Chapter 3

32 3 3
                                    

Ilang linggo narin magmula ng huli kong maisakay sa jeep ang mag-inang yon, hanggang ngayon hindi ko parin alam ang mga pangalan.

Makailang beses ko ng tinangkang huminto sa kalsada tuwing napapadaan ang aking pampasaherong jeep sa tapat ng kanilang bahay, gusto ko kase syang makita at kamustahin narin sana sila o makipagkilala manlang lalo nasa dalaga pero lagi akong pinanghihinaan ng loob.

Isipin ko lang na makikita ko ulit sya ay tila nanlalambot ang aking tuhod, pero gusto ko talaga sana ulit syang makita tutal may basbas naman ako ng Nanay nya na kung gusto kong dumaan minsan ay pwedeng pwede naman.

Pero ngayon hapon disidido na akong dumaan sa kanilang magarang tahanan, bahala na kung anong mangyayari.

Ewan ko ba pakiramdam ko'y aakyat ako ng ligaw.

Hindi ko pa nga sigurado kung kilala paba nila ako, kinakabog ang dibdib na napatingin ako sa aking sarili sa harap ng salamin.

Agad kong isinilid sa kupas na maong ko ang lalaylayan ng aking polo. At saka sinuring maigi kung ayos naba ang itsura ko. Nang masiguro kong ayos na ang lahat ay nagmamadali akong pumunta sa kwarto ng mga itay at nagpahid ng konting pamada sa buhok.

Sana lang at wag maamoy ni tatay dahil kung hindi ay yare ako.

Dahan dahan akong bumaba sa hagdan ng makitang nakauwi na pala si nanay.

" Andito kana pala. Ang tatay mo nakauwi naba ? " salubong na tanong ni nanay.

"Oho nay, nagpapatuka lang po ata ng manok sa likod bahay. " sagot ko at nagmano.

" Maigi naman at hindi uminom,
Antay.. " tila takang taka itong tumingin sakin mula ulo hanggang paa. Lumapit pa si inay sakin at inamoy amoy ako.
" Saan ba ang lakad? "

" Inay dadalaw lang ho sa bagong kakilala. " sagot ko, medyo naiilang.

" Kakilala o nililigawan? " Segunda ni itay na kapapasok lang ng bahay.

" Marunong kana bang manligaw anak? " nang aasar na tanong ni nanay.

" Hala, ang nanay at tatay naman oh. Kakilala lang ho talaga. " napapahiya kong turan.

" Lalaki o Babae yang kakilala mo ? " tanong ni tatay.

Hindi ako nakaimik.

" Oh, hindi nakasagot. Ibig sabihin aakyat ka nga ng ligaw. " tatawa tawang dagdag pang aasar ni tatay at mabigat ang brasong akong inakbayan sa balikat. "Anak maganda ba ang dalaga? "

" Ang tatay talaga. Kakilala lang nga ho. " dama ko ang pamumula ng aking mukha dahil narin sa sobrang hiya.

" Sus , eto naman, Ang tanong ko kung maganda ba? " tuloy na pangungulit ni itay na mas lalong diniinan ang pagkakaakbay sakin.

" ang kulit nyo ho talaga. Oho. Maganda ho sya. Pero di ko pa ho nililigawan ." pag amin ko at napapatitig sa aking magulang na natigilan pero maya maya lang ay gumuhit ulit ang nakakalokong mga ngiti sa labi.

" Ayos lang yan anak. Pumili ka ng maganda gandang mapapangasawa, para maganda ang magiging lahi mo. Di gaya ko tamo, hindi ako nakapamili ng magandang asawa, kayo tuloy ang nahihirapan ngayon. " Biro nya at hindi na nakatawa ang tatay dahil napa-aray sya sa masakit na kurot ni nanay.

"Anong pinagsasabi mo Juanito?!"
Galit na sita ni nanay na mas lalong binaon ang kurot kay tatay.

" Biro lang, Conchita. Sadyang dika mabirong babae ka. " ani ni itay sabay layo kay nanay.

Napapailing nalang ako sa aking mga magulang. Lagi silang ganyan tila aso't pusa. Napatingin ako sa orasan sa pader , mag-aalas sais na ng hapon.
" Mauuna na ho ako Nanay ' tatay. "

Umiibig Na Si PaengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon