Chapter 1: First Hearthbreak

253 15 6
                                    

"Hahaha! Ayun nga eh! Akala ko mahuhuli na ako ni ma'am kanina na kumakain sa classroom!" Masayang kwento ni Ashley, habang ako naman ay kasalukuyang kumakain ng burger.

"Eh sa ang takaw mo naman kasi, Ash! Parang hindi mo naman ata kayang maghintay ng recess para lumamon!" Biro naman ni Francesca. "Kaya ka tumataba eh. Pana'y sabi mo na mag da-diet ka, pero eto ka nanaman at puro unhealthy foods ang kinakain!"

"Next week nalang pala yung diet ko, hehe."

Pasimple nalang akong natawa sa dalawang babaita habang nagtatalo sila sa harapan ko. Na sa harap sila ng pagkain, pero puro daldal ang inaatupag nila. Tsk, kulit rin kasi ng mga ito eh!

Etong si Ashley ang pinaka wild sa aming magkakaibigan. Kumabaga yung leon sa aming tatlo. Hindi naman siya yung party goer talaga, pero parang ganun na rin. At etong isa naman na si Fransesca ang little kitty kumbaga sa aming tatlo. Kung si Ash ay wild, siya naman ay mala-good girl ang peg. 

At ako?

Ako ang mala Munchkin cat sa aming tatlo. Small but cute!

Since gradeschool ang friendship naming tatlo. Kaya kilalang kilala na talaga namin ang isa't isa, ngayong matagal na kaming magkakasama. Bawat baho ng bawat isa sa amin ay alam na alam na namin.

Habang kumakain ng burger, inikot ko ang aking tingin sa paligid, dito sa canteen. At tila'y hinahanap ang isang tao na kanina ko pa gustong makita. Ngunit sa sobrang dami ng mga estudyante ay hindi ko siya mahagilap.

Laking gulat ko nang biglang may tumakip sa'king mga mata, mula sa likod ko.

Ang amoy niya.. ang pamilyar na amoy niya..

"Looking for me?" Bulong pa niya sa tenga ko, kaya agad akong kinilabutan sa sobrang lapit niya.

lub-dub~ lub-dub~ lub-dub~

Ang boses na yun.. ang dahilan para bumilis ang tibok ng aking puso.

"Enzo?" Sambit ko, at tinanggal na nga niya ang kanyang mga kamay na nakatakip sa aking mga mata. Isang abot tenga na ngiti ang bumungad sakin.

"Ladies, pwede ko bang hiramin muna si Cassy?" Sabi niya sa dalawa kong kaibigan, na ngayo'y nakatingin sa'kin habang nakangisi, at ina-angat baba ang kanilang mga kilay. Nako, 'tong mga babaitang ito talaga oh! Matagal na kasi nilang alam yung madilim na sikreto ko, kaya ganyan sila.

Dinala ako ni Enzo sa dulong table, at ramdam ko parin ang pag sunod ng tingin ng dalawang babaita mula sa kabilang dulo na table. Aynako! Pasimpleng napakamot nalang ako sa aking batok. "A-ano ba yun, Enzo? Anong meron?" Bulong ko sakanya. Ngunit nginitian niya lamang ako.

At ilang kapwa estudyante na nagtatawanan sa table ang bumungad samin.

"Uy, Enzo!" Bati sakanya ng isa sa mga lalake na nandito sa table, na sa tingin ko ay kaklase niya.

Si Enzo, ang childhood bestfriend ko na ngayo'y senior na, at ako naman ay nasa junior pa lamang. Magkaibigan na kami simula pa noong panahon na naka diaper palang kami at umiinom ng gatas sa baby bottle. Sabay pa kaming maligo, kumain, at maglaro dati. Ganun kami kaclose netong si Enzo! Na halos mapagkamalan na kaming magkapatid. Pero simula nang mag senior high siya ay nagbago na ang lahat. Very very very light lang naman ang nagbago. Dahil kahit magkalayo ang level at section namin, close pa rin naman kami. In fact, kapitbahay lang namin siya, kaya kahit papano ay nagkikita kami at naguusap sa bahay namin.

At syempre, alam kong masyado nang cliche, but yeah. I'm in love with this crazy bastard.

But the thing is.. He doesn't know, or have an idea about it.

Saranghae, CassidyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon