Late akong pumasok ngayon, hindi ako nakatulog dahil sa kakaiyak kagabi. You wanna know why? Vane just texted me, he said he wanted me to move on from him na daw dahil hindi raw mapakali si Jenine kakaisip sakin. Edi wow! Ang lakas niyang makadikta, bakit? siya ba itong nasasaktan? Kasalanan bang magmahal ka nang lubusan? Char! kanta yun ah, parang si ..
I rolled my eyes when I remembered that guy from yesterday. Ang sarap niya talagang itapon sa universe, may pa kanta-kanta pa siyang nalalaman, minanyak niya pa ako! Paakyat na ako sa third floor kung saan ang music class ko, ewan ko ba kung bakit may music chu-chu classes na yan, hindi naman yan focus sa Seniors. Ay! ewan
Minabuti kong pumunta muna sa CR at magretouch. Ang panget ko na talaga. Ang laki at ang itim pa ng eyebags ko. Naalala ko naman ang text niya, mas concern pa siya sa girlfriend niyang hindi mapakali kaysa sakin na hanggang ngayon nasasaktan parin dahil sakanya. Inconsiderate. Starting this day, susubukan ko nang mag move on. I want then to see na hindi na ako naaapektuhan sa kanila. Watch me Vane, wait and you'll see.
" Hi ate, Im Zeyn pala " said a girl and waved at me pagkapasok ko sa room namin. Kumunot ang noo ako, anong ginagawa ng isang Junior dito? Well, she's pretty. She has this long curly blonde hair and a brown eyes. She was wearing a uniform that was a blue plaid skirt that was a couple of inches above her knee. It had a tie in the same pattern and fabric as the skirt, and a polo shirt underneath a charcoal grey blazer, probably the Junior High uniform.
" H-hello? Uhm, what do you want from me? " I asked may dala itong plastic with a tupperware on inside of it habang nakangisi sakin, ngayon ko pa namalayang may braces pala siya. Ang cute.
" My mommy made me utos to give this salad to kuya. I waited kanina pa kasi and ill be late for my next class if Ill wait longer for him pa, It's 12:45 na kasi, e. " Napatingin naman ako sa wrist watch ko. Sanay na akong ganyan makipag usap ang mga Juniors, they really used to speak coñotic.
" And? "
" And ate can you give him this instead nalang? Please ate, pleasee " Napatingin ako sa paligid, anadami namang estudyante dito, bakit kailangang ako talaga? She put her hands together at nag puppy eyes sakin. Childish e. Napangiti nalang ako at tinggap ang plastic.
" Fine, but you need to tell me first kung anong pangalan ng kuya mo? " biglang tumunog yung wristwatch niyang hello kitty
" Waah! Ateeee, I really need to go. My teacher will definitely kill me kapag na late ako. Oh my gosh! " nagpanic na siya at tumabok.
" T-teka Zeyn .. "
" By the way, his Zion ate. Zion Saavedra " and she disappeared.
" Settle down students, because this is your free week at alam ko namang hindi niyo pa kilala ang ibang estudyante na narito, might as well start our Just Class with introducing yourselves. Wala namang mawawala diba? Dont worry dahil isang linggo lang naman kayaong magsasama-sama " sabi nang nasa mid 20's naming teacher. Bagay sa kanya ang music and art class, masayahin kasi ang aura niya.
Tama siya, hindi nga familliar sakin ang mga nandito though may nakikita akong batchmates ko noon pero mas dominant kasi ang mga transfrees. Hinati sa apat ang 11 students dahil napaka dami namin, around 60 nga kaming nandito sa loob. Naunang magpakilala ang isang transferee na nasa unahan at sumunod na lahat.
" Hi, Im Jenine Andija Fortalejo, nice to mee you all " and she gave us her sweetest smile ever, napingiti naman ang lahat including our teacher.
" I love your smile, Ms. Fortalejo, kaya siguro nabihag mo ang boyfriend mo, no? " She timidly smile at tumingin sa direksiyon ko. We're five seats apart. Agad kong iniwas ang tingin ko at itinuon nalang ito ka maam, when Its my turn agad akong tumayo.
" Im Katniss Cassidy Monterde, nice to meet you all " I said and slightly smiled. Nagulat ako nang makita kong nakatingin pala si maam sakin at nakangiti pa ito.
" The valedictorian, totoo nga talaga ang sinasabi nila, you're gorgeous " nag init ang pisngi ko sa compliment niya pero hindi ko ito pinahalata. I just smiled and shrugged.
I was about to sit down when someone entered the room panting, para siyang galing sa marathon, the moment his face take in the sights of everyone, gossips enveloped my hearing.
" Oh my gosh! he's here "
" Ang gwapo niya talaga kaya nga crush ko siya since junior high pa tayo "
" Nasa banda pa kaya siya? I hope so "
Kumunot ang noo ko habang nakikinig sa mga babaeng nasa harapan ko, talaga bang sikat siya? so that explains his reaction when I said I didnt know him, totoo pala yata talagang sikat siya o idea niya lang na sikat siya? Ay ewan! basta ang alam ko minanyak niya ako.
" I'm sorry Ms. Wong " he apologized
" Its okay, Mr. Montefalco. Just Class lang naman ito, come in " even the teacher knows him. Sino kaba talaga? Inilibot niya ang paningin niya, may tinanguan pa nga siya sa likod but I didnt mind looking. I was taken a back when our eyes converged. He smirked. Naglakad ito palapit sakin tama namang bakante ang nasa right seat ko. Sheet! ang malas ko naman yata.
" What a good timing, tapos na si Ms Monterde magpakilala so that means its your turn now " Bakit ba sa lahat nang pwedeng mabalanke sa tabi ko pa talaga.
" Now you'll know my name .." he beamed at me " Im Todd Zachary Montefalco, single and available " at nag wink pa. So thats his name, impit namang tumitili ang mga babae.
" Of course, who wouldn't know Mr. Montefalco, the vocalist of Euphonics " and that separated me from the their world nang nagsimulang magtilian ang mga babae. Now, Im lost.

YOU ARE READING
Torn In Between
Teen FictionLove. Is it necessary for us to choose between two person? Why cant we have both? Because in my situation, I'm torn. I am torn between the guy who makes me happy and made me forget all my problems and heartaches over the guy who comforts and catche...