ILYB ~♥13♥~ LQ + love affair? = WHAT?!

343 6 6
                                    

Yvee's POV

"Grabe, feeling ko talaga dahil yan dun sa Chua na yan!" 

"Feeling ko din girl.. landi kasi eh. may gf na nga yung tao lalandiin pa"

"Narinig ko kaya.. umiiyak si Jea, sabi niya kita daw ng dalwang mata niya, magkayakap sila Shawn at Chua!" 

" OMG! confirmed! landi eh! grrr! sarap nyang sabunutan!"

"Tsk tsk tsk. si Shawn.. kawawa naman siya.. bakit kasi kelangan pa niya magkaron ng love affair eh"

"Oo nga. naku kung hindi lang kasi kumerengkeng yan si Yselle Chua, edi sana walang LQ yung dalwa!"

"Tomooo"

Hinga lang ng malalim Yvee. kaya mo yan.

Siguro nga totoo......kung hindi dahil sa kalandian mo, hindi sila mag-aaway..

Ikaw naman kasi.. bat ka pa umextra... alam mo naman ang mga tao.. 

Hindi ko na kilala ang sarili ko. Hindi ko naisip na magagawa ko 'to sa kapwa babae ko..

Naging selfish ako. hindi ko na inisip ang mararamdaman ng iba...

Napakasama kong tao. Dumating na sa punto na, ayoko na talaga. hindi ko na kayang magpakita sa mga tao. pakiramdam ko lahat ng mata nila nakatingin lang sakin... pakiramdam ko, naninira ako ng relasyon.. Hindi ko na alam kung ano bang dapat kong  gawin.

Karyll's POV

Andito pa din kami sa school. hindi namin mahanap si Yvee.

Nag-aalala na talaga ako sa kaniya. tumakbo na lang siya bigla at iniwan kami ni Dice.

6:25 p.m na... hindi namin siya makita. 7:30 nagsasara itong school.

"Kuya guard, lumabas na po ba 'tong babaeng 'to? namumukaan niyo po ba?" tanong ko kay kuya ng pinapakita sa kaniya yung pic ni Yvee.

Kasama ko si Dice. sumama din si Miko dahil.. hindi ko alam. >.>

Khit napapaligiran ako ng gwapo, si Yvee pa din ang mas mahalaga sakin.

Sana naman hindi niya maisip na saktan niya sarili niya..

Sana talaga.

"Ayun ba?" sagot ni kuya gurad ng may tinurong babae sa di kalayuan.

"Yvee?!" sigaw ko.

Hindi siya umimik at tinignan lang kami.

"Yvee...ok ka lang ba?" sabi ko ng nilalapitan ko siya.

She just gave me a smile.

"Yvee. wag mo masyadong isipin yon.. andito kami." -Dice

Lumapit kami kay Yvee at hinawakan siya sa kamay.

"Bakit kayo nakikipagkaibigan sa taong nanira ng relasyon?" tanong niya saamin na ikinagulat namin.

"Girl, hindi yan totoo."sabi ko saka siya niyakap.

Umiyak lang siya ng umiyak.. kami naman nila Dice at Miko. pinapatahan lang siya.

"Tahan na.." sabi ko habang hinihimas yung likod niya

"Yvee. don't worry, I'll do something about this issue." -Miko

"Para san pa?" sabi naman ni Yvee na tumawa ng mapakla.

"Para maging sikat pa lalo sa mga haters ko?"

"Hindi mo kasalanan na mahulog kay Shawn.. mahirap talagang pigilan yung feelings sa isang tao kapag--" 

I love you bestfriend  ~♥ (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon