ILYB ~♥21♥~ What happens when he cry..

248 4 2
                                    

Ramdam ko na tumabi siya sakin...nagulat na lang ako nung gawin niya ulit yung madalas niyang ginagawa kapag naiiyak din siya..

Pinatong niya yung noo niya sa balikat ko at doon naramdaman kong may mga tumutulo sa damit ko.. naririnig ko din yung weak voice niya tuwing naiiyak..

"Bakit andaming nasasaktan dahil sakin?" bigla niyang tanong sakin sa gitna ng paghikbi niya.

Nagdadalwang isip ako kung magsasalita ako kasi weak din ang boses ko sa pag-iyak..

"Si-sinong nasasaktan?" pilit kong pagsasalita

"Alam ko...nagtatampo ka at masama ang loob dahil sa nangyayari ngayon, wala na akong panahon sa'yo.. sorry.. hindi ko din alam kung bakit kailangan ko gawin 'to.. thankyou Vee, salamat sa lahat" 

"Drama mo naman sheep. hehe" sabi ko saka bahagyang tumingin sa kaniya.. hindi niya nakikita ang mukha ko kasi may mga buhok na nakatakip sakin.

"Bakit ba kasi hindi niya ko maintindihan, angsakit pala no Vee? kapag nakikita mong umiiyak yung mahal mo?" umiiyak pa din siya.

Alam naman pala niyang masakit eh, sana hindi niya sakin pinapakita na umiiyak siya...

"Andito lang ako Shawn" sabi ko

Hindi siya umimik..siguro hindi niya pansin na tinitignan ko siya..

Umiiyak lang siya sa balikat ko at kita kong pinipigilan niya din 'to..

Jusko! pag hindi ko 'to napigilan nako!!!

Nasasaktan ako pag nakikita siya na umiiyak.. T.T

Siguro makakabawas 'to sa guilt o sakit na nararamdaman niya.

Wala din namang tao, walang masama dito...

Dahil sa nakikita ko ngayon, siguro ganito din ang gagawin niyo..

Gagawin niyo ang tamang makapagpapagaan ng loob ng mahal niyo.. :)

Ginawa ko 'to kay Shawn..sinagot naman niya ito...

Ito nga talaga ang kailangan niya :)

Naiiyak ako sa loob-loob ko pero pinipigil ko ilabas kasi ayokong nakikita niya yon..

Na mahina ako..

"Bakit kahit sa simpleng yakap mo napapagaan mo agad yung loob ko.. may superpowers ka ba?" sabi niya at niyakap pa ako ng mas mahigpit.

Tumawa kami ng bahagya at nanahimik ulit ang paligid..

Bigla ko lang naalala..

unang beses kaming nag-away dahil sa nagalit siya sakin nung iniwan ko siya kasi nagpasama si Jeric sa office.. pinili ko pa daw makipaglandian kesa sa samahan yung bespren ko..

Nagpintig yung tenga ko nun kasi ayoko ng nasasabihan ng malandi pati nung time na yon, sumama ako kasi may kailangan din akong ipasa.. kitid ng utak nitong si Shawn eh.. ayan tuloy..

hindi kami nagpansinan ng isang araw..

kinabukasan niyakap ako tas humagulgol.. nagsorry tapos kinukulit ako ng kinukulit..

Nung time na umiyak siya.. nanikip yung dibdib ko.. nasasaktan ako habang nakikita siyang umiiyak..doon ko narealize.. mahal ko na pala tong bespren ko..

Nung niyakap ko siya pabalik.. angsarap nung feeling ko kasi parang nasakin na yung gusto ko.. hawak ko na yung mahal ko..

pero unfair lang talaga ang buhay.. hindi palaging pwedeng maging masaya..

Dumating na yung mahal niya.. san ba ang lugar ko?

Wala.... 

Humiwalay na ko sa pagkakayakap at saka tumawa ng pilit..

"ang totoo.. nasasaktan ako ng sobra sa mga nangyayari Shawn..

Hindi ko gusto itong nangyayari.. masyadong masakit.." sabi ko at sa hindi kagustuhan... bigla na lang tumulo ang luha ko kaya agad akong yumuko..

"Bakit ka nasasaktan?" worried na tanong niya.

"Ha.. ka-kase..." 

"Kuya Shawn! ay! nako sorry, teka, ikaw yung Yvee diba?" may biglang pumasok sa room namin, mukhang second year..

"Maris, anong problema?" tanong ni Shawn.

"Si Jea..." seryosong sabi nung babae.

and with that.. tumayo si Shawn at naglakad palabas. 

Asan ako? 

"Excuse me.." andto pa pala yung Maris..

Tinignan ko lang siya

"Ikaw ba si Yvee?" 

"O-Oo.. baket?" 

"Kung pwede lang.. lumayo ka na.. may girlfriend na yung tao, lalandiin mo pa? Ayan, nagkakagulo relasyon nila dahil sa'yo.. sana naman tumigil ka na. maging masaya ka na dahil sa nasasaktan na silang dalawa" and the she left as well.

so eto na talaga tingin nila sakin?

The blame is on me? lagi na lang ganon?

Tara iiyak na lang natin 'to. 

...................................................................................................

yea it's a short update at inabot na ng new year ang latest. hahaha mas magiging MASAKIT na ang next chapters sa susunod na taon. yipee! HAPPY NEW YEAR!

I love you bestfriend  ~♥ (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon