ILYB ~♥7♥~ He's just someone that I used to know.

367 4 1
                                    

Simula nung sinabi ko kay Shawn na hanggang dun na lang kame.. never na kaming nag-usap ulet.

Halos... 1 week na...

" Alam mo mamaya lang ingungudngod ko na yang mukha mo sa pie! wag ka nga sumimangot dyan! gusto mo yan eh!! " pang-aasar sakin ng napakabait kong bestfriend -_____-

" Ano.. pataasan ng pride? anong premyo makukuha mo? meron ba? " sabi pa ni Karyll.

" Eh hindi na nga kasi pwede diba? " sabi ko naman.

Kase bakit pa? eh hindi na nga pwede eh.. bawal na nga DAW. sino ba naman ako diba?! 

Pampalipas oras niya noong wala pa siyang gf. T____T

Eto nanaman!

Dadaan nanaman siya....

Kung kailan ayoko na siyang makita saka naman napadalas na nakikita ko mukha niya..

Lalo lang sumasakit eh...

Yung kada dadaan yung EX BESTFRIEND mo....para kang sinagasaan ng sampu o higit pang truck ng hangin! *STAB*

Ang malala pa... yung EX BESTFRIEND mo na mahal mo... masayang kasama ang iba! 

Ilang beses ko bang tinanong sa sarili ko...

Bakit sa 2 years naming magbestfriend.... mas pinili pa din niya yung taong niligawan niya ng ISANG araw lang?

Pano niya nakakayang iwasan ako ng hindi man lang nalulungkot?

Ano bang meron si Jea na wala ako?

Hanggang kelan ko kaya kakayanin ito?

Gusto kong umiyak pero hindi ngayon... ayokong makita niyang umiiyak ako.. masakit lang malaman na.. kahit umiyak ako sa harap niya... babaliwalain niya lang para sa girlfriend niya..

Isa pa... diba hindi naman dapat iniiyakan ang mga taong alam mong walang pakialam sa nararamdaman mo? at ang mga taong hindi naman mahalaga para sayo...

Siguro hindi ako mahalaga para kay Shawn... siguro nga. 

I give-up! wala na siguro talagang mangyayari samin.

Sino nga ba siya para iyakan ko? ex bestfriend lang...

He's just someone that I used to know. All I have to do is just move on. Smile and do the Tsunami walk.

Bye past, Hello tomorrow!

I love you bestfriend  ~♥ (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon