Chapter 3: Blonde Guy

113 14 6
                                        


"Miming, welcome sa bagong bahay mo!" Masayang sambit ko nang makapasok kami sa bahay. Kusang bumaba mula sa aking mga bisig si miming, at agad niyang nilibot ang paligid.

Ano kayang magandang ipangalan sakanya? Masyado kasing common ang miming eh. Mamaya ibang miming ang lumapit sakin kapag tinatawag ko siya.

How about Zen?

"Miming Zen! Halika dito, papakainin muna kita." Aya ko dito habang naglalakad patungo sa kusina. Naiintindihan niya ba ako?

Agad naman siyang sumunod sakin sa kusina. Nagbukas ako ng isang sardinas, at kumuha rin ng lumang tuperware para sa kainan niya. "Ayan, kain ka na miming Zen. Sosyal kang pusa ka dahil may pa-sardinas ka! Ibang pusa nga diyan sa tabi tabi mga tirang pagkain at tinik lang kinakain. At yung iba hindi pa nakakakain ng kahit ano! Samantalang ikaw buong sardinas meron ka." Kwento ko dito kahit hindi niya ako naiintindihan, sabay himas ko sa malambot niyang balahibo. Ang lambot lambot talaga!

Nilapit ko sa harap niya ang tupperware ng sardinas, ngunit laking gulat ko nang tignan niya lang ito. "Aba't nag iinarte ka pa ah. Bahala ka diyan, Zen. Basta ako kakain na." Inis kong sabi sakanya.

Muli akong nagbukas ng sardinas at nilagay sa isang plato. Huwag kayo, paborito ko ang sardinas.

Pero mas lalo akong nagulat nang biglang umakyat sa lamesa si Zen, at agad kinain ang sardinas na nakahain para sakin. "Hoy! Bakit ito ang kinakain mo!? Meron ka duon oh!" Sigaw ko dito, pero wala manlang siyang reaction at nagpatulog lang sa pagkain ng sardinas na nasa plato ko. At duon lang ako tinamaan "Bale gusto mo sa plato ka rin kumain? Ganun?" Tanong ko pa dito at napairap.

"Pasalamat ka may maganda at mabait kang among katulad ko."


NANG lumipas ang ilang minuto namin sa kusina, ay dumaretso agad ako sa cr upang gawin ang aking ritwal.

At eto namang si Zen ay sumunod din sa akin. Actually kanina pa niya ako sinusundan na tila'y ayaw niyang mapagisa. Aww, kawawang miming.

Kahit hanggang dito sa loob ng kwarto ko ay nakabuntot pa rin eto sa akin. Crush siguro ako neto?

Habang namimili ng susuotin ay isang weird na tanong ang sumagi sa aking isip..

Pwede bang magsuot ng damit sa harap ng isang pusa? Lalo na't lalake ito?

Nasampal ko naman ang sarili ko dahil sa naisip kong kabalastugan. Ang weird ko talaga! Pati si Zen nadadamay ko huhu.

Sa gitna ng pagsusuot ng aking pantulog na damit ay nahagip ng aking atensyon ang cat powder na nasa cabinet ko. Kailan pa ako nagkaroon ng ganito?

At nalipat naman ang atensyon ko kay Zen. Hindi naman siya pwedeng tumabi sa akin sa higaan nang ganun ganun nalang diba?

Nang matapos ako sa pagsuot ng pantulog ay kinuha ko iyon. "Miming, pswswswsws! Zen, halika!" Tawag ko sakanya, at agad naman siyang lumapit sakin.

"Zen, lalagyan ka ni mommy ng cat powder, okay? Para naman maging fresh ka katulad ko. Bukas nalang kita paliliguan dahil gabi na ngayon." Kausap ko dito habang nilalagyan ko ng powder ang katawan niya. Pure white eto, at halata mong kahit galing siya sa kalsada ay hindi ito marumihin na klaseng pusa. Sobrang kapal at lambot pa ng balahibo neto, na tila'y ibang klaseng uri ng pusa siya.

Masearch ko nga bukas ang tungkol sa iba't ibang uri ng mga pusa.

Matapos ang ilang kulitan eksena with miming, ay namalayan kong 10pm na ng gabi, at naisipan ko nang matulog kasama si miming Zen sa higaan ko. Kawawa naman kasi siya kapag sa sahig lang magisa siya matutulog. Eh kaya ko nga siya inampon para hindi na siya mag isa.

Saranghae, CassidyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon