Chapter 4: How to Ruin a Date 101

127 13 6
                                        

Tahimik ang buong klase habang nakikinig sa discussion ng teacher namin sa harap. Lahat kami ay tila'y nakikinig dahil sa sobrang tahimik, pero ang totoo niyan ay puno ng kung ano anong kababalaghan ang nasa isip ko ngayon. Hindi ko na nga maintindihan yung discussion eh.

Hindi kasi mawala sa isip ko yung eksena kaninang umaga sa bahay bago ako pumunta dito sa school.

Ang laking hassle pa ng naranasan ko kanina ha!

"Eto lang ang pwede kong maipahiram sayo pansamantala." Sabi ko matapos kong maghalungkat ng mga damit ko sa aking closet. Isang white shirt na naiwan ni papa sa mga damit ko, tsaka isang pink na pajama ko. "Mukhang kakasya naman ito sayo, kaya ito nalang muna ang suotin mo. Hindi naman pwedeng buong araw nakatapis ka lang ng kumot."

Ngunit tahimik na nakasilay lang siya sakin.

Then it hit me. May isang pirasong damit pa talaga ang kulang. "Uhm, dahil nandito ka lang naman sa bahay.."

"Oh?"

Ugh, bakit ba hindi ko matuloy yung sasabihin ko? "Ano.. Uhm, wag ka nalang muna magsuot ng boxers or brief. I mean, dito ka lang naman sa loob ng bahay eh. T-tsaka hindi ko naman pwedeng ipagamit undies ko sayo! K-kaya wag ka nalang muna magsuot ng.. underware." Nahihiya kong sabi sakanya. Totoo naman, diba? Over na kapag pati undies at bra ko ipahiram ko sakanya! Aba't sineswerte naman ata siya kapag ganun!

Over my coca cola body, never kong ipapahiram o ipapahawak yun sakanya. Ew.

"Mamaya nalang ulit natin pag usapan yung tungkol sa kababalaghan ng kinekwento mo. Pagbibigyan muna kita sa ngayon dahil kailangan ko nang pumasok sa paaralan." Sabi ko sakanya habang sinusuot ang aking medyas. "Nandyan sa labas lang ng kwartong ito yung cr, at may twalya na duon sa cabinet sa ibaba."

"Yeah, alam ko. Nakita ko na kagabi pa." Nang sabihin niya iyon ay agad akong natigilan. Naramdaman ko ang pag init ng aking mga pisngi. Pinaalala pa niya talaga.

"Mamaya gugupitin natin yang mahaba mong buhok. Nagmumukha kang babae sa buhok na yan." Sabi ko pa sakanya, na tinanguan niya lang.

Pasimpleng napairap nalang ako at pinagpatuloy ang aking ag ayos sa sarili. Sinundan ko siya nang tingin nang magpunta na ito sa loob ng cr.



Tahimik at patago kong kinagat ang dulo ng aking ballpen dahil sa inis nang maalala ko ang dahilan kaya ako nalate sa klase kanina.

Ugh, naalala ko nanaman ang dahilan kung bakit ako nahuli sa klase! Tsk. First time ko kayang mabigyan ng late record.

At dahil ba sa long hair blondy na yun!



Nakatapos na ako sa pagkain ng aking almusal, at ilang minuto na rin akong naghihintay para sakanya upang kumain ng almusal ngunit ilang minuto na ang lumipas wala pa din siya. Hindi pa siya lumalabas mula sa cr.

Nakakain, at naka toothbrush na ako't lahat lahat hindi pa din siya tapos?!

Hindi kaya may ginagawang kabalastugan yun sa loob?

O di kaya'y kung ano na ang nangyare sakanya sa loob?

Baka kinuha na ng mga kapwa alien niya? Tutal mukha naman siyang ganun.

Hanggang sa mapag desisyunan kong puntahan na siya sa labas ng cr. "Oy! Ano na bang nangyayare sayo dyan?!" Sigaw ko mula sa labas ng pintuan, sabay katok ko ng tatlong beses. "Oy!"

"T-*#:$+=!"

"Ano?! Hindi kita maintindihan! Lumabas ka na nga diyan! Ano pa bang ginagawa mo?" Muli kong sigaw.

Saranghae, CassidyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon