Chapter 6: Representative

38 2 1
                                    

1 week na ako sa new school ko. Hindi naman mahirap mag adjust, marami na din akong friends. Na-meet ko na rin si Faye, silang dalawa ni Danica ang lagi kong kasama.

"Class I have an announcement."

Tahimik lang kami.

"In one month magaganap na ang Battle of the Brains. So I need representative from 3rd year, since kayo ang first section, sa inyo ako kukuha ng representative. Just like the past Battle of the Brain, pinili ko kung sino yung may pinakamataas na grade sa inyo."

"Ma'am dalawa po ba uli ang magiging representative?" - Mathew

"No. Nag iba na ang rules, only one representative per year level."

Ang seryoso nilang lahat. Tumingin ako sa katabi ko. Tsk tsk! Wala na naman siyang pakielam. Nagbabasa lang siya ng horror book? o.O Mahilig siya sa horror?

"Ang representative ng 3rd year ay si Josh Keith Rodriguez, since sya ang may pinakamataas na grade."

Siya? o.O

Tumingin ako kay yabang. Sinara niya yung book na hawak niya, tapos tumayo.

"Im sorry Ma'am iba na lang ang gawin niyong representative." Poker face siya. Sabay walk out. Mejo walang galang.

"Ayaw ni Mr. Rodriguez, ok lang ba sa inyo class?"

"Ma'am, ako bahala. Pupunta po kami mamaya sa office nyo." Tapos lumabas na rin si Mathew. Susundan ata si yabang.

Lumabas na rin ng room yung adviser namin.

"Ngayon lang siya tumanggi."

"Baka dahil wala siyang partner."

"Sayang naman. Kung ako yun grab lang ng grab."

"Sure win tayo pag si Keith ang representative natin."

Iba't ibang comment ang naririnig ko sa mga classmates ko.

"Haayy! Siya na naman. Pero maganda yun, para panalo uli tayo." - Danica. Tapos nag thumbs up pa siya.

"Mananalo pa rin kaya tayo kung solo lang si Keith? - Faye.

K. Others here -_-

Gets ko naman yung pinag uusapan nila. Pero ang labo. Baka gusto nilang i-share, puro question mark nakapalibot sa ulo ko.

"Makikisali. Pwede naman siguro i-share no?"

"Gutom na ako eh. Tara sa canteen. Dun namin ichichismis sayo." Kailangan talaga todo ngiti Faye?

Sa Canteen:

"Ganito kasi yan. First year pa lang lagi ng representative sa Battle of the Brain si Keith." -Danica

Sabay subo ng burger niya. Oh sanay na pala sumali si yabang sa mga ganon eh, anong eksena niya kanina?

"At lagi siyang panalo. Kahit mga higher year natatalo niya." Dagdag pa ni Faye.

Kaya naman pala mayabang kasi may ipagyayabang naman.

"Eh yun naman pala bakit nag iinarte pa siya?"

"Kasi wala na siyang partner. Solo na siya."

So takot siya mag isa. Tss! Napakalaking tao , duwag naman.

"Wala na kasi si Jennifer. Silang dalawa lagi ang representative namin sa Battle of the Brains."

Sino naman si Jennifer? Eto na naman si Danica, nag babanggit ng mga hindi ko kilala. Bakit wala na siya. Namatay ba? Nag transfer? O nangibang bansa?

"Sino naman si Jennifer? Girlfriend niya? Hahaha." Biro ko. Kasi naman pag nag kkwento sila about yabang, ang seryoso nila lagi.

"OO!" - Faye and Danica.

Huh? o.O

"I mean EX-girlfriend." O.O

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rival Becomes LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon