CHAPTER TEN

35 2 5
                                    

[KYLE'S POV]

     Gusto kong sapakin ang sarili ko matapos ko yun sabihin.Fine...gusto ko siya at gusto ko akin lang siya. Nagseselos ako kay Ivan kasi mas close sila ni Zyra ngayon. Ang kina-iinis ko lang parang iniiwasan ako ni Zyra.Parang may nagbago.

[ZYRA'S POV]

     Gabi ngayon at andito kami sa isang cottage na malapit sa shoe house.Three days kami dito sa Campuestohan at may special treatment pa kasi ang may-ari ng resort ay far relative ni Josh.

"So guys tutunga-nga na lang tayo dito?" tanong ni Jaclyn.

"Eh ano gusto mong gawin natin?" tanong ko.

"Ah!Laro tayo ng spin the bottle tayo" sabi ni Gail.

"Sige" sabay naming sabi.

    Pero na observe ko lang masama ang tinginan nila Ivan at Kyle sa isa't isa. Parang nagsusukatan ng tingin yung dalawa.

      Anyway,katabi ko sina Gail at Jaclyn.Nasa left si Gail at si Jaclyn nasa right.Katapat ni Gail si Ivan,ang katapat ko si Josh at ang katapat ni Jaclyn si Kyle.

     Kinuha na ni Jaclyn ang bottle at inikot.At himinto sa harap ni...

"Josh!" sigaw namin.

"Ok Josh.Truth or Dare?" tanong ko.

"Ahmmm...Truth" sagot niya.

"Sabihin mo kung sino ang ka text mo kanina?" mataray na tanong ni Gail.

"Kanina?"

"Oo.Kanina"

"Si mom"

"Sigurado ka?"

"Oo"

"Siguraduhin mo lang ha"

"Oh tama na yan baka mag-away pa kayo" awat ko.

"Oh Josh iikot muna" utos ni Ivan kay Josh.

     Inikot niya ang bote at ako ang tinuro.Seriously?!

"Truth or Dare?" tanong ni Josh.

"Truth" sagot ko.

"Ok Zy.Hindi naman ito mahirap" tugon niya.

"Ok" sabi ko.

"Is there something between you and Ivan?" tanong niya.

"What do you mean?" singit ni Kyle.

"You know lover thingy" sabi niya.

     Seriously?!Sa lahat na pwede itanong yun talaga. Tumingin ako kay Ivan at halatang sabik sa magiging sagot ko.Tumingin naman ako kay Kyle at ang seryoso ang tingin niya sa akin.

"So ano na bes?" tanong ni Jac.

"Wala.We're just friends" sagot ko.

"Sure?" nagtataka na talaga ako kay Jac sa totoo lang.

"Oo bakit naman hindi?"

"Wala lang.Napansin lang kasi namin na mas close kayo ni Ivan kaysa kay Kyle" sabi niya.

     Tumingin ako kay Kyle at nahuli ko siyang titig na titig siya sa akin pero ng nakita niya akong nakatingin sa kanya umiwas siya ng tingin. Tapos ang mukha hindi maipinta.So strange.

     Tumingin naman ako kay Ivan at halata sa mukha niya na disappointed siya.Parang may mali talaga.

"Iikot ko na nga lang ang bote" sabay ikot ng bote at tumigil ang bote sa tapas ni Gail.

Fallen with my BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon