Binabawi ko na lahat ng mga sinabi ko kanina.Akala ko lang pala na walang mamamatay kapag ginawa ko yung ideya na nasa isip ko kanina.
Akala ko okay lang.
Akala ko happy lang.
Pero tulad nga ng sabi ko, akala ko lang pala.
"Oy, sinong stina-stalk mo diyan?" Gulo sakin ni Zen habang nagmamasid ako sakanilang dalawa, dahilan para malipat ang atensyon ko sakanya.
"Wala akong stina-stalk nuh! Tsaka manahimik ka na nga lang diyan!" Saway ko sakanya, sabay balik ko ulit ng atensyon sakanilang dalawa.
Inaamin ko, cute siya kesa sa akin. Lalo na sa suot niyang white long sleeves dress, na nagpabagay sa short hair apple cut niya. At mas lalong bumagay sa suot niya ng make up niya sa mukha. Syempre hindi papatalo ang grey high heels na suot niya. Mula ulo hanggang paa, pak na pak siya.
Samantalang ako?
Eto, nakasuot lang ng simpleng tshirt, with matching high waisted shorts at sneakers. Ni isang alahas ay wala akong suot. Isang relo na sira lang ang suot ko, pang design manlang sakin.
Pero atleast ako maganda, eh siya hanggang cute lang.
Kasalukuyang na sa barber shop kami ngayon. Para naman mag mukhang tao itong kasama ko, kaya naisipan kong pagupitan yung mahaba niyang buhok. Nagmumukha siyang bakla na blonde ang buhok! Ayaw ko namang pag tinginan kami dahil kaagaw-agaw ng atensyon yung buhok niya. Well to be honest, kahit ano namang gawin ko ay agaw pansin pa rin itong blondy na ito dahil sa kakaibang kulay ng buhok na meron siya.
Nagmumukha tuloy kaming magkapatid dahil magkasing haba lang ang mga buhok namin. Ew.
Tila'y namanhid ang katawan ko nang makita silang dalawa na nagtatawanan habang nakaupo sa bench at kumakain ng ice cream. Strawberry flavor, ang paborito ni Enzo.
Bagay pala talaga silang dalawa ni Audrey.
Nakasuot si Enzo ng yellow long sleeves at jeans, with matching timberland na sapatos. Kahit magulo ang buhok niya ay mas lalo pa itong dumagdag sa kagwapuhang taglay niya.
Bagay na bagay sila para sa isa't isa. Parehong maporma eh.
Naalala ko pa noong bata pa kaming dalawa, sabay kaming kumakain ng ice cream sa tapat ng tindahan ni Aling Sonia. Kasama pa namin ang dati naming mga kalaro at sabay sabay kumakain ng paborito naming ice cream. Strawberry kay Enzo, Vanilla naman sa akin.
Akala ko walang mamamatay kapag ginawa ko ang ideya kong sundan sila, pero tulad nga ng sabi ko, akala ko lang pala.
Dahil ang puso ko parang unti unting namamatay na.
Ang engot ko.
"Ma'am, tapos na po siyang gupitan." Sambit ng barbero, kaya nalipat naman ang tingin ko sa gawi nila.
Napanganga nalang ako sa bumungad sa akin, dahil hindi ko ito inaasahan.
Hindi ko inaasahan na ganito pala ang magiging itsura niya.
BINABASA MO ANG
Saranghae, Cassidy
FantasiaDahil sa sobrang hilig sa mga pusa ni Cassidy ay nag ampon muli siya ng panibagong pusa na nakita niya lamang sa gilid ng kalsada. Pero hindi niya alam na ang pusang inapon niyang iyon ay nagiging tao pala, kaya laking gulat niya nalang nang magisin...