"Bakit hindi ka umalis duon?"
Umiwas siya ng tingin. "Dahil naghihintay akong babalik ako sa normal. Nagbaba sakaling magiging normal ulit ako. Duon sa punong iyon nagsimula ang lahat, kaya iniisip ko na duon rin ako magiging normal." At sa pangalawang pagkakataon ay muli niya akong nilingon at seryoso akong tinignan. "Hanggang sa nakilala at sinundan kita, duon ko na sinimulang iwan ang punong iyon."
"H-huh?"
"Nasabi ko na rin sa sarili ko na kahit hindi man ako bumalik sa pagiging normal, ang mahalaga ay may isang taong kasama ko sa buhay, at hindi na ako magiging mag isa pa."
"A-ahh.. ganun ba." At napayuko nalang ako. Hindi ko alam kung ano bang dapat sabihin o maramdaman, dahil sa sinabi niyang mga iyon.
'Di kaya'y sini-sweet talk lang ako neto?
Napailing at napasapo nalang ako sa sarili ko dahil sa mga naisip ko. Ako naman ang lumingon sakanya. "Bakit mo ako sinundan ng araw na yun?"
"Dahil nga nagustuhan ko yung pagkain na binigay mo sa'kin. Yung tinatawag na fishball." Simpleng sagot niya.
"Eh paano nalang kung masamang tao pala ako? Paano nalang kung akala mo anghel ako, pero demonyo pala ako? Paano mo ako napagkatiwalaan nang ganon ganon lang?"
"Well, same question for you." Sabay ngisi niya, na ikinabigla ng puso ko. "Paano mo ako napagkatiwalaan nang ganon ganon lang? Paano nalang kung rapist pala talaga ako? Paano nalang kung lahat ng sinabi ko ay kathang isip lamang?"
Natigilan at nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. At napaisip rin ako sa mga sinabi niya. Paano na nga lang talaga kung ganun siya? Paano ko nga ba siya napagkatiwalaan nang ganon ganon lang? "Pero, paano nalang kung mabait na tao ka, diba? Paano nalang kung lahat ng pinapakita mo ay totoo?"
"What do you mean?" Nakakunot noo niyang tanong.
"Hindi ko rin ma-explain ng maayos eh." Sambit ko, at napakibit balikat nalang. "Siguro instincts ko nalang na katiwa-tiwala kang tao. Na hindi ka masamang tao, at wala kang masamang balak."
"Same."
"Huh? Anong ibig mong sabihin?"
"Nothing."
"Sus, ang daya mo ah!"
"Maganda at mabait ka namang amo eh. Yieee~"
"Buti alam mo."
-----
Third Person's POV
Sana hindi mo pagsisihan na nagtiwala ka, Cassidy.
-----
"Ang panget naman niyan!"
"Hindi ko bet."
"Ngek, hindi bagay sayo!"
"Bakla ka ba?"
"Masyadong mahaba!"
"Kinulang naman sa tela."
"Anong klaseng fashion style ba ang meron ka?! Ang papanget ng taste mo!"
Napayuko nalang ang kawawang blondy na si Zen, at muling bumalik sa loob ng dressing room.
Kasalukuyang namimili ng ilang damit ang dalawa para kay Zen. At hanggang ngayon ay wala pa ring mapiling damit si Cassy. Tila'y nauubusan na ng pag asa ang kawawang Zen dahil kanina pa ito pabalik balik sa pagpapalit ng mga damit.
Nagmistulang fashion show na ang dressing room na kinaroroonan nilang dalawa. Wala pa kasi siyang nakikitang damit na babagay sa taste niya. Maliban kasi sa gusto niyang mabigyan ng masusuot ang binata, ay mayroong ideya nanaman siyang naisip na gawin.
BINABASA MO ANG
Saranghae, Cassidy
خيال (فانتازيا)Dahil sa sobrang hilig sa mga pusa ni Cassidy ay nag ampon muli siya ng panibagong pusa na nakita niya lamang sa gilid ng kalsada. Pero hindi niya alam na ang pusang inapon niyang iyon ay nagiging tao pala, kaya laking gulat niya nalang nang magisin...
