ILYB ~♥17♥~ Here we go again.

320 6 0
                                    

Bakit kasi ngumingiti pa siya eh. Ok na yung nakakatakot. eto nanaman yung kabog ng dibdib ko -_______-

"HUY!" sigaw niya na siya namang ikinagulat ko.

"ANO BA!" sigaw ko sa kaniya sabay palo.

"Aray! tsk!" sabi niya ng hinihimas yung braso niy na pinalo ko.

"Tch" 

"Hoy Chua! umamin ka nga! kayo na ba nung Dice na yon?" tanong niya.

Aba't nagtanong ang tupa! like hello! pano ko naman sasagutin yon kung siya ang gusto ko! 

Isa pa.. hindi naman nanliligaw yun eh. hahaha

"Sino ka ba?" pang-aasar ko. mehehe mean ko ba masyado? Eh siya naman yung sumira ng friendship namin eh.

Pero half of me sinasabi na...

Patawarin mo na, tanda mo ba yung nagkausap ulit kayo kaya lang nag-away sila ng gf niya, gawa nung nakita niya. ito pa din siya ngayon, kasama mo...

AAAAAAAAAAAAAAAH! oo na! hindi ko din naman matitiis eh.. :3

"Alam mo minsan nakakapikon ka na din eh. tsk" sagot niya sakin tapos naguna ng maglakad. at ambilis maglakad ha!

"Hoy! 'to naman oh! joke lang!" habol ko.

"Oo nga pala. dyan ka magaling sa mga joke mo." Pupu. parang babae talaga 'to kung umasta!

"Ambading neto. sorry na! " sabi ko saka tumigil sa paghabol sa kaniya.

Naramdaman niya siguro na hindi na ko sumusunod kaya napatigil din iya sa paglalakad.

Tinignan niya lang ako. So ako din. titigan ba trip nito? hahah

Pero bakit ayaw pa din niya gumalaw?!

Nakatingin pa din siya sakin, at ako.....

Hindi na makatingin...

"H-Hoy ano ba?!" -ako

Hindi siya sumagot. nakatingin pa din siya.

"Shawn naman eh!" nakayuko na ko, kasi hindi ko kayang tumingin.

Siguro naman alam niyo yung feeling na kapag tinititigan ka ng taong gusto mo, hindi ka makatingin ng matagal kasi baka mamula ka, o di kaya mapangiti ng wala sa oras. edi buking ka na? diba?!

Kasi ayan yung nangyayari sakin ngayon. hindi ko na kaya tumingin. grabe!

"Oh ano? bat hindi ka makatingin?" tanong niya sakin.

"Ewan ko sayo!" sabi ko saka nauna maglakad sa kaniya. Aba kanina pa ko sumusunod sa kaniya eh, sya naman sumunod sakin. hehe

"Alam mo bang nakakainsulto at nakakainis yung ginawa niyo sakin?" sabi niya..

Ano nanaman sinasabi nitong lalaking 'to.

"Ha?" tanong ko

"First kiss mo yon diba?" 

"Ha?" tanong ko ulet.

"Yvee.. alam mo naman na ayoko yung mga ganong bagay diba? lalo na sa edad mo..diba?" nilingon ko na siya at nakita kong seryoso yung mukha niya pero mukha namang hindi galit pero nakakadala yung expression niya eh. ay ewan.

"A-Ano bang sinasabi mo Shawn?"

"Kanina sa mall...nakita ko kayo ni Dice" sabi niya.

"Ha? teka teka! mali yung nakita mo. hindi ko naman gagawin yun noh! isa pa walang something samin ni Dice ok?" paliwanag ko

"Yvee, pwede maging honest ka sakin? bestfriends tayo diba?" RIGHT! Besfriends LANG atyo.. :3

"O-Oo.. honest naman ako ah!" sabi ko.

"Totoo?" sabi ni Shawn

"Oo nga kulet neto!" sabi ko.

"Eh ano pala yung nakita ko na magkalapit yung mga mukha niyo!" sabi niya

"Ha? Ano...ah... hinipan yung mata ko! napuwing kasi ako" palusot ko. alangan namang sabihin ko yung ginawa ni Dice, edi nasampiga naman ni Shawn no. wag na oy. sayang kagwapuhan ni Dice. babatukanko na lang. hehe

"Tch! sige na, papalagpasin ko na yan...pero sa dahil pinag-alala mo kaming lahat, lalo na ako, ilibre mo dapat ako ng kwek-kwek" sabi niya.

"Ano ka?! ako ilibre mo dyan aba! tagal tagal na natin di nakapag-usap dahil bawal, tch" tae dahil sa sinabi ko parang may umuntog sakin pati sumasak sa dibdib ko, sakit!

" 'to naman, pano pag nagkahater ka lalo? alam mo naman mga tao, makita lang na magkasama tayo, iba na iniisip. Kahit nga si Jea eh." sabi niya. 

Awwww. he cares for me? really? Am I dreaming or what?

"Hoy! libre mo na ko! daming nangyari ngayong araw, nalimutan ko kumain. " sabi niya

"Ano? baliw ka! diba bawal sayo magutom!" sabi ko sabay hampas sa kaniya.

"Nakakailang hampas ka ba sakin?" tanong niya

"Tsk. tara jollibee!" aya ko.

"Libre mo?" -Shawn

"Utut mo! wala nakong pera. ikaw manlilibre" sabi ko.

"Tsk, tara na nga!" sabi niya.

Haaaaaaaaaaaaay! namiss ko 'tong bespren ko!

........................................................................................

Waaaaaaaah! sorry for the late UD guys. busy lang kasi. sorry kung pangit yung update. 

Sorry talaga. pag talaga natapos na lahat ng prijects ko. itotodo ko na 'to! hahaha

Thankyou sa pagbasa ng walang kwentang UD. hahahhaha

Live.Love.Laugh 

I love you bestfriend  ~♥ (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon