Chapter 2: Where it All Began

147 14 9
                                        

Habang tahimik na naglalakad magisa si Cassy ay walang tigil pa rin ang pagtakbo ng eksenang natuklasan niya kanina sa may puno. Ang eksena kung saan dahan dahan nagsilapit ang mga mukha nila, at kung paano magdikit ang malalambot na labi nila sa isa't isa.

Ugh, hanggang uwian ba naman maiisip ko pa rin yun!?

Napakamot nalang sa ulo ang dalaga dahil sa sobrang lungkot, inis at galit sa sarili niya. Dahil hindi niya makuhang mainis sa pinakamamahal niyang kaibigan, kaya itinuon niya nalang ang lahat ng hinanakit niya sa sarili niya.

Parehong nagmamadali ang dalawa niyang mga kaibigan, kaya heto't mag isa nalang siyang naglalakad pauwi. At maliban duon, pareho sila ng dadaanan patungo sa kanilang mga pupuntahan, at sa kabilang direksyon naman ang bahay nila Cassy.

Kung tutuusin, eto rin ang unang beses na mag isa siyang maglalakad pauwi. Kung hindi sila magkakasamang tatlo pauwi, si Enzo ang kasabay niya pauwi. Pero ngayon, ibang babae na ang kasabay neto pauwi, at iyon ang kanyang girlfriend na si Audrey.

Hindi na kami katulad ng dati, dahil may girlfriend na siya ngayon. And worse, hindi ako iyon.

Alam na kasi dati pa ni Cassy na may nililigawang dalaga na ang binata na si Enzo. Nung una hindi siya naniniwala na sasagutin siya neto, pero ngayon laking gulat niya dahil hindi niya akalain na sila na pala. Well, sino ba namang makaka hindi sa isang Enzo Savajeir?

Inikot ni Cassy ang tingin niya sa paligid, at laking gulat niya nang mapagtanto niyang ibang kalsada ang tinatahak niya. Wala halos tao sa kalsada na kinaroroona niya, kaya agad siyang nakaramdam ng takot. Magdidilim na rin kasi, kaya dapat agad na siyang makauwi.

Umabante siya, at magpapatuloy na sana sa paglalakad patungo sa kabilang kalsada nang isang boses ang nagpatigil sakanya.

"Nagugutom ako."

Nilingon niya ang gawi na kung saan nanggagaling ang boses na iyon, at laking gulat niya nang tumambad sa gilid niya ang isang lalake na may mahabang kulay dilaw na buhok, na nakaupo sa ilalim ng puno. Nakasuot ito ng long sleeves polo na kulay puti at medyo butas butas pa ito, with matching maong pa. Pero wala itong suot na kahit ano para sa paa niya. Hindi niya masyadong maaninag ang mukha neto dahil nakayuko ito.

Agad namang kinilabutan ang dalaga, at naisip na iwan nalang ito at kunware hindi ito nakita.

"N-nagugutom ako, gusto ko ng p-pagkain." Muling salita neto, dahilan para matigilan at makonsensya si Cassy. Hindi naman siguro masamang bigyan siya ng pagkain ko, diba?

Kinuha niya mula sa eco bag na hawak niya ang fishball na binili niya. Kakainin niya sana ito sa bahay niya, kaya lang naisipan niyang sa susunod nalang siya kakain ulit neto. "Uhm, eto oh. Pagkain para sayo." Nahihiya niyang sabi, sabay abot sakanya.

Kinuha naman niya agad 'yun at walang tigil na kinain iyon. "Masarap ba?" Wala sa sariling tanong ni Cassy. Ang weird ng tanong ko!

Pero napangiti naman siya nang makitang tumango eto bilang tugon. "Sige, aalis na ako ah." Paalam niya sakanya, at agad nang tumakbo palayo. Hindi na niya eto nilingon pa dahil iba ang pakiramdam niya sa taong iyon. Isang unexplainable feeling, na nagdudulot ng kilabot para sakanya.

-----

"Baby, sino ulit yung girl na kasama mo kanina sa canteen?" Tanong ng dalaga sa kasintahan niya.

"Ah, si Cassy? She's my childhood bestfriend." Sagot naman ng binata na si Enzo kay Audrey, sabay hawak sa kamay ng dalaga.

"Oh, ganun ba.."

"Bakit mo naman natanong, baby?"

"Well, it's just that hindi ko siya type as your friend. I think it's better na wag mo na ulit siyang lapitan o kausapin." Napatigil sa paglalakad ang binata dahil sa gulat nang sabihin iyon ni Audrey.

Saranghae, CassidyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon