CHAPTER NINE

35 2 0
                                    

[KYLE'S POV]

     Kagigising ko lang at hinanap si Zyra.Pero pagkabangon ko wala siya. Pati si Ivan at Jaclyn wala rin sa kuwarto.Kami lang ni Gail at Josh ang natira.Lumabas ako at nakita si Jaclyn na parang may hinahanap.

"Good morning" bati ko.

"Good morning din" bati niya.

"Ano ang hinahanap mo?" tanong ko.

"Hindi ano kundi sino" tugon niya.

"Ha?Sino?"

"Sino pa ba?Kundi sina Zyra at Ivan"

     Biglang kumulo ang dugo ko sa ideyang magkasama sila.Magkatulad noong sa airport na dapat silang dalawa ang nauna pero sa huli sila pa ang hinintay namin.Hindi ko alam kong bakit nagagalit ako kay Ivan sa tuwing magkasama silang dalawa.

"Good morning guys" bati ni Josh.

"Gising na pala ang love birds" pangutya ni Jaclyn.

"Good morning din" sabay na bati namin.

"Bakit parang may kulang?" tanong ni Gail.

"Talagang may kulang.Sina Zyra at Ivan nasaan?" tanong ni Josh.

"Aba malay namin. Pagkagising ko wala na yung dalawa" sabi ni Jaclyn.

"Ang aga naman nila.5:50 am palang oh" inis na sabi ni Gail.

"Natawagan mo ba sila?" tanong ko kay Jaclyn.

"Oo pero maiwan nila ang cellphone nila dito sa mesa.Mabuti walang may nagnakaw" sagot niya.

"Eh paano yan.Saan natin sila hahanapin" nagaalalang sabi ni Gail.

"Try natin sa Shark Wave. Baka nandoon" suggestion ni Jaclyn.

"Sige" pag- sangayon namin.

     Pumunta kami agad sa Shark Wave.Nagbabakasakali lang kami pero bakit ako kinakabahan?Hanggang sa makarating kami sa Shark Wave bigla nag-form na kamao ang kamay ko ng makita ko sila na... nakapatong ang ulo ni Zyra sa balikat ni Ivan.

[ZYRA'S POV]

     Maaga palang gising na ako.Gusto ng katawan ko matulog pero ang utak ko gising na gising at pinu-push ako para bumangon.Push mo lang teh,joke lang.No choice na lang ako so I get up.Lumabas ako at nakita ko si Ivan na pababa.

"Ivan!" sigaw ko.

"Oh Zy gising kana pala" paakyat niyang sabi.

"Good morning.Saan ka pupunta?"

"Good morning din.Mamasyal lang sana ako.Gusto sumama?"

"Sige"

     Bumaba na kami agad at nagsimula mamasyal.
Nagsimula kami sa entrance papunta sa Shark Wave.As in nilibot namin ang buong Campuestohan.Kaya ng umabot kami sa Shark Wave hingal na hingal kami dalawa.

     Bakit ba kasi paakyat ang daanan dito?Para kang nagha-hiking sa bundok.Kaya nga tinawag na "highland resort" kasi nga nasa bundok, shunga lang.Guys lagi niyong tatandaan na hindi ako baliw.
That's what you call self-talk na nakatutulong para pagtripan ang sarili mo.Joke lang wala serious.

"Teka nga.Pwede time pres. Hingal na hingal na ako eh" reklamo ko.

"Ikaw lang,siyempre ako rin. Upo muna tayo" sabi niya.

"Saan?"

"Siyempre sa upuan. Alam mo--"

"Hindi ko alam."

"Hay nako.Ayon oh.Maraming cottage ang nakahilera."

"Sige.Tara."

     Nakailang hakbang na ako ng bumaling ako at nakita ko siyang nakatayo lang at ngumingiti.

"Ano pa hinihintay mo?Tsunami?Hindi yun aabot dito kasi nasa bundok tayo kaya tara na" yaya ko.

"Hay iwan ko sayo.Ibang klase ka talaga"

"Siyempre naman.Ako pa ba" biro kong sabi.

      Umiling lang siya at sumunod sa akin umupo sa tabi ko.Tahimik lang kami ng ilang minuto ng nagtanong siya.

"Bakit ang aga mo gumising?"

"Iwan.Gusto ko pa nga matulog kaso sira ata tong utak ko.Pinipilit akong gisingin"inis kong sabi.

"Gusto mo matulog?" tanong niya.

"Oo.Inaantok na ako eh" sabay hikab.

"Sige.Lagay mo lang ulo mo sa balikat ko."

"Sigurado ka?Ok lang?"

"Oo.Sasabihin ko ba yun kung hindi ok sa akin."

"Sige"

    Lumapit ako sa kanya at pinatulong ang ulo ko.Maya maya naramdaman kong inamoy ni Ivan ang buhok ko. Naramdaman ko na parang mga paru-paro sa tyan ko. Kinikilig ba ako?

"Excuse me"

    Bigla ako dumilat at tinaas ang ulo ko.Nang makita ko ang mga mukha nila agad ako dumistansya kay Ivan.

"Naka gulo ba kami,bagong couple?" nakangising tanong ni Jaclyn.

"Ah..Eh..Hindi" nauutal kong sagot.

"Mukhang nakagulo kami eh" sabi ni Gail.

"HINDI" sabay na saad namin ni Ivan.

"Hindi nga ba?" tanong ni Jaclyn.

"HINDI NGA" sabay na sabi namin.

     Lumaki ang mata ko.Sabay kaming tumigin sa isa't isa at tumingin sa ibang direksyon.

"Ayyyeeiii~ namumula si Ivan" pangungutyaw nila kay Ivan.

     Tumingin ako sa kanya at namumula talaga siya. Napangiti na lang ako.

[KYLE'S POV]

     Pabalik na kami sa shoe house pero yung mga girls ayaw tigilan si Ivan sa pangungutyaw.Habang si Zyra todo tawa at ngiti.Itong babae na to eh nakakainis.

"Makikita mo lang ang halaga ng isang tao kapag may kasama na siyang iba" sabi ni Josh.

     Kasabay ko siya sa paglakad kasi yung apat ang una sa amin.

"Anong pinagsasabi mo?" tanong ko.

"Ako na alam mo kung ano ang sinasabi ko.Wag kang magmaang-maangan,Kyle" sabi niya.

"So Zyra ba ang tinutukoy mo?"

"Oo.May tanong ako sayo pero oo o hindi lang ang sagot" seryoso niyang sabi.

"Sige.Ano ba yun?"

"Gusto mo ba si Zyra?"

      Hindi ko alam kong saan ako nakakuha ang lakas na loob ng sabihin kung...

"Oo gusto ko siya.Gustong gusto"

《TO BE CONTINUED》

  


Fallen with my BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon