Chapter 3: Meet Keith

43 2 0
                                    

Dahil lunch break namin ngayon, nag punta ako sa Music Room at nakinig ng music sa phone ko, gusto kong ikondisyon ang utak ko, dahil kanina pa talaga ako badtrip.

Biglang dumating yung mga abnormal kong kaibigan. Dito kasi talaga tambayan namin.

"Keith may nasagap akong chismis ah." - Jae

Tapos ngiting aso pa. Tss! Abnormal talaga.

"Nakikisagap ka na rin pala ng chismis. Bakla ka na ba ngayon?" Malamang sa malamang nakwento na ni Mathew sa kanila yung nangyari sa classroom kanina. Classmate ko si Mathew at kitang kita niya yung nangyari kanina.

"Maganda ba si sticker girl Keith?" - Zach

Mukhang babae talaga 'tong lalaki na 'to kahit kaylan. And what the, sticker girl tawag niya? Havey sakin yun ah. Hahaha.

"Sabi ko naman sa inyo diba? Chix nga mga tol!" - Mathew

Chix niya face niya. May pagka abnormal kaya yung babaeng yun. Tama bang lagyan ng pangalan niya yung chair. So childish!

Teka nga. Magpapakilala muna ako sa inyo. Josh Keith Rodriguez pangalan ko, 16 year old. Daddy ko ang nag iisang Engr. Thomas Rodriguez II, yung mommy ko hindi ko alam kung sino sya. Basta nung nagkaisip ako si daddy at ate lang ang nakilala ko. Hindi na rin ako nag tanong about sa nanay ko, basta alam ko buhay pa sya. Obvious naman na iniwan niya talaga kami. Pag aari din ng family namin ang Thomas Hotel, sister ko nag mamanage nun. At ako chill chill lang ^__^ (Nasa gilid po picture ni Keith.)

Balik na tayo sa reyalidad.

"Mathew paabot nga ng gitara." Mag gigitara na lang ako para mawala stress ko.

"Hindi mo type?" - Zach

"Akin na lang." Dagdag niya pa. Abnormal talaga.

"Ulol!"

"Nako Zach di ka uubra dun, baka masampolan ka din. Hindi nga tumalab karisma ni Keith eh. Yan pa kayang da moves mo. Hahaha!" - Mathew

"Pero akalain mo yun Keith, sa dami ng babaeng nag hahabol sayo dito eh nakaharap ka na rin ng katapat mo."

Tapos nag tawanan silang tatlo. Mga ugok talaga! Wala ako sa mood makipag biruan sa kanila, kaya tumayo na ko.

"Oh san ka pupunta?" - Jae. Medyo naluluha pa sya dahil sa kakatawa. Tss!

"Sa peaceful na lugar!" Sigaw ko. Badtrip! bakit ba naging kaibigan ko ang mga 'to.

"Sa sementeryo Keith." - Zach

"Mga siraulo!"

Rival Becomes LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon