ILYB ~♥3♥~

439 6 0
                                    

" Para saan pa girl? kapag ngayon ba nagtapat ka..sa tingin mo... sasaya ka at makakasama mo si papa Shawn? eh eto na nga oh, may girlfriend na... alangan namang umextra ka pa sa kanilang dalawa?! baka mamaya..machismaks ka nanaman na 'malandi' dahil nagtapat ka pa kay papa Shawn kung alam mo namang may gf na! diba? " pauwi na kamini Karyll nung sinabi kong baka magtapat na ko gamit yung magazine...nasermunan nanaman ako ni Karyll dahil dito...

Buti na lang at hindi namin kasabay si Shawn ngayon.. pinauuwi daw kasi siya ng maaga ngayon eh kaya nauna na samin...

" Eh ano... tatahimik na lang ako... kahit angsakit sakit na..." I tried my best not to cry pero walastek lang talaga ang mga mata ko eh.. ayaw papigil..

Ayokong may mga taong nakikita akong umiiyak.. kasi para sakin.. mahina ang isang taong umiiyak..

Sa iba ako nakatingin habang nakikipag-usap ako kay Karyll at lumuluha

" Naiintindihan kitang hindi mo kayang harapan na magtapat sa kaniya... na sa mga panahong 'to nag-iipon ka pa ng lakas ng loob para sabihin sa kaniya..... pero girl... sa tingin ko kasi... huli ka na.. " sabi niya sakin at niyakap ako na lalong nagpa-iyak saakin..

Ito yung first time na may ibang taong nakarinig at nakakita saakin na umiiyak... 

" Napaka-t@ng# ko lang kase eh... andami dami ng panahon na pwede akong magtapat eh...hindi ko pa ginawa! napakahina kong tao! nakapaduwag ko! " sabi ko kay Karyll

" Shh... lahat tayong nagmamahal nagpapaka-tanga jan sa love love na yan... mahalin mo nlng kasi si Jesus.. saka na yang si Shawn... " -Karyll

" Mahal ko naman si bro eh! mahal ko nga lang din si Shawn.. " sabi ko pa

" Ay nako! halika na nga't paslangin na natin yan tupa na yan! " sabi ni Karyll at hinila na ko..

Nawalan na ako ng gana na magsalita at naglakad na lang...

Malapit na kami sa highway ng tawagin ako ni Karyll

" Bakla! " tawag ni Karyll at tinatapik tapik pa ang braso ko

" Ano? " tanong ko.

" Parang si Shawn the sheep yon.... " turo sakin ni Karyll sa isang matangkad na lalaki na hawak yung kamay nung babaeng maputi...

" Siya nga.... kasama yung gf niya " sabi ko ng mapakla... bitter na kung bitter!

" Eh akala ko ba pinapauwi siya ng maaga? " -Karyll

" ewan ko....baka magulang niya yang gf niya " sabi ko

" Tara na nga... baka kung ano nanamang magawa kong ka-engotan! " sabi ko at hinila si Karyll pasakay ng jeep

Sasakay na ko eh.. ayun na oh.... kaso dinaanan pa ko ni MALAS!

*boogsh poink! * nadapa ako bow -______________________-

" Yvee!! " napasigaw naman bigla si Karyll. nagulat din siguro sa ka-engotan ko.

" Ayos lang ako.. " sabi ko at tumungo

Hinila nanaman ako ni Karyll at itinabi sa gilid ng kalsada...

" Hoy bakla! masaket diba? " sabi niya

" Angsaket bakla!!!! " iyak ko kay Karyll

" Alam ko.. ok ok ka pa jan! tara na nga. " sabi niya tapos hinila na ako pasakay ng jeep.

Nakatungo akong naupo sa tabi ni Karyll... grabe.. dumudugo ng onti yung kamay ko. TT____TT

" Bakla.. " tinapik ko si Karyll pero di sumasagot

"Bakla.... " hinabaan ko pa

Bakit ba ayaw nitong lumingon saken?! nakahanap nanaman ng gwapo sa jeep 'to tsk!

Tinignan ko na si Karyll na nakatingin sa malayo ng seryoso..

Tinignan ko na din ang tinitignan niya kasi kinakabahan ako.. baka kaaway niya..

Nabigla na lang ako nung nakatingin sakin si Shawn...

Nakasabay pa tuloy namin ang tupa! -________-

" Hi girl.. remember me? " hampas ng mahina ni Karyll sa hita ng katapat niyang s Jea

" Ah.. oo ikaw yung nagbalik nung panyo kay Shawn tama? salamat ha.. " -Jea

" Ay hindi ako.. siya " turo ni Karyll sakin

Ayokong maging awkward kaya kumaway ako.. "H-Hello " 

" Hala ate, dumudugo yung kamay mo! " gulat na sabi ni Jea

" H-Ha? w-wala 'to " sabi ko at binaba na ang kamay ko... tinignan ko si Shawn na nakatingin pa din sa kamay ko.

" Nadapa kasi siya.. nakakita kasi ng multo! " -Karyll

" Huy ano ka ba.." siniko ko si Karyll " hinde kase.... wala yung nagpapaalala sakin na tumingin sa hagdan at baka madapa daw ako.. engot pa naman daw ako..tsaka iyakin na bata.. " sabi ko at ngumiti tapos tinignan si Shawn na sa bintana nakatingin..

Parang hindi kami magkakilala ah..

" Aww.. boyfriend niyo po ba yon?ang-sweet naman " -Jea

" Wala siyang boyfriend.. " biglang nagsalita si Shawn

" Eh? pano mo nalaman? chismoso ka noh? " sabi ni Jea na pinisil ang ilong ni Shawn... I used to do that too.....

" Ahh... classmate ko kasi siya. " -Shawn

" Ahh.. "-Jea

" Ay nako teh.. dito na tayo sa 7eleven.. nagugutom ako..." sabi ko kay Karyll

Hinihintray ko yung magsasabi ng.. 'lagi ka namang gutom eh hahaha kaya ka tumataba' pero wala...walang nagsalita..

" Ay sige teh.. para ho! " sigaw ni Karyll

" Una na kami ha! " pagpapaalam ni Karyll sa kanila..

                                                                       ******

" Sabe ko nga eh.. sino nga bang gaganahan kumain kung ganon ang makikita mo diba? mag-hapunan ka bakla ha! pasok na sa loob " pagtulak sakin ni Karyll sa loob ng bahay namin

" Ingat sa pag-uwe " sabi ko saka nakipagbeso-beso

Nagpapalit na ko ng may biglang nagtext...

From : Tupa

Anong nangyari jan sa kamay mo? 

.................................................................................................................

Hi wala lang ^__________^

I love you bestfriend  ~♥ (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon