Chapter 7

2 0 0
                                    


Palinga-linga ako sa labas ng Unibersdad na pinapasukan ni Lilah. Sa ngayon hindi lang si Delilah ang aking sadya, hawak ko ang supot na kinalalagyan ng mamahaling jacket na pinahiram sakin ni Isabella.

Ilang araw ko na rin syang inaabangan dito sa labas ng Unibersidad pero hindi ko sya nati-tyambahan. Maganda pa naman ang aking pagkakalaba dito. Aba, ibinabad ko pa ito sa mabangong fabric conditioner tapos di nya lang makukuha ng maaga. Aba'y sayang naman!

Ngunit iba ang araw na ito dahil mula sa mga taong naglalakad ay nakita ko ang babaeng may itim at bagsak na buhok. May bangs din sya na bahagyang tumatakip sa kanyang mga mata. Diretso lamang ang tingin nito at parang walang pakealam sa mga tao sa kanyang paligid. Sobrang laki talaga ng pagkakaiba nila ni Lilah, maging ng kaibigan kong si Tolits na pinsang buo nya.

"ISABELLA!" Tawag pansin ko sa babaeng mabilis kung maglakad. Lumingon sya at nakita nya kaagad kung saang parte ako nakatayo. Napakunot noo.

"Paeng?" Nagtatakang tanong nya ng makalapit.

"Ibinabalik ko na, maraming salamat nga pala." Abot ko sa kanya ngunit nanatili lamang syang nakatayo at nakatingin sa hawak kong supot.

"Ano naman yan?"

"Narito ang Jacket na pinahiram mo sa akin nung nakaraang araw. Ilang araw na akong nagbabakasakaling makita ka o kaya'y maabutan ka dito, hindi nga lang kita matyempuhan."

"Jacket?" Nagtatakang tanong nya.

Naguluhan ako. "Oo, yung pinahiram mo sakin?"

"Oh." Mukhang naalala na nya. Salamat naman. "Iyo na yan." Dagdag nya. Ako naman ang napakunot.

"Hindi ko ito matatanggap." At inabot sakanya ang supot. Nakatingin lang sya dito ayaw nyang hawakan.

"Pumunta ka dito para lang dyan?" Kunot noong tanong nya. Napakamot ako sa batok ko.

"Ah, oo isa rin ito sa dahilan."

"Yung isang dahilan, ihahatid mo ulit ako sa bahay?" Tanong ulit nya, ngayon nakangiti na sya. Medyo namumula din ang pisngi nya.

Saglit akong napangiwi. "Pasensya kana Isabella, pero hindi yun ang isang dahilan ko. Susunduin ko kase ngayon ang nililigawan ko, kung parehas sana kayo ng daan baka maihatid din kita sainyo." Humihingi ng pasensyang tiningnan ko sya.

Nawala ang kaninang ngiti nya at ngayo'y balik sa pagiging maldita ang tingin. "Asa ka namang papahatid ulit ako sayo. Dyan kana nga." Iniwan nya ako pero hinabol ko sya bitbit ang supot.

"May susundo ba sayo ngayon Isabella? Pwede namang ihatid ka muna namin bago ko sya ihatid sa kanila." Kahit papano ay nawala ang paglulukot ng mukha nya.

"May susundo sakin. Salamat nalang." Seryoso nyang sabi. "Kung ganon, kunin mo nato. Baka sa nobyo mo pa ito." Sabi kong inabot ulit sakanya ang supot na pinaglalagyan ng jacket.

"Pwede ba Paeng!" Napaikot mata sya at huminga ng malalim. "Wala akong boyfriend."

"Ha? Eh kanino ito? Imposible namang sayo to. Masyado itong malaki at parang panlalaki?" Nagugulumihanan kong tanong sakanya.

"Kaya nga sayo nayan. Gamitin mo hanggang gusto mo." Naglakad syang muli pero pinigilan ko sya sa kamay. "Hindi ko ito matatanggap. Masyado itong mamahalin para mapasakin. Isa pa, hindi ko talaga ito pag-aari." Tugon ko sa babaing para nang naistatwa. Nakatingin lamang sya sa kamay kong nakahawak sa kamay nya. Nahiya naman ako kaya binitawan kona.

Tumingala sya at seryoso nya akong tiningnan. "Kaya nga binibigay kona sayo yan para masabi mong pag-aari mona. Mahirap bang intindihin?" Napabuntong hininga. "Isa pa, kasalanan ko kung bakit ka nagkasakit nung nakaraang araw. Kung hindi mo ako hinatid nun, siguro nakauwi ka ng mas maaga. Hindi ka sana nababad na basa." Malungkot na sabi nya. Napatungo din sya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Umiibig Na Si PaengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon