"READY? naka red carpet ka boy!" usal ni Eli.
"Kelan ba nawalan ng red carpet kapag ako ang guest?" pagmamalaki ko
"Napaka talaga nito! Hoy Jack ngayon mo lang mararanasan ang magkaroon ng red carpet sa kasal mo wala ng ganto kasi walang magpapakasal sayo" pang-aasar ni Eli
"Tsk" tanging nasagot ko kay Eli.
Andami kayang babae na papatay mapasaakin lang -_-
Nagpalakpakan ang mga tao sa labas habang nagsasalita ang emcee. Today is the Premier Night of my Movie. Blockbuster to panigurado!
"Jack, tara" yaya saakin ni Anna.
Siya ang pinili kong kasama ko sa movie dahil wala siyang pagnanasa saakin. Ha! She's my best buddy simula bata kaya kilalang-kilala na namin ang isa't-isa.
Habang pinapakilala kami ay isa-isa na kaming naglakad sa red carpet. Nauna si direk James at ang ibang Cast saka kami magka kapit braso ni Anna na naglakad sa red carpet. Tilian at flash ng mga camera ang sumalubong saamin.
"Iba talaga ang Jack Rosario!" pang-aasar ni Anna na tinawanan ko lang
Nagsimula ang palabas na tahimik ang lahat ng tao.
"Kailangan maganda 'to Jack! Ikaw ata makakasira ng career ko hays"
"Para namang luge ka pa saakin Anna" sagot ko sakanya
Nang nasa kalagitnaan na ang palabas ay saka umingay ang mga tao,
"Hala grabe! May sakit pala talaga si Sophie hindi lang siya pinakinggan ni Raf!"
"Siguro kung sinabi ni Raf nung una na mahal niya si Sophie hindi sana hindi hahantong sa ganto"
"Grabe yung paghihirap ni Sophie makasama lang si Raf!"
Iba't-ibang reaksyon ang mga nakuha namin sa mga nanonood.
"Ano pangit? Ikaw ata hindi marunong um-acting!" pang-iinis ko kay Anna
Pagkatapos ng palabas ay may mga reporters na kumaka-usap saamin pero tanging pinsan lang ni Anna ang sinagot ko.
"Sa totoo lang, umayaw nako dito pero mapilit si Anna kaya wala akong nagawa. Pera din naman 'to, HAHAHAHAH-"
Pero natigil ako sa pag sagot ng mahagip ng mata ko si Jeoff kasama si Carmie. They look good together pero hindi ko alam bakit nakaramdam ako ng inis kay Jeoff. Masyado kasing makapit yung mokong kay Carmie.
Jeoff is wearing a maroon tuxedo and a white polo while Carmie is wearing a two piece maroon gown, isang white halter crop top na may mga beads at isang color maroon balloon skirt gown. Naka bun din ang buhok niya kaya kitang kita ang mahaba at makinis niyang leeg.
"Grabe ang titig oh, sa wakas tinamaan ka din Rosario"
"Shut up Anna"
"Tipo mo? Ganda niya! Pasado saakin yan" pangungulit ni Anna. "Ay, girlfriend ni Jeoff?"
"No" agarang sagot ko
"Pormahan mo na bago makuha ni Jeoff, mas matinik sayo sa chicks yan"
Pagkasabi ni Anna nun ay umalis na siya. Hinabol ko siya sa parking at naabutan ko siyang kausap si Martin, yung boyfriend niya.
"Bro" nakipag kamay siya saakin
"Ikaw na magdadala kay Anna?" tanong ko.
"Oo, congrats bro! Una na kami" Martin is my bestfriend, ako ang nagpakilala sakanya kay Anna.
YOU ARE READING
Love Hangover
General FictionJack Rosario is a one hot famous actor, He's arrogant, man of few words and a jerk. What he wants, he'll surely get. Carmie Rose De Jesus. Simple girl with a big dreams. She idolized Jack so much that she dreamed of marrying him. What will happen w...