Chapter 6

3 0 0
                                    


"Isabella.."

Hindi sya kumibo, sa halip lumapit sya sakin at pinayungan ako ng dala nyang payong. Ngayon dalawa na kaming magkasalo sa payong nya.

"Gusto mong magkasakit?" Supladang tanong nya. Nahiya ako kaya naman lumayo ako sa payong nya at tiningnan sya sa mga mata. "Wag mo ng pag-abalahang ako'y payungan. Kanina pa ako basa ng ulan."

Lumapit sya lalo sa akin. "Baka magkasakit ka."

Mas lalo akong lumayo na lalong ikinainis nya. "Baka magkasakit ka!" Ulit nya at pinayungan muli ako. "Kanina pa akong basa. Ihahatid na kita sainyo." Naglakad ako sa kabilang bahagi ng jeepney kung saan ang manibela.

Nanlaki ang mga mata ko ng mapansin kong wala na sya sa dati nyang pwesto.

"ISABELLA!" Tawag ko sa papalayong babae. Kahit kailan talaga ay ang tigas ng ulo nito.

Hinabol ko sya at nang maabutan ay pinaharap ko sya sa akin. Kunot noong hinarap nya ako. Samantala ako naman ay hinihingal sa pagtakbo o sa galit sa mundo? Hindi ko alam. Ayoko na sanang may maramdaman ngunit itong si Isabella kase, sagad ang tigas ng ulo. Sa dami ba naman ng taong pwedeng makita sa gitna ng ulan,  bakit si Isabella pa!

"Ihahatid na kita, halika na." Hinila ko sya sa kamay at hinatak papunta sa nakaparadang jeep. Pero tinabig nya lang ang kamay ko. "Susunduin ako ni Papa. Ikaw, umuwi kana." May diin nyang sabi.

Napalingon ako sa paligid. Unti-onti ng dumidilim, kung totoong susunduin sya ng kanyang Ama. Bakit wala pa ito hanggang ngayon. "Mukhang walang susundo sayo, halika na." At hinatak syang muli, pero pumiglas ulit sya. Sobrang bigat na ng kalooban ko tapos may ganito pang kaarteng babae akong mai-engkwentro. Sobra naman na po yata!

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo!" Hindi ko naiwasang magtaas ng boses.

"Ikaw ang matigas ang ulo!" Ganting sigaw nya. Susuko na sana ako pero nagulat na lamang ako ng sumakay sya sa unahang upuan ng jeep. Iniwan akong nakanganga. Sasakay din pala ang dami pang arte. Napailing nalang ako.

Sumakay narin ako at pinatakbo ang sasakyan. Wala kaming imikan, ayoko rin syang sulyapan. Nayayamot pa rin ako sa katigasan ng ulo nya. Kahit kailan talaga ay lagi nalang nya akong iniinis. Bata pa lamang ay magkakilala na kami nitong si Isabella. Pinsang-buo sya ni tolits at kapag naroon ako kina tolits, wala syang ginawa kung hindi inisin ako. Maldita sya. Palibhasa'y nag iisang anak ng mag asawang Dra. Beatriz at Dr. Arnaldo Montelarca. Laki sa layaw, kaya lumaki ring matigas ang ulo.

Hindi ko tuloy maiwasang maikumpara si Lilah sakaniya. Napakalayo ng ugali nya sa ugali ng aking sinisinta. Napailing ako.

"Bakit ba kanina kapa iling ng iling?"

Nilingon ko sya at nakita kong nakahalukipkip sya. Hindi naman masama ang tingin ngunit batid kong masama na naman ang loob nya sa akin. Ewan ko ba, ang lakas lang yata ng saltik niya. Mas pinili ko na lamang tumahimik kesa makipagtalo sa kanya.

Ilang minuto ay nakarating na rin kami sa bahay ng Pamilya Montelarca. Inihinto ko ang aking sasakyan sa harap ng magarang bahay.

"Pasok ka muna." Ang lamig ng boses nya, mukhang 'di bukal sa puso ang paanyaya. "Hinatid lamang kita pero hindi na kita maihahatid sa loob ng bakuran nyo." Tanggi ko.

Tiningnan nya akong muli, mula ulo hanggang paa. "Ganyan kana?" Tumango ako, ang mga mata ay nasa harapan.

"Sure kana talagang ganyan kana?" Tinanguan ko nalang sya ulit. Sa ngayon wala akong balak patulan ang lahat ng pang-aasar nya. Masyado ng nakakapagod ang araw na ito para patulan pa sya. Ayaw ko ng dagdagan.

Umiibig Na Si PaengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon