Chapter 5

1 0 0
                                    

A/N: hey, so hindi na ako makaka-pag update everyday or every 2 days dahil pasukan na pero pipilitin ko din maka update twice a week.

——————

"HINDI ko din sure" tanging nasabi ko kay Bea

"Pero diba sabi naman ni Jeoff, manliligaw siya?"

Naguguluhan kasi talaga ako. Alam ko naman na sa mga kinikilos ni Jeoff ay halatang may gusto siya saakin, ayoko lang siyang tanungin kasi baka nga naman nagkakamali lang ako o naga-assume lang ako.

"Carmie, hindi naman malabo na magkagusto sayo iyong tao. Maganda ka, mabait, talented. Oh diba? Halos 3 in 1 na nga yun eh"

Nandito kami ngayon ni Bea sa terrace ng kwarto ko. After kasi namin kumain ay nakatanggap ako ng isang bouquet ng rose at may sulat doon na,

"Can i court you, Carmie Rose?
-J"

"Alam mo naman na kung sino ang gusto ko diba? Alam mo na simula noong college hanggang ngayon siya lang diba? Ayoko naman isipin na tina-take advantage ko yung feelings ni Jeoff!" sagot ko

"Ewan ko sayo, gwapo naman si Jeoff, gentleman, mabait, maayos ang trabaho. Ano pa bang kulang?" ani ni Bea.

"Ewan. Basta ang alam ko si Jack ang gusto ko" huminga ako ng malalim saka humilata sa kama.

"Alam mo Carmie yang pagkagusto mo kay Jack parang ano eh....teka... parang ano, parang humihiling ka sa langit na may bumabang bituin. Ganon kaimpossible!"

"Grabe naman 'to! Kaibigan ba kita?!!"

"Eto naman, nagsasabi lang ng totoo"

"Totoo? psh, sobra naman yin sa katotohan--"

Natigilan ako sa pagsasalita ng may magdoor bell. Nagkatinginan muna kami ni Bea bago sabay na bumaba.

"Ikaw na magbukas, huhugasan ko lang yung mga plato" sabi ni Bea at dumeretso sa kusina,

"Sino naman kaya 'to" pagbukas ko ng pinto ay isang stem ng rose ang bumungad saakin at mga tsokolate

"Goodmorning" bati ni..

"Jeoff?!!"

"Hi"

Anong ginagawa nito dito sa bahay namin?

"A-anong ginagawa mo d-dito?" utal kong tanong

"Natanggap mo ba yung bouquet?" sa halip na tanong nito.

"I asked first" nilakihan ko ang bukas ng pinto saka siya inaya pumasok

"Kung natanggap mo yung bouquet, alam mo na dapat kung bakit ako nandito" sagot niya ng makapasok sa bahay. "Can i court you?"

Napaka straight naman nito! Wala man lang bang panimula? hanep!!

"Upo ka muna, kukuha ako ng juice" syempre bisita parin siyang kahit papaano.

"Ayos si Jeoff ah? deretsyahan. Hindi takot mabusted?" tanong ni bea na naghahanda na ng juice at cookies

"Tapang nga eh, feeling ko din ang hangin niya. Kahit nung nakaraan sa recording room"

Bumalik ako sa sala dala ang inumin at cookies.

"Salamat" ani niya, umupo ako sa tapat niyang pang-isahang upuan.

"Ano nga pala yung sinasabi mo kanina? medyo deretsyahan kasi" alangan kong tanong.

"Ah, kung pwede ba ako manligaw. Hindi ako tumatanggap ng No na sagot, hahaha" tignan mo! Nagtanong pa hindi din naman pala tinatanggap ang sagot na No -_-

Love HangoverWhere stories live. Discover now