuti." Tapos nag smirk sya. Tss! Yabang talaga. Unang araw niya pa lang ako naging classmate, hindi nya pa alam ang kakayahan ko.
"See you tomorrow class." Tapos lumabas na si sir.
"Keith anong score mo?" Si Mathew. Tapos kinuha niya bigla yung notebook ni keith.
"Perfect na naman. Pano mo ba nagagawa yan?" So perfect sya lagi?
Kahit patulog patulog at pacellphone cellphone lang sya, nakakaperfect score sya? Ganon ba sya katalino?
BINABASA MO ANG
Rival Becomes Lover
FanfictionDalawang tao na nag simula sa isang away, dalawang tao na laging ipinagtatapat, dalawang tao na walang ginawa kundi mag asaran at magtalo, dalawang tao na hindi magkaintindihan. Posible kayang ma-inlove sila sa isa't isa?