Chapter 7

1 0 0
                                    

"ASAN na ba kasi yon?" tanong ko sa sarili ko.

Halos bente minutos na akong naghihintay sakanya dito pero hanggang ngayon wala pa din siya. It's been a month ng simula akong ligawan ni Jeoff pero hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung paniniwalaan ko ba yung mga sinabi noon ni Gabbie. Actually sa isang buong linggo siguro tatlong beses niya lang ako ihatid o kaya sunduin at nag-iiba na din ang pakitungo saakin ni Jeoff, issue na din kung ano ba talaga ang meron saamin ni Jeoff pero ilap ako sa tanong n ayun. Gusto ko silang sagutin na wala naman talaga kami na nililigawan lang ako ni Jeoff pero ayoko naman talaga.

Tinawagan ao ni Jeoff kanina na magkita daw kami sa ground floor ng StarLight, yes you read it right. Sa StarLight na ako nagt-trabaho ngayon pero sa studio pa rin ako ni Sir SJ gumagawa ng kanta. Si Sir SJ naman ay may bago daw alaga. Sa pagkakarinig ko ay lalaki iyon na medyo may katandaan saakin pero hindi tulad ko ay sumikat ito dahil sa contest na ginawa ni Sir SJ na para sa lahat na kayang gumawa ng kanta at kumanta. Napili ni SIr SJ ang lalaki para pamalit saakin sa recording studio. Hindi ko pa siya nakikita sa personal pero may iilan na akong nakitang pictures niya at ang usap-usapan ay may gusto daw ito kay Gabbie.

"I'm sorry, I'm late" bumalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses ni Jeoff.

"Again" bulong ko na tila narinig niya ata dahil biglang tumaas ang kilay niya.

Huminga muna ako ng malalim bago ko siya tinanong. "Bakit mo ako pinapaunta dito?" gusto ko maramdaman niya na naiinis ako. Mabait ako pero ayoko na pinaghihintay ako, hays

"Pinapupunta kasi tayo ni Sir Sj sa Studio ngayon"

"Bakit daw?"

"Malay ko, tara na"

Sumakay kami parehas sa kotse niya at tinungo ang studio ni Sir SJ. Pagkadating namin doon ay maraming mga reporters at fansa sa labas ng studio kaya nang makita kami ng mga Guards ay sila ang nag escort saamin para makapasok sa studio.

Hindi maiiwasan ang paghahablot at panghihila ng damit ng mga fans at iilang katanungan sa mga reporters.

"Carmie!!" napa-angat ako ng tingin ng marinig ko ang boses ni Gabbie. Nag beso kami at nagyakapan.

"Nakakatampo ka ha! Minsan ka na lang pumunta dito tapos kapag dadalaw ako sa StarLIght wala ka naman doon o kaya nasa mall show ka!" ani Gabbie

"Pasensya ka na ha? Hindi kasi talaga eksato ang oras natin" napalabi naman siya saka tumingin sa exit ng building.

"Tara na, baka nagsisimula na sila"

"Anong meron Gabbie?" tanong ko na nginitian niya lang, binalingan ko naman si Jeoff na may kausap sa cellphone ngayon.

"Siya nga pala, kayo na ba?" napapntiskuhan akong bumaling kay Gabbie

"Alam mo naman kung sino ang gusto ko diba? Saka alam mo parang gusto kong maniwala sa sinasabi mo noon eh"

"Ha! Hindi na ako magsasalita diyan Carmie. Matanda ka na, ikaw na umalam niyan"

Pagkarating namin sa exit ay bumungad saakin ang isang stage at may mga barikada na nakapaikot sa stage at may mga iilan na ding tao sa baba ng stage na tila excited sa mapapanood nila.

"Ano ba kasi talaga ang meron?"

"Ano ka ba? Wala ka talagang alam?"

"Tsk! magtatanong ba ako kung may alam ako?"

"Ngayon kasi ang labas ng record album ni Karl"

Ah. Wait....

"Sino si karl?" hindi na ako nasagot ni Gabbie dahil biglang nagtilian ang mga babae sa harap ng stage ng may lumabas na isang matangkad at matipuno ang likod na lalaki. May dala itong gitara at napaka lalaki ang suot nitong ragid pants at white sweater habang naka suot ito ng puma smash sneakers.

Love HangoverWhere stories live. Discover now