"Mag iingat ka sa iyong pag uwi." Nakangiting paalala ni lilah sa akin habang ako'y papasakay na sa aking jeepney. Isang masayang araw na naman ang lumipas dahil sya ang nakasama ko sa paglubog ng araw.
"Sige, uuna na ako. Maraming salamat, lilah." Kaway ko sa dalaga bago binaybay ang kahabaan ng kalsada patungo sa bahay ng aking mga magulang.
Ngiting ngiti ako at pasipol sipol pa. Hindi mawaglit sa isip ko ang mga ngiti ni lilah. Sadyang kayganda nya lang talaga.
--
"Anak, kumusta na nga ba ang iyong panliligaw sa dalagang Rodriguiz?" Isang umaga'y tanong ng aking butihing ina.
Sa ngayon ay dalawang taon at isang buwan na na rin magmula noong nag umpisa akong manligaw kay Delilah pero hanggang ngayon ay hindi ko pa nakukuha ang matimis nyang oo. Magpasagayon paman, makapaghihintay naman ako.
"Ayos lang naman ho 'nay." Tugon ko at uminom ng mainit na kape sa aking baso.
"Hindi ka naman ba minamata ng pamilya Rodriguiz? Bali-balita ko'y mata pobre daw ang pamilya nila. Lalo na ang padre de pamilya." Napakunot noo ako sa tinuran ng aking inay, sino naman kayang makating labi ang nagsasabi ng mga ganoong mapanirang puri sa pamilya ng aking iniibig.
"Nay, baka nagkakamali lamang ho sila. Baka may inggit ho sila sa pamilya Rodriguiz kaya ganon magsalita. Mabait naman ho ang pamilya ni Lilah. Wala akong nakikitang problema sa kanila." Mahabang litanya ko.
Napatango-tango sya at hinarap ako. "Kung ganon, ikaw ang paniniwalaan ko. Ikaw naman lagi ang kanilang nakakasama at sa ilang taon na panliligaw mo sa dalagang Rodriguiz, batid kong kahit papano'y kilala mo narin naman sila." Bumuntong hininga sya at dinagdagan ng kahoy na paggatong ang apoy sa kalan. "Lamang iho, anu't ano man ang maging pasya ng dalagang Rodriguiz, nawa'y ating iyon ay irespeto." Tiningnan ako ng inay sa mga mata. Ramdam ko ang lungkot sa mga mata nya.
"Iyon naman ang nararapat nanay diba. Kung hindi po talaga kami maaari para sa isa't isa. Kahit pagkakaibigan nalang po ay tatanggapin ko ng taos puso." Totoo sa sariling tugon ko.
Hinaplos muna nya ang kaliwang pisngi ko bago ako nagpaalam na mauuna ng pumasada.
Kahit may konting bigat sa dibdib ko ay nagawa ko pa din naman pumasada. Nanlalamig ang mga kamay ko sa tuwing naiisip ko ang napag usapan namin ni nanay, kung sakali man na hindi ko mapagtagumpayan ang matamis na oo ng dalaga, sana nama'y tanggapin nya na lang ako bilang isang kaibigan. Igagalang ko anuman ang pasya nya, dahil nirerespeto ko sya. Masakit, oo pero mas okay na rin ang pakikipagkaibigan dahil kahit papano'y makakasama ko parin sya.
Binagalan ko ang takbo ng sasakyan ko ng mapadaan ako sa tahanan ng aking nililigawan. Nandon parin ang magarang sasakyan nila sa loob ng malawak na garahe.
At ito na naman ang bigat sa puso ko habang nakatanaw, tunay na may kaya sila sa pamumuhay.. ano nga bang naisipan ko at niligawan ko parin ang dalaga. Malinaw pa sa sikat ng araw na para akong maalikabok na lupa at sya naman ay langit na may nagkikinangang bituin. Madami naring sabi-sabi, malabong maging bagay kami. Kilala ang pamilya nila dito sa lugar namin samantala ako'y sa paradahan lang ng jeep nakikilala. Ano nga bang maipagmamalaki ko..
"Utang na loob! Para na ho. Kanina pako para ng para pero 'di mo naman naririnig. Sa susunod 'wag kang pumasada kung ganyang naglalakbay ang iyong diwa." Galit na sigaw ng pababang pasahero. Napapreno ako bigla.
"Pasensya ho." Napapakamot sa batok na sabi ko. "Pre may problema ba?"
Napatingin ako sa harapang salamin para tingnan ang lalaking nagsalita. "Fred?" Kunot noong nilingon ko sya. "Ako nga. Mukhang malalim ata ang iniiisip mo ngayon kaya hindi mo ako napansin nandito kanina pa." Natatawang sabi nya. Napakurap-kurap naman ako, gusto ko sana syang yakapin pero baka magmukha akong bakla dito sa harap ng mga pasahero.
BINABASA MO ANG
Umiibig Na Si Paeng
RomanceMahal kong lily .. Hindi mo man ako nakikita .. o naririnig .. Gusto kong ipaalam sayong lagi akong nasa tabi mo. Patuloy na umiibig.. Kasabay nang pag-agos ng tubig sa ilog at pag-ikot ng mundo. Walang mintis akong mananatili nakatayo.. Sa kwar...