ILYB ~♥22♥~ Masakit pero kailangan gawin..

285 8 1
                                    

Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako ng sobra sobra.

Para bang sinampal ako ng sobrang daming tao.

Ni hindi ko na kayang lumabas ng lugar na 'to na para bang hiyang hiya ako sa pagmumukha ko.

Worried na baka maghiwalay sina Jea at Shawn dahil sakin, o kaya naman..ikalat nila na ako ang cause ng pagkakalabuan ng dalawa.

Ako nanaman.. 

"Yvee" 

"Yvee! Yvee, anong nangyari? Yvee?!" 

Gusto kong magsalita pero hindi bumubuka ang bibig ko at wala ding nilalabas na boses..Hindi gaanong malinaw ang paningin ko kaya hindi ko masyadong makita yung lalaking tumatawag saakin.

Ang alam ko lang, andito ko sa sahig at nakaupo habang umiiyak..

"Yvee, magsalita ka!" 

"Dice, anong nangyari?! Yvee!!" 

Pagkatapos nun, wala na akong nakita kundi itim. 

=======================================

Dice's POV

"Excuse lang! excuse!" pasigaw kong sambit sa mga taong nakakasalubong namin na wala namang ginawakundi titigan kami.

Nagmamadali akong pumunta ng clinic buhat buhat si Yvee.

Naabutan ko siyang umiiyak at parang sobrang nanghihina. Bigla na lang siyang nawalan ng malay nung hinawakan siya ni Karyll.

"Dice kalma lang" -Karyll

Pano ko kakalma eh pinapanood lang naman nila kami.

Sobrang nakakaawa na nga si Yvee dahil sa mga mangyayari tapos hanggang sa pagkawalan niya ng malay sasabihan pa din siya ng Malandi, haliparot, mang-aagaw, flirt, btch.

Parang lahat ng nakikita ko sa paligid puro demonyo at iisa lang ang anghel.

Hindi ko na din pinansin pa ang mga nagbubulungang tao basta kailangan ko dalhin si Yvee sa clinic.

...

Natunton na namin yung clinic at nagpapahinga na ngayon si Yvee.

Binalak pa ni Katyll na ipaalam kay Shawn pero sabi ko para saan pa eh nandito naman AKO!

Alam kong yung lalaking yon ang dahilan kung bakit nagkaganyan si Yvee. Kilala ko siya.. umiiyak siya kapag mag-isa. hindi siya nagpapakita sa iba.

Alam ko naman yung gusto niyang mangyari eh.. ayaw niyang ipakita na mahina siya. 

"Dice, pinapatawag tayo ni sir Oscar" sabi ni Karyll. bakat pa sa mukha nito ang galing sa iyak.

Iniwan na namin si Yvee sa clinic. nagpahabilin din ako sa nurse doon na ipatawag ako kapag aalis na o gising na si Yvee.

Kinausap na kami ni sir at hindi pinayagan magstay sa clinic kaya ipapatawag na lang daw kami kapag gising na si Yvee.

Hinanap ko si Shawn sa room pero wala din siya. Gusto ko sana siyang kausapin eh..

Agad namang bumukas ang pinto at nakakuha ng atensyon ng lahat ng mga kaklase ko.

Napakainit ng balita na si Shawn at yung girlfreind niya eh nagkakalabuan dahil kay Yvee kaya hindi nananahimik ang buong klase.

"Tol!" sigaw ni Josh

Tinignan lang siya ni Shawn saka naglakad papasok. Gusto ko sanang tumayo at suntukin si Shawn pero baka magalit sakin si Yvee. ano bang karapatan ko diba?

I love you bestfriend  ~♥ (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon