"ELI ano ba?! Ang aga mo pumunta!!!!!" sigaw ko kay Eli ng binuksan niya lahat ng kurtina sa kwarto ko.
"Loko! Anong oras na. Akala ko ba maaga ka pupunta sa Event?"
Shit. Bakit ko ba nakalimutan?
"Anong oras na ba?" tanong ko habang nag-uunat
"Alas dose!"
Bigla akong napabangon
"Ano ba jack! Umayos ka nga yung kape sa night stand natapon na!"
"Bakit ngayon mo lang ako ginising?"
"Tanong mo sa ate mo na ayaw ako pagbuksan ng pinto. hayop mag-uugat na yung paa ko sa pintuan niyo hindi pa din ako pinagbubuksan!" halatang naiinis si Eli pero natatawa ako.
Kagabi narinig ko na may kausap si Ate sa phone. Narinig ko yung pinag-uusapan nila lalo na nung nabanggit ni ate yung pangalan ni Eli.
[Beb, si Eli? Ewan ko nga kung may gusto saakin yon.....Ha! How i wish....Oo naman,saka matagal na yon....oo papasok ako bukas......oo na Eli pa rin ako]
Nung narinig ko yun para akong tanga na nangingiti.
"Jack! KingMother Kumilos ka na! Napaka tanda mo na ganyan ka pa din kumilos napaka bagal mo! Kumg hindi lang dahil sasamahan kita baka kanina pa ako nasa Fuego!"
Tsk!
Naligo na ako, baka umiyak pa to.
"After 1 hour and 4 minutes natapos ka din" pinakita pa ni Eli yung phone niya na nasa Timer.
Pumasok ako sa closet ko saka naghanap ng masusuot.
"Eli? Ano ba theme ng event ngayon?" sigaw ko
"Coachella theme daw, ewan" sigaw niya pabalik.
"Kaya ka ba naka ganyan?" natatawa kong bulong.
Naka hawaiian polo siya saka maong na tokong tapos topsider na brown, dami pang nakasabit sa leeg na necklace -_-
Pinili ko ang ripped denim pants saka summer beach polo ko.
Kinuha ko ang cross chain ko saka ang rainbow wayfarers ko saka ako bumalik sa kwarto."Alam mo naman siguro na mainit don?" bungad ni Eli
"Yeah" sagot ko.
"Eh bakit ka naka maong? shunga ka nanaman?!!" dagdag ni Eli
"Ayoko mag shorts! Hindi pa ako nakakapag paahit" sagot ko.
"Anong sapatos mo?" tanong ulit ni Eli.
"Ewan ko kung anong babagay dito" tila nag-iisip si Eli ng bigla siyang tumayo at pumunta sa walk-in closet ko.
Bumalik siya ng may dalang white gucci shoes saka brown boots.
"I prefer this boots!" sumang-ayon naman ako dahil maganda naman siguro kalalabasan.
"Nandoon din sila Jeoff saka Carmie ah, may surprise daw si Sir SJ"
"Oh?" hindi ako interesado kay Jeoff. kay jeoff lang ba
"Tara na, kumain muna tayo. Kanina pa ako nagugutom"
Sabay kaming bumaba ni Eli sa kusina, tama naman na kalalapag lang ni Ate yung mga pagkain.
"Morning" bati ko kay Ate at humalik sa noo niya.
"Sweet mo ah? May papabili ka"
Tumawa ako pero umirap lang siya.
"Kumain na kayo at baka madami ng tao doon, kawawa naman kapatid ko kapag pinagkaguluhan" bahagya pang inayos ni ate yung buhok ko na ikinangiwi ko.
YOU ARE READING
Love Hangover
General FictionJack Rosario is a one hot famous actor, He's arrogant, man of few words and a jerk. What he wants, he'll surely get. Carmie Rose De Jesus. Simple girl with a big dreams. She idolized Jack so much that she dreamed of marrying him. What will happen w...