Chapter 5: Accidentaly spit out

37 4 0
                                    

Ivy Flores POV

Nakatulog pala ako. Paggising ko 7pm na. Ilang oras ba akong nakatulog?. Bumangon ako at kinuha yung mga damit ko at magshoshower.

Pagkatapos ko magshower. Nagpalit na ako at lumapit sa bonfire. Andun sila Yssa, Grey at nathan at iba pang mga volunteers. Nasaan si edison?

"Ivy, Hindi ka pa kumakain. Tapos na kaming lahat."

"Want me to join you?"Tatayo na sana si grey pero pinigilan ko siya

"No Its okay. See you later?"

"Sige.."

Pumunta ako sa kusina at nakita kong kumakain din dun si... Edison?

May mga staff dun at binati ako. Binigay sa akin yung dinner ko at umupo. Iisang table lang naman meron dun pero maraming upuan.

Umupo ako sa opposite direction ni edison. Which is ang napaggigitnaan kami ng mga prutas sa lamesa.

I want to talk to him about the letter. Pero ayokong mapahiya.

After few minutes, I gather myself and try to ask him about it. Kahit na mapahiya ako sa kanya. Ayoko lang kasi magmukhang katanga tanga na iniisip siya yun.

Magsasalita na sana ako ng biglang...

*Sencha ringtone*

Tumatawag si tita mercy! Napatingin sa akin si edison. Parehas pa din ang emotions ng mukha niya.

"Excuse me" Lumayo ako ng kaunti at sinagot yung tawag.

On the phone..

Me:Hello tita?
Tita:Ivy! Ivy buti naman sumagot ka.
Me:Bakit tita may problema ba?
Tita:Wala naman, Hindi mo pa kami tinatawagan eh. Tinawagan na ako ni yssa, Pero ikaw hindi pa.
Me:Tita okay lang po ako.
Diana:Insan! Baka naman may mga pogi dyan.
Tita:Diana, Tumigil ka nga
Diana:Tita che, Tinatanong lang kung may pogi, Bakit pag tinanong kong may pogi, Boyfriend na agad?
Tita:Aish, Pero ano? Kamusta na? Ano yung mga first activity niyo?
Ako:Wala tita, Nagkaroon lang naman kami ng bonding sa mga bata.
Rose:Eh si edison? Kamusta siya? I mean kayo? Ayiee mamaya umuwi ka nang buntis teh!
Diana:Beh! Malaki ba?
TinTin:6 or 8 pack?
Rose:O my bes! Sinuko mo na?!
Tita:Tumigil nga kayo! Pero..Kamusta kayo ni edison. May mga fun times na ba kayo? Magkatabi ba kayo ni edison sa loob ng tent?
Tita Mercy:Pakisabi sa kanya gumamit ng proteksyon!

Tumingin ako kay edison at nagtama yung mga mata namin. Nanlaki mata ko, Shit, narinig niya kaya yung usapan namin? Kakahiya

Ako:Tita paano niyo po nalaman na meron siya? I mean paano niyo siya kilala?
Tita mercy:Ivy, Alam kong may anak si marga. At sinabi sa akin ni yssa na meron si grey dyan. May mga sweet moments na nga daw kayo ni edison eh
Ako:Tita! Hindi po. Wala po.
Mika:Anong wala! Meron kaya sabi ni yssa
Ako: Wala nga---

Napatigil ako nang biglang narinig kong tumayo si edison at umalis

Tita:Ivy? Okay ka lang ba dyan?
Ako:A-ah opo tita. Cge po. Kakain na po kasi kami eh
Tita:Okay cge. Magiingat kayo ha? I love you
Ako:Love you din po tita..

End call.

Napansin kong di inubos ni edison yung pagkain niya. Ugh, its my faulth. Ang ingay ko kasi. Ayan tuloy naistorbo ko siya.

Kumain na lang ako at inubos yung pagkain ko. Pagkalabas ko, Deretso agad ako sa bonfire. Napansin kong wala din dun sa edison. Malamang natulog na yun.

Suplado meets AbnormalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon