2018 ..
" Sir dumating na po ang mga stocks na inorder natin kahapon. " pagbibigay alam sakin ng kanang kamay ko sa negosyong si Jun.
" Ganun ba? Nanjan pa ba yung mga nagdeliver? " agad kong tanong dito habang kinukuha ang paborito kong ballpen.
" Yes sir kayo nalang po ang hinihintay. Tagal nyo ba naman sir." nakangiti nitong buska sakin.
Napailing ako kahit kailan talaga si Jun.
" Sorry na Jun ? Ako kase ang boss dito eh. " ganting biro ko dito.
Saka kami nagkatawanan at sabay pumuntang parking lot kung saan makikita mo ang mga trabahante kong kanya kanyang toka ng trabaho." Wow dami ah. "
May nagbubuhat at taga salansan ng mga bagong dating na stocks dito sa negosyo kong hardware.
" Eto na lahat? " tanong ko sa isa sa mga driver na nadatnan ko na agad nagpalingon dito.
" Yes Sir. Eto po pala ang mga resibo sir, papirma nalang po. " saka inabot sakin ang sangkaterbang papel na aking pipirmahan.
Agad kong tinapos ang pagpipirma, may itatanong pa sana ako sa mga ito ng biglang magring ang cellphone ko.
Nakarihistro ang pangalan ng aking butihing asawa. Si Isabella."Mommy .." bati ko dito.
" Oh hi, sweety. Asan ka ngayon? "
" Nasa Hard ware ako ngayon. Bakit? "
" Ah okay . Punta ako jan. Kumain kna Daddy? " lambing nito.
" Hindi pa nga eh. Punta kana kaya dito. Wag kana magsama ng bata, marami kaseng dumating na stocks. "
Saglit itong natahimik sa kabilang linya .
"Hmm sige. I'll be there in 10 minutes, baba ko na ha. Labyu dad. "" Okay. Ingat ." Sagot ko dito at saka binaba ang tawag. Napangiti ako, Wala paring kupas ang aking asawa napalambing nya parin kahit kami'y may kaidaran na.
Napaka init ng panahon. Saglit lang ako dito sa labas , dito sa parking lot karugtong ng malawak na bodega. Pero ramdam ko ang pawis kong tumatagaktak sa aking noo.
Tunay ngang nagbago ng tuluyan ang klima ng mundo.
" Good morning sir " bati ng nakasalubong kong binata. Isa sa mga trabahador ko.
" Afternoon na oh. " sabi ko dito sabay turo sa tirik na araw.
" Ay sorry po " hinging paumanhin nito sakin sabay kamot sa batok tila napahiya.
" Binibiro lang kita. " dagdag kopa. nakangiti kong tinapik ang balikat nito at saka nilagpasan ang binata.
Sa totoo lang ngayon ko lang napansin ang batang iyon. Siguro'y bagong hired ng kapatid kong si Anna dito sa site." Ang init dito ah. Kaya nyo paba? "
Agaw pansin ko sa mga trabahanteng bising-busy at di na namalayan ang pag dating ko." Sir, kayo pala. Kaya pa naman ho. Tag init ho kase talaga ngayon eh. " ani ng isang taga ayos ng mga materyales.
" Oo nga eh. " iginala ko ang aking paningin sa paligid. Sobrang sipag ng mga trabahador ko. Minsan ako nalang ang nahihiya mag utos. Pero itong mga to naman kase di na kailangang utusan. Alam na nila kung anong dapat nilang gawin pagdating sa trabaho. Sa bandang gawing kanan ko ay makikita ang malawak na pagawaan ng hollow block. Ganun din ang mga trabahador banda dun kanya kanyang gawa , kanya kanyang toka.
Napatingin ako sa relo ko.
Mag aalas dose na pala at magtatanghalian na. Tinawag ko ang pinaka leader sa aking mga trabahante. Inutasan kong patigilin muna ang mga tao sa kanilang ginagawa at may importante akong sasabihin.
BINABASA MO ANG
Umiibig Na Si Paeng
RomanceMahal kong lily .. Hindi mo man ako nakikita .. o naririnig .. Gusto kong ipaalam sayong lagi akong nasa tabi mo. Patuloy na umiibig.. Kasabay nang pag-agos ng tubig sa ilog at pag-ikot ng mundo. Walang mintis akong mananatili nakatayo.. Sa kwar...