Chapter 4

34 2 4
                                    

Lumipas ang mga araw , buwan at naging isa nga ako sa mga masugid na manliligaw ni Delilah.

Nung una ay nagulat ang kanyang mga magulang nang ipagpaalam kong gusto kong umakyat ng ligaw sa dalaga. Samantalang si Delilah naman ay laging nakangiti saakin at laging sinasabing alam na nyang magiging isa ako sa mga manliligaw nya.

Minsan masyadong mataas ang kumpyansa ng dalaga,na isa sa mga nagustuhan ko sakanya kahit madalas akong napapatameme ng pagiging prangka nya.

Maaga aga pa ng makarating ako sa tahanan nila lilah kaya naman masaya ako dahil mahaba habang oras kaming makakapagkwentuhan.
Nakangiti ang kasambahay nila ng pagbuksan ako ng mataas na tarangkahan.

" Magandang hapon ho. Si lilah nanjan na ho ba? " magalang kong tanong dito.

" Oo, kanina pa. " nakangiting tugon nito. "Pero may kausap pa sya sa loob. "

Saglit akong napaisip. Sino kayang bisita nya? Ako lang naman ang manliligaw nya tuwing byernes, sabado at linggo. Ang naunang apat na araw ay nakalaan para sa pito nyang manliligaw.
Umangal man ako alam kong wala rin akong magagawa dahil sa ganda ng dalaga ay kailangan nya rin naman mamili ng lalaking babagay sa kaniya.

Swerte ako dahil tatlong araw ang napagkasunduang araw ko sa panliligaw sa kanya. Gustuhin man ng iba na araw araw manligaw sakanya ay di pwede dahil may mga pinagkakaabalan ang mga ito sa iskwelahan at ang iba ay sa trabaho.

Ang iba ay masyadong malayo ang mga tinutuluyan mula sa bahay ng dalaga. Pero kung ako ang tatanungin.

Kahit gaano pa kalayo ang kalsada kaya kong lakaran basta sya rin ang aking hangganan..

Kahit nagiging abala ako sa bahay
at masaya sa pagpapaligo ng mga alagang baboy, manok at pag igib ng tubig , at pamamasada ng jeep maghapon, hindi nga ba at wala paring kasing ligaya ang aking nadarama isipin lang na si Delilah ang aking makakasama sa pagtatapos ng aking buong maghapon.

Pinatuloy ako ng kasambahay nila sa loob ng kabahayan.
Samantalang ang dalawang taong nag uusap sa sala ay mukhang di ako napansin.

Agad akong nakaramdam ng panibugho ng makita kong hinawakan ng lalaki ang kamay ng dalagang aking sinisinta.

"Magandang hapon saiyo Delilah. "
Bati ko sakanya.

Napalingon silang pareho sakin at nakangiting akong tinawag ni lilah,
Saka inanyayahang umupo.

Binawi niya ang kaniyang mga kamay sa binata at nakangiting
ipinakilala sakin ang manliligaw nya na nag ngangalang Damian. Hindi ko gusto ang tingin nito. Masama kung makatingin na animo'y pag aari nya ang magandang dalagang aking nililigawan.

Saglit kaming nagkamustahan ni delilah, nakakailang nga lang dahil may mga matang nakamasid saamin, pinagkibit-balikat ko na lamang.

" So, anong pinagkakaabalahan mo pare? " tanong nito sakin ng mapansin hindi ako kumukurap na nakatitig sa katabi kong dalaga.

Nalipat ang mga mata ko sa lalaking kaharap ko ng upuan.
" Namamasada ako ng pampasahero kong jeep. Bale yun lang naman ang pinagkakaabalan ko. Napaaga lang ako ng uwi ngayon kaya maaga akong nakarating dito kila lilah. " mahabang litanya ko, sabay sulyap sa nakangiting dalaga sa tabi ko.

Tiningnan akong maigi ng kaharap ko.
Maya maya'y napadako ang paningin nito sa kupas kong sapatos.

"Ibig sabihin, namamasada kalang?
hindi marangya ang pamumuhay, ganun ba? bakit hindi ka nag-aaral katulad ko? Mukhang bata kapa naman at kasing edad ko lang."
Sunod-sunod na tanong at pag-uusisa nito. "Paano pag halimbawa natin sagutin ka ni Delilah? Anong ipapakain mo sakanya kung aasa kalang sa pamamasada? " dagdag pa nito, sabay ngisi at tinapunan ako ng nanlalait ng mga tingin.

Umiibig Na Si PaengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon