"CARMIE!! manliligaw mo nasa baba na" katok ni Bea
The F?! pinanindigan talaga niya talaga?
Bumaba ako dala ang laptop, bag at jacket ko.
"Aalis na din ako mamaya mga eleven. Ingat ka" yung mga mata ni Bea parang nagsasabi na tigilan ko na 'to. Paano?
"Ikaw din. Bye" nag beso kami bago ako lumabas, sinalubong ako ni Jeoff ng bulaklak.
"Goodmorning" bati niya, nginitian ko siya saka pumasok sa nakabukas niyang sasakyan.
"Kumain ka na?" tanong niya ng paandarin ang sasakyan.
"Uhmm, hindi pa. Ginulat mo kasi ako sa pagsundo" natatawa kong sabi
"Take out nalang muna tayo. Maaga pa naman" sabi niya
"Ikaw bahala"
Nag-uusap lang kami tungkol sa kung saan saan ng makarating na kami sa parking lot ng building.
Unang bumaba si Jeoff at binuksan ang pintuan ko. Kinuha niya ang bag at paperbag na may lamang mga pagkain saka niya sinukbit sa kabilang balikat niya ang bag niya.
"Ako na" ani ko na nginitian niya lang.
"Para dagdag points" at ngumiti pa ang loko
Kahit gwapo ka o kahit pakitaan mo ako ng kung ano-anong magagandang ganyan, si Jack pa din ang gusto at gugustuhin ko.
Sabay kaming pumasok sa elevator na hindi pinapansin ang mga tingin ng empleyado saamin.
"Ano yan ha?! May pagbuhat ng bag?" napalingon ako sa gilid ko kung saan may biglang nagsalita.
"Hi gabbie, sa office mamaya" sabi ko bago nagtuloy tuloy sa loob ng opisina ko. Nilapag ni Jeoff ang bag at paperbag sa lamesa ko saka bumaling saakin at kinuha ang kamay ko
"Sunduin kita mamaya before 12. Sabay tayo mag lunch ha?" sabi niya bago hinalikan ang likod ng mga kamay ko at lumabas
Ano yon? Anong nangyare?!
"Hoy! Ano nga yon?" nabalik ang atensyon ko kay Gabbie ng bigla siyang pumasok at niyugyog ako.
Umupo ako sa swivel chair ko saka humarap sakanya.
"Nanliligaw siya" sabi ko. " Pero hindi ko sinagot. Sabi ko bahala siya kasi ayoko pa magkaroon ng boyfriend" agad kong depensa ng dapat magsasalita siya
"Carmie? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" biglaang tanong ni Gabbie ng kakagat ako sa burger.
"Kakain? Hindi pa kasi talaga ako kumakain. Nagugutom na ako. Sorry" sabay kagat sa burger
"Carmie!" nagulat ako ng biglang hampasin ni Gabbie yung lamesa ko. "Bakit ka pumayag na manligaw siya?"
"Eh kasi sab-"
"Hindi mo ba alam ang mga usapan dito?"
"Ha? Usap-"
"Carmie! Nagiisip ka ba? Alam mo ba kung anong kalalabasan nito? Carmie masisira ka lang! Wag ngayon na pasikat ka pala-"
"Teka nga kasi!!!!! Patapusin mo ako!" awat ko sakanya "ano bang sinasabi mong usapan? Saka bakit ayaw mo na magpaligaw ako kay Jeo-"
Psh -_-
"Kasi Carmie hindi seryoso si Jeoff sa mga nililigawan niya dito! Lalo na kung pasikat pa lang! Kinukuha niya ang atensyon ng babaeng nililigawan niya kasama na ang atensyon ng mga umiidolo sa nililigawan niya, dahil ayaw ni Jeoff ng naluluma!"
Sandali akong natigilan at dahan dahan akong lumingon kay Gabbie
"Do you mean.."
"Oo Carmie! Hindi seryoso sayo si Jeoff!" huminga ng malalim si Gabbie saka tumitig saakin. "Gusto mo ba siya?"
![](https://img.wattpad.com/cover/146479844-288-k784058.jpg)
YOU ARE READING
Love Hangover
Ficción GeneralJack Rosario is a one hot famous actor, He's arrogant, man of few words and a jerk. What he wants, he'll surely get. Carmie Rose De Jesus. Simple girl with a big dreams. She idolized Jack so much that she dreamed of marrying him. What will happen w...